Friday, April 23, 2010

.....MiSs Ko Na ULiT SiLa....

HAys!
Parang gusto ko na lang mag blog ng mag blog!
Akalain mo yun pangatlong entry ko na to sa araw na ito.
HIndi ako ngayon inaatake ng antok,
Kahit wala pa akong tulog!
Pero baka mamaya sa trabaho magpapakandong naman sa akin si Antok!
Hay bahala na!
Basta gusto ko mag blog ngayon.
Ganito talaga pag Day off,
Tapos wala ka sa tototong bahay nyo.
Dito lang ako sa apartment at bestfriend ko lang palagi ang kaharap ko si Laptop!
At ito Blog lang ng blog!
Di katulad sa bahay sa ILoilo nadoon si MArielle na makulit,
Si Bubbles na malambing (aso yan ni popoy at PAt)
at si Nanay namimis ko na ring kakwentuhan.
At si Rita pa pala na kwentuhan ko rin doon sa amin.
Kaya ang pinagkaiba dito sa Manila ay wala akong kakwentuhan,
alangan naman dadayo pa ako sa San Juan sa mga pinsan ko para makipag kwentuhan. Nakakapagod din kasi pumunta doon ang hirap makipagsiksikan sa MRT!
Ayaw kong maranasan ulit ang sumakay sa MRT na nakadikit ang mukha ko sa slamin,
sa sobrang puno!
Paksyet!
Nakakahiya!
Mamaya pala maaga akong papasok hindi alas dyiz kungdi alas syete!
Sobrang early ng in ko ngayong araw na ito.
Pero ok lang sulit naman ang overtime fee.
heheheheh!
Kaya sige heto na lang muna,
wala na akong maisip na isulat eh!
sige tulog na muna ako,
sana makatulog na nga ako.
Sige next time ulit!

..... HaLaLaN nAnAmAn......

17 days to go election is fast approaching.
Sinu-sino na nga ba ulit ang nangunguna sa presidential race? at sa senatorial? isama na rin natin ang mga local polotician. Trip ko pa ring pag usapan ang presidential race. Syempre dahil sa kanila tayo pipili ng susunod na mamumuno sa ating bansa! Kailangan din nating malaman kung sinu ang susunod na mangungurakot sa Pilipinas. Hayz! Syempre pag may hihilingin ako sa magiging bagong Presidente para sa Pinas ay yong posibleng matupad, Hindi yung Wish mo lang! Tulad ng wag mangurakot, maging pantay sa lahat at Huwag gamitin ang posisyon sa sariling interes! Maniniwala ba kayung matupad nila ito pag ito ang hiniling natin??? Hello??? Okay ka lang??? Milyon po ang ginastos ng mga iyan sa pangangampanya! Kaya given na, na babawi ang mga iyan pag nakaupo na! Kaya ang wish ko na lang sana sa susunod na Presidente, Sana.... Sana lang ha walang pilitan... Sana pag nangurakot kayo pakunti kunti lang! huwag yong tipong uubusin nyo ang pera ng Pinas bago makababa sa Pwesto! Hay Wish lang po ito!

Si Noynoy Aquino ang numero uno sa lahat ng survey. Lets admit the fact na sa lahat na ito ng survey. At kahit sabihin pa ng mga kapartido ni Gibo na may sarili silang survey at si Gibo at Erap ang tunay na naglalaban sa survey. Joke lang kaya ito!? Noynoy Aquino is number one in all the reliable surveys in the Philippines Because He is the son of Ninoy Aquino the person who fight for his Country and Corazon Aquino who is the icon of democracy. Syempre, Aminin na ninyo malaking tulong Din ang bunsong kapatid ni Noynoy na Queen of all Media no other than Miss Kris Aquino. Ito yong mga taong nag lagay kay Noynoy Aquino sa number one in all the surveys.

Si Manny Villar ito naman ang pinakamalakas na kalaban ni Aquino. Ito ang pinakamayaman sa lahat ng Presidentiables. Sa mga Commercial ad siya naman ang nangunguna! Nauso ang Villar fever sa mga bata at kahit sa anak ni Tetay na si baby James. Pag alam mo kung sinu sino ang nag eendorse kay Mr Villar, Masasabi mong mahal maging Presidente! I-endorse ka ba naman ni Willie Revillame pinaka maimplowensyang tao sa Noontime show, Manny Paquiao kinikilala ng lahat ng tao kahit di pilipino at Comedy King Dolphy! magkanu kaya ang tatlong ito?

Si former President Erap sila papunta pa lang ito pabalik na sa Malacanang, Sabi nga ng kaibigan ko kung mahal niyo si erap huwag ninyong iboto para di na muli makulong at pag di nyo siya mahal or may galit kayo sa kanya sige iboto ninyo para makulong ulit! naks naman! At ayaw kong maniwala dito dahil marami pa rin ang nagmamahal sa kanya at iboboto pa rin nila si pareng erap! Pero itong si pareng erap, Hit pa rin ito sa taong bayan! Aba! number 3 siya sa survey ha! Malakas pa rin ito sa mga mahihirap na siya ang inaasahan sa pag bangon nila.

Si Gibo, Ito sana ang iboboto ko talaga eh! Kaso I dont want to risk my vote! Mabuti na yung sigurado. Alam nyo yung pag binuto ko siya tapos si Swimmer ng basura mananalo di ba parang sayang lang kaya I go for the yellow team for sure! and to make it sure! But wag ka! nangunguna pa rin itong si Gibo when it comes sa Talino! marami pa rin ang maka Gibo! Ito ang gusto kung manalo kung di ang kapatid ni Kris ang magiging presidente natin! ika nga my second choice. Pero totoo bang ayaw sa kanya ng tito niyang mayaman? May ilalaban kaya siya sa insan nyang si Noynoy?

Dick Gordon the transformer, Una nanungkulan bilang Mayor sa Olonggapo city, Olongapo soon became a highly urbanized city by the year 1983. Under his leadership, at ngayon sobrang layo na nga ang narating nya. Okay din itong si Pareng Gordon! yun nga lang na turn off lang ako sa comercial ad nya, Yung Holy night? Ewan ko ba kong bakit ako na turn off doon. Natural lang naman yon na ipakita mo ang mga magagandang nagawa mo if you want to be a president. di ba? Sige na enaf of gordon.

Brother Eddie Villanueva, Edi Ako! Malakas din ito sa mga kristyano! Ito yata ang kauna-unahang pastor na tatakbo sa presidente. Im not sure kong pastor o religious leader. Ewan ko kung anu tawag nila doon. Basta siya ang founnder ng JIL o Jesus is Lord Movement. Sorry ha ito lang talaga ang alam ko sa kanya.

Nicanor Perlas as in sino siya? Pero wag ismolin ang taong to. Mataas din ang lebel nito when it comes to education. Nag elementary sa Ateneo de Manila at nag college sa Xavier University sa Cagayan de Oro. Magaling din itong taong to sa larangan ng agriculture. Ito siguro ang magbibigay pag asa sa mga magsasaka. Yun nga lang, Malalakas ang kalaban nya ngayon sa Presidential siguro better luck next time.

JC Delos Reyes ang pamangkin ni Gordon na isa sa kaagaw nya ngayon sa pwesto ng Pangulo. Hay! Ito na ata ang pinakabatang presidentiables. Iba ito from councilor to president! Bago to!

Jamby, balita ko galit sa kanya si Juday... Jamby is running for president thats all!

Handa na kaya ang mga pinoy sa pagpili ng bagong presidente? Handa na ba tayong lahat sa automated election? Automated alection? Magiging disaster ba ito o new era?

.....MaGdAmAg Sa InTeRnEt.....

At syempre dahil Day off ko ngayon!
Grabe! alas sais na pala nang umaga! inumaga ako sa kakaupgrade ng blog ko, panonood ng movie sa internet, pagbabasa ng ibat ibang blog ng ibang tao at kakaedit ng pix! alas syete pala mamyang gabi pasok ko dahil naka leave ang kaibigan kong gangster (si vinz)! May pupuntahan daw eh! Bohol yata, doon magcecelebrate ng burtdey nya kasama mga kaibigan nya! hapi burtday nga pala! Sige regalo ko na syo itong OT ko kahit sabog ako sa antok! Ay bepor ay porget pers taym mo pala mag pleyn! Goodluck! enjoy your vacation!
Back to the topic.... Kahit inumaga ako may time pa rin syempre akong mag blog! Lalo na ngayong upgraded na blog ko. May makabagbag damdaming music na habang binabasa ang mga entry at may mga label na ang bawat entry na ipopost ko!
What I learned nga ba sa pagpupuyat ko ngayon???
  • Alam ko nang mag lagay ng mga kung anu anong anik-anik sa blog ko!
  • Mas ginaganahan pala akong mag post ng entry sa blog pag may bago akong diskobre.
  • Sa napanuod kong movie natutunan kung bawasan ang mga drama sa buhay para mabilis makapagpatawad. try nyo kaya?
  • Aaminin ko marami akong nabasang blog na nakakuha rin ako ng mga idea.
  • Im still learning on photoshop for editing pictures but for now im happy with paint. Doon ko naeedit ang mga pix for now.
Ito lang muna sa ngayon kaylangan ko pang matulog para ready to work ulit mamyang gabi!