Wednesday, April 21, 2010

......cLaUdiNe'S fAiLuRe......



NILAMPASO
.... is not enough word for Claudine Baretto's Failure on her self titled Show "Claudine" on GMA7. Nilampaso, Pinlorwaks, pinataub or pinakain ng alikabok sa ratings ng MMK ni Gretchen Baretto her sister! Mas naniniwala na ako ngayon na kahit gaanu kagaling ang isang aktres ay pwedeng sumemplang kapag lumipat sa walang kwentang network. Sorry! This is my blog and my opinion should be post!

Ito rin siguro ang gustong ma experience ni Mark Bautista and Rachelle Anne Go na kalilipat lang rin. Speaking of lipatan.... Naalala nyo ba ang kilalang karakter ni Miss Eula Valdez na Amor Powers at Jean Garcia na Madam Claudia Buenavista? Hindi bat halos lahat ng pinoy ay kilala sila sa teleserye nilang Pangako sayo? Na ngayon ay namamayagpag sa ratings sa ibang bansa... When they transfered to GMA7, Marami silang nagawang series pero ni isang karakter nila ay di nakilala... Poor Claudine! Maaring ganito rin ang mangyayari sa karera nya!


Gretchen is preparing for her new series on ABSCBN with Derek Ramsy and Bea Alonzo Titled "Magkaribal" interesting to! Dahil ang nakikita nyong picture sa itaas ay workshop nilang dalawa ni Bea kay derek Laurice G. Iba talaga ang gawang ABS pinaghihirapan di tulad sa iba jan basta meron lang wala ng workshop workshop! mas focus sila sa pangongopya ng show sa ABSCBN! Sana itapat nila ulit si Claudine sa series ni Gretchen para langawin ulit sa ratings si Claudine... Kaso baka ayaw nya na, Takot lang nya! hahahahahah!

....AnTok Na AnToK.....


Matagal na sa akin ang anim na oras na tulog sa isang araw kapag may trabaho ako. Madalas kasi tatlo hanggang limang oras lang ang tulog ko sa isang araw. Kaya naman di maiiwasan na antukin ako sa oras ng trabaho (Wich is Mortal sin sa office ang maantok).. Naalala ko pa nung nasa high school ako ng Marillac Academy, Mga malapit isang oras din ang biyahe mula sa bahay hanggang sa school ng walang traffic. Madalas akong natutulog habang nasa byahe lalo na pagpapunta ng skul sa umaga dahil sobrang aga naming nagigising at naghahanda papuntang skul, Syempre sa sasakyan na kami natutulog ng kuya ko at insan ko.

Pero yung di ko malilimutan noong nakatulog ako pauwi sa bahay, siguro dala na rin ng sobrang pagod. At ang nakakatawa nagising na lamang akong lumagpas ng apat na baranggay mula sa lugar kung saan ako dapat bumaba para sumakay ulit ng traysikel papunta sa baranggay namin.At para naman di masyadong nakakahiya at di mahalata ng iba ding pasahero, pasimple akong pumara at nagmamadaling bumaba ng jeep. Talagang na praning ako at ma lukring lukring sa takot sa mga oras na iyon. Sobrang kinabahan ako kasi madilim na, siguro mag aalas dyis na ng gabi yun at dapat sa edad kong yun at sa oras na yun ay tulog na ako. At ang pinaka worst! apat na piso nalang ang laman ng pitaka ko! Ibig sabihin yun nalang ang natira kong pera, Anak ng teteng naman oh! Kulang na kulang para pamasahe ko pauwi. Wala pa akong cellphone nun kaya ang ginawa ko eh pumara na lang ng traysikel, At ang lakas pa ng loob ko ha! inakupa ko ang traysekel pauwi ng bahay kahit wala na akong pera! Sa bahay nalang ako magbabayad yun lang nasa isip ko. Malayo pa sa bahay pero nakikita ko na ang nanay ko na naghihintay sa akin, nakikita ko rin sa kanya ang pangamba! at nang bumaba ako ng traysekel napawi ang kanyang pangamba. Syempre nag sinungaling ako, Sinabi ko na lang na may ginawa kami sa skul kaya sobrang ginabi ako sa pag uwi. Dahil pag sinabi ko ang totoo na nakatulog ako sa Jeep. Tiyak sandamakmak na award makukuha ko kay nanay. Hahahahaha!


Kahit ngaun marami pa rin akong katangahang nagagawa dala ng antok lalo na sa trabaho. Buti nalang kamo at marami nang naglipana na energy drink sa ministop! Halos lahat ng mga ito pinirwisyo ang trabaho ko nang sinubukan ko! Ang Bachus ito ang nag papabukas ng mata ko kahit tulog na ang utak ko! Ito namang
Explode sobrang na explode buhay ko dahil nagkasakit ako sa ilang araw na laklak nito! Meron ding Cobra, ang epekto naman nito mas malala, Para akong natuklaw ng Cobra. Tulala ako sa trabaho, iba iba sagot ko sa called in client! Kaya ng marinig ng Boss ko ang mga katangahan ko sa Client pinag yosi nya ako ng bonggang bongga sa lobby!

At syempre ngayong week lang na ito. Kababalik lang pinsan ko sa ILoilo after ng limang araw nyang bakasyon dito sa Manila. At ako naman limang araw din akong walang tulog kaya hindi lang ako dinalaw ng antok... nakipag kwentuhan pa sa akin ang antok!

Habang nasa trabaho ako at naghihintay ng Calls. Para iwasan si Antok na feeling ko nakakandong na sa akin. Pinagkaabalahan kong iedit ang mga pictures ng officemate ko at pinag tripan ko pang paghaluhaluin ang mga mukha nila. Ngunit talagang malakas si Antok! Dala na marahil ng sobrang antok at aking tangahan, nag log out ang PC ko at tama ba namang hindi na save ang lahat ng transaction ko sa mga clients ko? Tulad ng Payments na kailangan kong tawagan ang mga client ko paisa isa at i verify ang mga credit card details. Dahil pag hindi walang payments sa kanilang ma popost! basta ang hirap ipaliwanag its a call center thing!
Kaya pagkataapos kung gawin ang pinahaba kong trabaho kahit inaantok pa ako,Naisipan ko pa ring magsulat. Nature ko na yata ang magsulat! Kayo? Anong mga nakakalurking na katangahan ang naencounter nyo sa sobrang antok?