..nOt mUcH tO sAy.. I cUd be warm, wild and fun.. let's say im just clueless to general opinion...
Sunday, April 4, 2010
....WaLa LaNg, GuSto Ko LaNg MaGsuLat......
Wheeeeew! Yup! Totoo yun! Uwi naman ako ng Iloilo for a very very short vacation! Kahit two days lang okey na yun... Ayoko ko rin kasi magbakasyon ng two years sa ILOILO... As usual mabibitin nanaman ako sa bakasyong ito.. hmp! di man lang ako umabot ng limang araw.! Pero okey lang mag lilimang araw naman ako sa HongKong sa June eh! yun ang mas masaya! Ayos na ang two days basta walang Undoy na mangyayari para naman ma enjoy ko! Kasi minsan itong mga kapatid ni Undoy at Peping bumabanat pag nasa bakasyon ang maraming tao! Last time nga ang iba jan na kansel ang lakad dahil binalita na may signal no.3 ba naman sabi sa tv, tapos kinabukasan ang taas ng araw,kamusta naman un,nananadya yata eh.. mas malakas pa nga daw ang hangin pag may nakakausap akong mayabang! Heheheeh! At wala akong planong makinuod ng dvd sa bahay kasi iba yung trip nila doon! Kasi iba ang trip nilang panuorin, buti sana kung english o tagalog eh. pero hindi eh panay korean, japanese at taiwanese..pahirapan magbasa ng maliliit na subtitle.. Basta pag uwi ko hinding hindi ko sasayangin ang two days na yan! Baka pagbalik ko dito negro nanaman ako! Black is beautifull but too much black is charcoal! Hahahhaah! Bahala na kung malimas kaagad ung pera ko doon...Ganyan talaga ang buhay! pero buti na lang dito sa manila may sarili akong internet kaya malayo sa tukso na gumala (kahit sabihin pang malapit ako sa Nunal ng asya, di ba yun ang tagalog ng mall of asia??? Si Nora Aunor ba may ari ng mall na ito???) Pag dito sa manila wala ng masyadong gala dito lang ako sa bahay kaharap ng lap top at nag ba blog nalang palagi. Yun nga lang kawawa naman dito ang lap top di nanagpapahinga! Kaya nga Kuracha ang pangalan ng lap top ko! At higit na mas kawawa din yung kuryente namin na parang pang wan handred meter das ang takbo! hays! NA iinsecure na nga iba naming gamit kay Kuracha dahil di na sila napapansin! Si TV, Si DVD, Pati na rin si Cellphone! baka mag usap usap ang mga ito at pag tripan wasakin si Kuracha! Buti nalang kamo may bestfriend naman dito sa BAhay si Kuracha! Si electric pan! Syempre kaylangan mag electric pan habang kumakalikot ng Internet, Ang hirap kayang mag internet na kasing laki ng duhat ang pawis mo! Lalo na ngayong panahon na ito! Dyozko nakakasunog ng anit ang Init ngayon! AY! bat nga pala ang mga gamit sa bahay ang napapag usapan sa entry kong ito!??? Basta ang importante mamyang alas tres o kwatro ng hapon ang oras na hindi nakakasunog ng anit ang init! Pupunta na ako ng opisina ng Cebu pacific! kukuha na ako ng Ticket ko pauwing Iloilo! Hays! Ganito talaga ang buhay wala pa akong tulog simula ng magising ako alas dos ng madaling araw para lang mag harvest ng farmville ko di na ako nakatulog! Alas Otso ng umaga kanina naglaba naman ako ng sandamakmak na labada ko! napuno ko nga ang sampayan dito sa bahay at kinulang pa ng hanger! Alas onse kumain ng tanghalian! kaya heto ala una naka upo na sa harap ng lap top at nagsusulat nanaman! makatulog na nga at pagkatapos ko mamya sa cebu pacific eh magpapagupit pa ako! Hay ilang marlboro na kaya naubos ko sa araw na ito simula ng magising ako???? AT nakz! nakalimutan ko naman matulog may pasok na pala ako mamya sa trabaho alas diz ng gabi! sige na mga pipz tulog muna ako at may lakad pa ako mamyang alas kwatro! bye!
.....BuHaY sA sTaRtEc.....
My Startec Days. Kaya ko naisip na gawing entry ang Startec life life ko kasi gusto ko i-share sa inyo ang naging buhay ko nung nasa Pagtitiis, Paghihinagpis, Pagpapagutom, Pagsasakripisyo at Pagkilala sa mga naging tunay kong kaibigan. Syempre may mga away away ding nangyayari pero di naman talaga maiiwasan yan. Special silang lahat sa akin sa Startec dahil sabay sabay kaming nagutom, nag tiis, nag pasensya, nagsakripisyo. Sabay din kami sa hirap at ginhawa! kaya nga team song ko sa mga taga startec yung Station ID ng ABSCBN na Sabay Tayo!
PHOTO CAPTIONS:
The hardest part of any friendship is when it's time to say goodbye, Yun talaga ang mahirap!. As much as we might like things to stay the same, change is an inevitable part of life. and even though I wished I could stay, I know I need to myself to spread my wings and fly, syempre ganun din kayo!. The universe may seem huge and the rift between friends on opposite side of the world may seem a great distance. There are many tools available with which we can communicate, but even without these tools there is a secret that only real friends know, and it is this. All the mountains and valleys in the world cannot separate friends whose hearts are as one. Hay na mimis ko na talaga kayong lahat! Sanay magkita kita tayong muli!
Talagang naging masayang part ng buhay ko yun. Nakilala ko ang mga tunay kong kaibigan, na hanggang ngayon ay mga malalapit pa rin sa aking puso. Dati, muntik ko na i-give up ang Plano ko sa Buhay dahil napakahirap talaga ang mabuhay na parang undirected life at parang wala na... Parang hanggang dyan ka na lang... Pero sa tulong at suporta ng mga kaibigan ko, Mga naging Agents ko, At sa lahat ng naging ka trabaho ko sa startec, I was able to stand with my both feet on the ground! At lalong lumakas ang tiwala ko sa sarili. Salamat sa inyong lahat! Eto ang proof na iba talaga ang Startec Life ko.
PHOTO CAPTIONS:
- Ito yung time na kailangan natin magkaroon ng group picture. Tapos Kailangan nating maghanap ng napakagandang backround. Kaya Pumunta tayo sa Petron sakay ng startec bus para mag pa picture.
- Kasama ko sa Picture na to si Veron at Nicole, Nag iinuman yata tayo dito dahil libre ni Sir Nick. Lasing si Nicole sa oras na ito. At ito din yung time na tumatakbo si Perry na walang Tsinelas dahil Na hold up sa Dagat! hahahahahahahah!
- Si Leslie kasama ko dito. Wala tayong sahod nung time na to. lagi namang late eh! Punta kami ni Leslie ng dagat kuha sa Coop ng mga Chichirya at soft drinks para doon uminom sa tabi ng dagat para ilabas ang sama ng loob. I miss you Leslie! Akalain mo yon???? nakaka miss ka pala!
- Ito ang mga kasamahan ko sa Shift mga night shift! Bago to magsimula ang night shift, Syempre picturials muna!
- Ito naman sa Apartment to ni Miss Laisa, Na una na kaming mag resign kaya ng mabalitaan naming nag resign din siya pinuntahan namin ni Vangie para damayan!
- Birthday ko yata to O fiesta namin! Di lang ako sure! Pero masaya to kasi isang jeep tayo!
- Ito na yung picture natin na buo sa Petron! Minamadali natin ang Camera man Kasi umuulan na!
- Pagkatapos ng Group Picture kanya kanya ng grupo mag pa picture!
- Pareho din ito sa Number 5, Kaso nagulat tayo dahil dumating si Miss A! Di kapanipaniwala! Syempre!
- Si Miss Jaylo At Amie kasama ko dito birthday ito ng nag iisang anak ni Nicole na si Stacey na ngayon! ewan ko ba ano ba talaga pangalan niyan! basta anak niya si Klyde!
- AH! ito naman ang pinka masaya! Nawalan ng linya ang startec kaya stop calling! nag fiesta ang lahat sa labas ng opisina at tumambay sa Flying V gasoline station! hahahahahahah!
- Ito naman sa Guimbal to sa Bahay ni Miss Laisa Fiesta yata to sa kanila!
The hardest part of any friendship is when it's time to say goodbye, Yun talaga ang mahirap!. As much as we might like things to stay the same, change is an inevitable part of life. and even though I wished I could stay, I know I need to myself to spread my wings and fly, syempre ganun din kayo!. The universe may seem huge and the rift between friends on opposite side of the world may seem a great distance. There are many tools available with which we can communicate, but even without these tools there is a secret that only real friends know, and it is this. All the mountains and valleys in the world cannot separate friends whose hearts are as one. Hay na mimis ko na talaga kayong lahat! Sanay magkita kita tayong muli!
Subscribe to:
Posts (Atom)