..nOt mUcH tO sAy.. I cUd be warm, wild and fun.. let's say im just clueless to general opinion...
Tuesday, April 29, 2008
.....MaNiBeLa Ng BuHaY.....
Sa ating tinatahak na daan, habang tayo’y naglalakbay marami tayong makikita, makikilala, may magagandang tanawin at maaring ang kabaligtaran. Maraming pwedeng sumakay, merong aangkas lang o makikisakay at papara din sa tabi, pero meron ding sasamahan ka hanggang sa katapusan. Ano man ang naging dahilan nila sa pagsakay at pagsama sa iyo, lagi kang magpasalamat at huwag na huwag mo silang kakalimutan. Higit lalo ang mga taong hindi ka iniwan sa panahong nagkaligaw-ligaw ka at nahirapan. Maaring mag-iwan sila sa iyo ng iba’t ibang bagay na maaari mong gamitin sa paglalakbay. Sa una aakalain mo wala lang sila pero sa huli maiisip mo importante din sila. Sa buhay ng tao madalas kapag may problema instead na maging positibo nagiging negatibo. Aba mali yon, if you fall 10X, stand straight and rise 11x.
Be positive, pagsubok lang yan, simula ng pinanganak tayo up to end nakaplano na ang lahat. Isang plano na si Bosing lang ang nakakaalam. Sa ngayon hindi mo maiintindihan, wala kang ibang pwedeng gawin kundi ang sumunod sa Kanyang plano. Oo minsan yung plano nya masyadong depressing at mahirap sakyan, pero wala kang magagawa kundi ikatiwala sa kanya ang manibela ng buhay mo. Dahil kung kokontra ka pa ikaw rin ang mahihirapan at maliligaw ng daan. Sige pagbibigyan ka Niya minsan na hawakan ang manibela dahil din na din sa iyong kagustuhan. Nag-enjoy ka at nagpatuloy dahil naging “smooth” ang daan. Pero ng dumating ka na sa pagkakataon na liko-liko/lubak na daan at naligaw, umayaw ka na lang bigla at hindi sinubukan. Huwag kang mag-alala nasa likod mo lang Siya, hindi Siya umaalis, hinihintay ka lang Niya na tawagin mo Siya, minsan tinitignan ka lang Niya kung matatagpuan mo ang tamang daan. Pero sigurado ako kung wala kang gabay mula sa Kanya hindi mo matatagpuan ang tamang daan. So kanino mo pa ipagkakatiwala ang manibela ng iyong buhay? Kundi sa Kanya. Tulad ng sabi Niya, Siya lang ang nakakaalam ng lahat.
Subscribe to:
Posts (Atom)