..nOt mUcH tO sAy.. I cUd be warm, wild and fun.. let's say im just clueless to general opinion...
Monday, March 29, 2010
......PaRa Sa KaNyA......
I missed you so much, Before I waited for three years to have my wish granted.. now I wasted another three years of trying to know myself better. I know I became so selfish that I didn't tell you anything about what's happening with me. I just wanted to find my soul. I found myself here in Manila. I learned a lot, I gained so much knowledge about life.. For so many times that I tried to send you message on your facebook account, I just don't understand that I couldn't make any good one to explain my side. I know I was so unfair, and I guess I've caused you so much pain. Sorry, I Just thought that what we were doing was wrong that's why I tried to find the best way to correct everything. While I was searching for that correction, I learned that I've been doing the biggest mistake of my life for almost three years. And just yesterday, I met my fault, I was so stupid to try to forget the best thing that happened in my life.. I love you. and it has never gone. I hope you will accept my apology.
Saturday, March 6, 2010
Thursday, March 4, 2010
......SiNo NgA bA aNg SiSiMuLa!?.......
Few more weeks nalang, election nanaman. Dami nanaman mga streamers, banners, political commmercials. Ang iba ngang presidentiables binago ang ranking ng Advertising History. Hanggang ngayon hindi padin ako decided kung sino ang mga iboboto ko (d naman ako uuwi ng iloilo para boboto lang). Ni wala pa akong listahan ng mga iboboto ko. Ang alam ko lang botohan sa MAYO Dyiz at mukhang mangongopya nanaman ang ibang kababayan ni Juan. Aasa nalang sa kung sinu-sino ang sikat. Hay! buhay nga naman!
Oo, tama nga naman! Dati nung unang beses akong bumoto kinopya ko lang ang mga kandidato na isinulat ko sa balota ko. Magmula presidente hanggan sa mga konsehal. Ni wala akong ideya sa election. Ni wala akong paki sa politics. Sa totoo lang, Ngayon nagkaroon na akol ng pakialam! Unlike dati wla akong pakialam! Apektado lang kasi ako sa mga pinapataw na deduction sa sahud ko kaya nagkakaroon na ako ng pakialam sa election! Nakakapagod kasi itong mga nasa pulitika. Kung tutuusin para akong walang kwenta dating hindi ako nakikialam sa election. Sabihin ko man na wala akong pakelam pero kelangan. Nakaka praning kasi minsan. May problema ka na nga sa personal mong buhay pro2blemahin mo pa ang pesteng pulitika na yan. Pero syempre, kung hindi ko naman ieexpress ang pakabahala ko sa pulitika ng Pilipinas tinawag pa akong Pilipino.
Nakakasama lang kasi ng loob na kahit anong gawin mong hirap at payaman para sa sarili mo (sarili ko lang naman iniisip ko sabi ng iba) parang walang nangyayari dahil sa hirap ng buhay sa Pilipinas. Kung tutuusin nga din paanong mo sasabihin na mahirap ang Pinas e Millyones ang kinikita ng mga OFW natin. Ang mga nahahalal at nakaupo sa Gobyerno mayayaman at lalong yumayaman. Ni ultimong tatay ko na nasa Hongkong kanda kuba na sa trabaho mahirap pa rin. Pero bakit ang iba nating kababayan na nasa politka lalong yumayaman. Biruin mo may isang kandidato ngayon na tumatakbo ng Presidente e lumampas sa rate range ng Comelec. Sabihin pa nya na galing sa mga donors niya yun. Niloloko ba niya ang mga Pilipino. Sige sabihin natin galing sa mga Businessman yun, pero hindi pa pwedeng idonate nalang yun sa mga istutusyon ng Gobyerno na natutulungan ang mga mahihirap natin kapwa Pinoy. AND PINOY TAKE NOTE OF THIS! Etong mga tumatakbong pangulo ngayon alam nyo ba kung magkano ang ginagastos nila para sa pangangampanya??? humigit kumulang sampung milyong piso! Opo! Totoo yun! 10 MILLION PESOS! Isipin nyo nalang ang magiging sahud ng Presidente natin! 60,000 pesos a month! times natin sa 12 na buwan sa isang taon kikita siya ng 720,000 at sa loob ng anim na taong panunungkulan bilang Pangulo ng pinas ang Kikitain ng Presidente sa sahud nya ay 4.3 MILLION lang naman! San nya kukunin ang iba nyang ginasto sa pangungumpanya!!!? Sagot Presedentiables!!!!!
Ang hirap lang isipin na sila gastos ng gastos para lang maihalal sa Gobyerno pero once na makaupo sila wala na. Naglahong bigla ang mga perang ginamit nila na sana itinulong nalang nila sa mga ibang tao. Sa mga taong nanglilimos sa baclaran tuwing myerkules at quiapo tuwing linggo!
Nakakainis na minsan isipin na mahirap ang pilipinas na kung tutuusin hindi naman talaga. Ang mga nakaupo lang ang nagpapahirap sa mga Pilipino.
Hindi bat nakakaasar ang mga ganitong problema. Dahil kahit alam mo na may solusyon naman, hindi naman kayang solusyunan. Nakakapanghinayang, nakakapanghina, nakakapraning, nakakabaliw.
Sa totoo lang, wala akong tiwala sa sistema ng Pinas. Kahit pilitin ko na maniwala sa kanila, hindi ko magawa.
Pero ako? ano pa ba ang magagawa ko. Kundi ipahayag at ipakita na Pinoy ako. Hindi ko lang sinasabi na sa pagboto lang masasabing Pinoy ako. Napakaraming bagay. Hindi ko naman sasabihin na ako ang simula (base sa isang tv network ad ng isang istasyon). Baka sakali dito magsimula ang PAGBABAGO. Matagal pa yun. Sobrang matagal pa. Hindi ako nawawalan ng pagasa. Balang araw, magiging mayaman ulit ang Pilipinas. Hindi lang sa Pera, Kapangyarihan at Politika. Kundi sa Lahat ng bagay (mayaman na ang Pinas. Hindi lang yun nakikita ng iba).
Kaya sa MAYO DYIZ, Huwag na kayong mangopya ng mga kandidato. Alam ninyo ang kahalagahan ng BOTO ninyo. Huwag ninyong sasayangin ito. Para sa PILIPINas! Simulan ninyo ang pagbabago sa sarili ninyo! Huwag kayong maniwala na mayroong totoong President JUan Policarpio! kathang isip lamang yun! sana tularan siya ng mga tatakbong presidentiables... Sa nakikita ko 99.9% ng mga pulitiko ang maisasahalintulad kay manong Sol ng Tanging Yaman ng ABSCBN!
Subscribe to:
Posts (Atom)