Wednesday, June 24, 2009

......aLaMaT nG dAy OfF......

day off!! natapos nanaman ang isang linggo… nung isang araw… halili and kho day… ayun kanya kanya ng pasahan ng kontrobersyal na video… mga kalibugan sa cp… hahahaha!! lahat busy… sa blu tut!!! at nun isang araw sa Aling deonisia naman kami naabala… Kasi laging pinag uusapan! at ngayun Tuesday? re touch ng life day!!! para fresh… eto lang naman yung ginawa namin pag malapit na ang uwian after daldalan ng walang kapaguran… hay parang hindi puyat noh??? kailangan energo energo yan ang gustung gustu kow!!! hahaha!!!
day off!!!

day off!!!
day off!!!
day off!!!
day off!!!
day off!!!
saya saya!!!
;lahat fresh!!!
pagkatapos ng shift hindi ka na pagod kasi night off na mamyang gabi!!!Basta ako matutulog lang ako ng matutulog!

Wednesday, June 17, 2009

100 ways to change this napkin culture

Mga kapatid… tulungan nyo ang hari na baguhin ang kulturang pilipino. Isang bagay lang, ‘to lang talaga. Eye pramis. Da rest, Wala akong pakialam. Di ko talaga to masikmura. Wla na akong pakialam sa kung ano pa man. Mag-baboyan man kayo, tumakbo man kayong nakahubad sa SM mall of asia, Wala talaga akong pekealma. To lang talaga…TO LANGGGG!!!Hu Hu Hu… Wa…. Wa…. HUWAAAAAAAA!!!!Kelangan pa bang ime-morize to? LOOK!


Paki-explain nyo nga nito?! Lord naman! Bakit mga pinoy pa! Bakit sa dinami dami nang internet cafe, sandamakal na kasosyalan dito sa Manila, pa-inglis inglis pa, yet etoooo! ETOOOOO!!! ETOOOOOOOOOOOOOOOO! ANG KINA-IINISAN koooo! Siguro naman di ko na dapat i-explain yang picture na yan no?!
Sa sobrang sarap nang kinakain mo, den, ilalabas ang table napkin. EKKKKKKKKKKKK!!!!! Kelangan siguro sa mga pinoy, powerpoint presenteyshun on how to use dat wan… to something down below behind your ass…
I think we need to do something… Mag-organize ka Mhean, momnibochok, bromsmo, Che, asan ka, mag tayo kayo nang NGO, on how to teach pinoy sa tamang gamit nang twalet peyper.
Plis lang… eto suggestion ko:100 Ways to change diz NAPKIN culture1 ipag-seminar ninyo mga kapwa aboridyinis natin…
2 O kaya, gawing isang semester na subject to sa lahat nang unibersidad nang pinas…
3 O kaya, isama sa sermon nang mga pari at obispo tuwing sunday…
4 O kaya, ibandilyo sa lahat nang kanto nang pinas…
5 Manawagan na rin kayo sa wawawiiii…..
6 I-advertise - frontpage sa manila bulletin…
7 Ilagay sa prendster - andun lahat nang pinoy eh…
8 Isaksak mo na rin sa lahat nang porn site… mas madaming pinoy dun…
9 Maglagay nang karatula sa POEA…
10 Gawing WELCOME SIGN sa Manila International Airport
11 Tatanggalin din lang lahat nang billboards sa Menila, palitan na lang nito!
12 Gawing cover page sa lahat nang notebuk nang mga estudyante
13 Ilagay sa gilid nang diploma nang mga gu-gradweyt
14 Ilagay sa PRC certificate. Unahin natin sa mga nurses!
15 Magtayo nang booth sa SM city on how to properly use twalet peyper
16 Dun na rin sa Robinsons at gaisano
17 Sya, sya magtayo rin nang isa sa Public market!
18 O kaya, lahat nang mga driver sa dyip pangaralan lahat nang sasakay.
19 Bigyan nang test ang mga sasakay sa trysikel at dyip. Yong di makasagot, di isasakay.
20 Kausapin lahat nang accounting firm. Gawing pers page to nang financial report.
21. ilagay sa lahat ng mga dyalibi products ang reminder kung paano at saan ginagamit ang tissue na ‘yan. maraming kumakain na bata sa dyalibi. para bata pa lang sila, alam na nila paano at saan ‘yan gagamitin.
22. gawing reminders mula sa mga cellular networks, imbes na kung anu-anong promo ang ipinadadala nila sa mga celfons, yan na lang ang ipadala nila: a reminder on how and where to use that thing.
23. ilagay sa crimes punishable with lethal injection ang hindi tamang paggamit nito hahahaha
24. isama sa state of the nation address ng bawat pangulo ang paraan kung paano at saan ito gagamitin
25. kunin din ang coopereyshun ng mga extremists at leftists, ang hindi marunong gumamit ng tissue na yan ay chuchugihin nila hehehehe
26. kung sino ang mahuling ginagamit ito sa hapag-kainan, pagbawasin sa plato at paihiin sa baso para malaman nila kung gaano kadiri diri ang paglagay nito sa hapag kainan
27. Magpamudmod ng plyers na kasama ang larawan ng toilet paper at maglagay ng *caution: for poet-s only*–imimoris na lang kaya!
28. Dapat sa production pa lang may nakatatak na “For toilet use only!” Mas konti gastos ng ganon. Anyway, product nila yun, e di sila ang gumastos.
29. request si mike velarde na mag organize ng malaking prayer rally tungkol dito.
30. Gawin syang REFRAIN nang bayang magiliw para alam kagad nang mga bata.
31. Kumuha ng corporate account sa Vista Media at Clear Channel para sila ang gagawa ng mga billboards na ilalagay sa bawat poste ng kanto sa ka-Maynilaan., Ipapalit sa advertisment ng mga lipat bahay chenes chenes..eto ang nakasulat…muka bang pwet ang bibig mo?pwes ilagay mo ang toylet peper sa dapat nyang paglagyan,orelse isusumbong namin kayo kay Tulfo.
32. Pakiusapan si Willy sa wawawi na i-plug ang anomalyang ito tutal lahat naman ng pinoy nanunuod ng wawawi twing tanghalian eh!
33. Ang mahuling gumagamit nito sa hapag kainan ay mapaparusahan….katulad na lang ng “Stoning To Death” — Mga gagah alam ko na naiisip nyo hindi Stoning as in read: Paka banggag.,stoning as in batuhin!– batuhin ng sandamakmak na toyley peyper he he
34. Ang mahuhuling sangkot sa anomalyang ito ay tatalian sa kamay at paa tapos walang tigil na kikilitiin..at kikilitiin..at kikilitiin….
35 hanggang 100 bahala na kayong mag dagdag!!!!!

Monday, June 15, 2009

.....LiFe Or SoMeThiNg LiKe ThAt......

ang tao nga naman,
hindi marunong makuntento sa kung ano man ang meron sya…
ewan ko kung ako lang ba ang ganito pero nakakatawang isipin.
dito na ako sa pang pitong call Center na trabaho ko. ika nga kina-career ko na..ok naman dito so far.. masaya ang mga kasama, madali na mahirap ang trabaho… sa sobrang dali minsan, halos nakakabagot na! sa sobra namang hirap nakakangawit na..yun na nga eh! Mas more ang madali lang ang trabaho… pero bakit meron parin akong nairereklamo? wala nang ibang gagawin kung di sumagot ng mga tawag sa telepono, maghanap ng nararapat na sagot o rebutalls sa mga engot na customer na nagmamarunong…
UN LANG!!!
ganon kasimple…
HA! HA! HA!
NOT!!!
ang mahirap nito, ang hirap mka timing ng kausap na normal na kliyente. kahit bulyawan sana ako, walang problema ma aapreciate ko pa..papano ba naman, ang mga h*n*y*p*k na kliyante na yan, ang tipid mag sagot sa telepono…
siguro akala nila mahuhulaan mo ang problema nila kung babagsakan ka lang ng telepono, marami namang pwedeng isagot sa aming mga telemarketer "I’m not interested" "take me off of your list" "I’m happy with what i have" "dont call me again"
POTA!!! basta-basta nalang nag hahung -up…
ni ha ni ho,,, wala!!!!
ano kami, manghuhula?
at ito pa ang isang problema ko…
akala ko noon, ang hirap mag in bound…
pag humirit na ang mga AB-normal mong kliyente ng "I have a bad experience with your company before" "i cannot contact your toll free number" "I cant call using your service", GOODLUCK!!!
alam kong may problema… KAYA NGA ako tumataTAWAG EH DIBA?!?!?!
ang kaibahan nun, sa totoong ugali mo di ka pwedeng rumesbak sa mga abnormal mong kliyente…minsan nga kung ma bulyawan ka ng "GO TO HELL" parang ang sarap sagutin ng "You know what sir?, your so sweet….i wish i could tell you that also…."
HANEP!!!
kaso di tlaga pwede..
pota di talaga pwedeng rumesbak!!!!
akala mo lang meron…
PERO WALA!!!
WALA!!!
WALA!!!
wala kang ibang masabi kungdi ang mala anghel mong boses na "im sorry" "i do apologize for the inconvinience"
HAAAAAY!
nakakatawang isipin. ang dali na nang ginagawa namin bilang inbound agent pero nagawa paring magreklamo…
HAHAHA!!!
hindi naman talaga ako nagrereklamo. sino ba naman ako para magreklamo sa buhay na to?
walang lang siguro akong magawa…
alam mo na…
Nakakantok eh sarap gumawa ng entry sa blog!!!

Monday, June 8, 2009

....AnG pAgBaBaLiK.....

Haaaaaayyyyyy….

Finally, I got a chance to write on my blog again. After long long years of resting.. Matagal ko ng gustong sumulat pero dahil sa dami ng ginagawa pilit kong kinakalimutan ang mga bagay na nadarama ko. Ngayong mga panahon na to, magulo ang mundo ko as in medyo disaster. Masayang masaya ako pero malungkot na malungkot din. Masaya ako kasi maraming magagandang bagay ang nangyayari sa kin. Careerwise ok naman, challenging work, challenging responsibilities, being able to take calls again, talking to irate clients and a very challenging job dito sa TELE Access (naksss...I'm sorounded of briliant and beautifull people of this company). Kaya ok naman ako, and siyempre, nice co-workers din. In terms of lovelife/social life naman, hmmmm… nuh, we’re doing worst na siguro. Hindi na Madalas ang aming pag uusap at pagsasama. Kahit umalis or let say lumayas siya (ok I’m spilling the beans) masaya ako kasi sulit naman yung times namin together at kahit papanu naging mag ok naman kami. And I feel na she’s having fun din naman ngayong I’m around sa buhay nya. So far so great! Kaya lang… what’s making me sad is that, kung kelan naman things like these are happening, saka naman siya nag mumulto ulit, sori nagpaparamdam ulit. text text kuwari, kuwari wroNg seNt, Anak ng teteng! luma na yan eh! Bilang na lang ang mga nararamdaman ko sa kanya… actually, sa ngayon, isang bagay na lang talaga yun. at saka ayoko na rin… Nalulungkot talaga ko… And dati ang tagal kong iiyaka to. Pero I’m definitely happy na talaga. Alam ko naman na this is something good for my own career and everything (selfish na kung selfish). Pero yun, siyempre, malungkot ako kasi sobrang nasaktan talaga ako dati. O God, sinasabi ko pa lang yun, nafifeel ko ng nagbebreak yung heart ko (belaysing ga kinorni ako!!! wheeew!!!). Pero I have a feeling naman na makakabuti rin to sa amin. Sana mamiss niya ko as much as I’ll miss her. Sana makapag usap pa rin kami pa minsan minsan despite the difference in timezones. hindi ko sure kung gano ka-constant ang communication namin. And sabi ko nga, sana bigla niyang marealize na kaibigan pala niya ako. that’s life. Malay mo nga, this is God’s will! And the good times will never end… till we meet again..

And I know that it won’t be long… until we meet again…

So ayun… Until we meet again… I know we’ll have more fun times together! And baka pagbalik mo, we have taken our kanya kanyang relationship to the next level… wish… (libre naman mangarap)*wink*

Tuesday, April 29, 2008

.....MaNiBeLa Ng BuHaY.....


Sa ating tinatahak na daan, habang tayo’y naglalakbay marami tayong makikita, makikilala, may magagandang tanawin at maaring ang kabaligtaran. Maraming pwedeng sumakay, merong aangkas lang o makikisakay at papara din sa tabi, pero meron ding sasamahan ka hanggang sa katapusan. Ano man ang naging dahilan nila sa pagsakay at pagsama sa iyo, lagi kang magpasalamat at huwag na huwag mo silang kakalimutan. Higit lalo ang mga taong hindi ka iniwan sa panahong nagkaligaw-ligaw ka at nahirapan. Maaring mag-iwan sila sa iyo ng iba’t ibang bagay na maaari mong gamitin sa paglalakbay. Sa una aakalain mo wala lang sila pero sa huli maiisip mo importante din sila. Sa buhay ng tao madalas kapag may problema instead na maging positibo nagiging negatibo. Aba mali yon, if you fall 10X, stand straight and rise 11x.
Be positive, pagsubok lang yan, simula ng pinanganak tayo up to end nakaplano na ang lahat. Isang plano na si Bosing lang ang nakakaalam. Sa ngayon hindi mo maiintindihan, wala kang ibang pwedeng gawin kundi ang sumunod sa Kanyang plano. Oo minsan yung plano nya masyadong depressing at mahirap sakyan, pero wala kang magagawa kundi ikatiwala sa kanya ang manibela ng buhay mo. Dahil kung kokontra ka pa ikaw rin ang mahihirapan at maliligaw ng daan. Sige pagbibigyan ka Niya minsan na hawakan ang manibela dahil din na din sa iyong kagustuhan. Nag-enjoy ka at nagpatuloy dahil naging “smooth” ang daan. Pero ng dumating ka na sa pagkakataon na liko-liko/lubak na daan at naligaw, umayaw ka na lang bigla at hindi sinubukan. Huwag kang mag-alala nasa likod mo lang Siya, hindi Siya umaalis, hinihintay ka lang Niya na tawagin mo Siya, minsan tinitignan ka lang Niya kung matatagpuan mo ang tamang daan. Pero sigurado ako kung wala kang gabay mula sa Kanya hindi mo matatagpuan ang tamang daan. So kanino mo pa ipagkakatiwala ang manibela ng iyong buhay? Kundi sa Kanya. Tulad ng sabi Niya, Siya lang ang nakakaalam ng lahat.

Saturday, April 19, 2008

im so sorry!

Sorry ive been away guys ive been very
very busy. masyado ng kinakalawang ang blogsite ko!!!
I have alot of things to tell you guys about my stay in hongkong,China and macau!!
i hope could find enough timeto write it all here....
thank you sa lahat ng bumibisita dito at nag iiwan ng comments!!

Friday, December 28, 2007

.....MeRrY cHriStMaS?.....

this is my first christmas na hindi kami magkakasama ng pamilya ko. As in ni isang pares sa amin hindi nag kasama. my first christmas na sobrang lungkot na parang gusto kung mag-bigti. Tatay ko sa Hongkong, Nanay ko sa Pinsan nya nag christmas, kuya ko sa girlfriend nya at ako lang mag-isa ang natira sa bahay...
there’s not that much christmas cheer really. tumatanda na ako, di ko na na-enjoy ang pasko. parang parehong araw lang ito, katulad ng mga nag-daan ng mga araw - kisap-matang nawala. wow, ang gandang salita “kisap-mata”: “blink of an eye”… para bagang isang pa-profound effect to impress gentle reader. hehehe… amazing! “it’s amazing whoop, with the blink of an eye, suddenly it’s alright”. sabi nga ni aerosmith. ang bilis talaga ng panahon. sana next year na, para makabawi kami sa isat isa. Pero this bagong taon sure daw na mag kasama kaming tatlo na naiwan dito sa pinas...
merry christmas na lang, whatever it still means.At manigong Bagong taon....P.S. sa mga pandak sa bagong taon wag kalimutang tumalon! habang may buhay may pag-asa! heheheheeheh!


Monday, November 26, 2007

.....tHe SeXiEsT giRL.......

ZWANI.com - The place for myspace comments, glitters, graphics, backgrounds and codes


nothing to post... ito lang as of now!
she's hot.....
i need to call pa my eviction kasi this week
sa call center namin..
okies! bye for now! pray for me,
na sana hindi ako ma evict dito sa
Pinoy Big Brother Call Center...
hehehehehe! its a joke! but seriously,
i need job! i dont want to be evicted this week!
tawagin natin lahat ng santo mag join forces kayong lahat
para ma salba ako! sa mga texters, para i-save ako
sa eviction night just type PBBCC save papet
and send to 2366..
marami pa akong gustong patunayan dito sa
Call center ni kuya kaya save me na!
hindi lang blog ang alam ko...
hehehheheheh!
not related ba ang pics????
wala lang i just like it! parang umiinit dito sa office
kahit ang lakas ng aircon...
ewan ko ba kung anung meron ang piktyur na ito...
basta she's hot!
hala sige tapos na break ko! i need to call na
para maka sale and para ma save sa eviction!

Saturday, November 24, 2007

.....KaYa Ko Ba To???.....

wala na daw akong bagong entry. bakit nga ba? wala kasi akong maisulat. hindi dahil walang nagyayari sa buhay ko. As a matter of fact meron naman. Ito nga ang pinaka worst week na nangyari sa buhay ko as a call center agent and ayaw ko nang pag-usapan kung bakit (wala namang makakaintindi sa akin). Pero ewan ko ba. pagkatapos nun, parang di ko na makuha maging masaya. tumatawa ako sa mga kakatwang pangyayari sa paligid ko dito sa Call Center na pinag tatrabahuhan ko (dito sa GMCI ha, walang ng iba! Period!). sa mga patawa ng mga kaibigan ko. ngumingiti. natutuwa naman talaga ako sa mga bagay na yun. pero di ko lang talaga maintindihan kung bakit pakiramdam ko malungkot pa rin ako. parang ang hirap maging masaya.

Monday, November 19, 2007

.....dALaWaNg KwEnTo Ng PiNoY.....

Naisip ko kasi na iba pag sinabi mong “Proud Pinoy Po Ako!”, kasi bukod sa ipinagmamalaki mong ikaw ay isang Pinoy, naipapakita pa natin ang ugali nating mga Pinoy na pagiging magalang sa pamamagitan ng paggamit ng “po” at "opo". Pero siyempre, bukod sana sa salita, eh naipapakita rin natin ito sa ating mga kilos. oo nga, tayong mga pinoy ay maraming talento at kakayahan na maari nating ipamalas sa ibang bansa. pero kung ang paguusapan natin ay ang kalagayan at kaugalian nating mga pinoy, dapat ba nating ipagmalaki?? Bago sagutin ang katanungan basahin po ninyo ito.

Si Noah Bilang Pinoy Panu kung naging pinoy si Noah??? Oo nga no? Ano kaya nangyari sa Pilipinas? Paano yung barko? Ganito ang mangyayari sa barko... Taong 2005 at isang ordinaryong middle class pinoy si Noah. Nagpakita sa kanya ang Diyos at sinabing "Pagkataposng isang taon ay bubuhos ang ulan at babahain ang buong kapuluan ng Pilipinas. Gusto kong gumawa ka ng isang malaking barko at isakay mo rito ang pares-pares na mga hayop at mga mag-asawang pilipino sa iba't ibang kapuluan." Ibinigay kay Noah ang specs ng barko at taos puso nitong tinanggap ang responsibilidad na sagipin ang sambayanang Pilipino sa napipintong pagbaha. Lumipas ang taon, muling nagpakita ang Diyos kay Noah. Walang arkong nagawa si Noah at galit na galit siyang tinanong ng Diyos, "Nasaan ang barko na ipinagawa ko sa iyo?" Tumugon si Noah, "Patawarin po ninyo ako kung di po natupad ang utos ninyo! Nagkaroon po ng malaking problema sa plano po ninyo."At inilahad ni Noah ang mga sagabal na nakaharap niya sa pag-gawa ng barko. Humingi siya ng Mayor's permit pero papayag lang daw si Mayor kung ang gagawa ng barko ay ang construction firm ng kanyang pamangkin. Tumungo siya sa Congressman pero papayag lang daw si Congressman kung may matatanggap siyang 30% commission. Nagtayo ng unyon ang mga kinuha niyang manggagawa at nag-strike.Natunugan ng mga left-leaning groups ang kanyang balak at ang mga ito ay nag-rally dahil daw sa hindi matarungang pagpili ng mga taong sasakay sa barko (mga taong naniniwala lang sa Diyos ang pwedeng sumakay). Nakisali sa rally ang mga bakla at tomboy dahil bias daw na normal na mag-asawa lang ang pwedeng sumakay. Kinailangang mag paliwanag ni Noah sa taong bayan, Kaya nadamay na rin ang dalawang higanyeng istasyon sa Telebisyon, Saan nga ba dapat magkaroon ng exclusive interview si Noah??? Sa ABSCBN ba??? O sa GMA7??? Ang civil society group ay nakisali na rin sa gulo dahil napag-alaman daw nila na ang pondong gagamitin sa paggawa ng barko ay galing sa donasyon ng mga gambling lords at katas ng weteng.Sa kaguluhang ito ay napilitang magpatawag ng hearing ang senado "in aid of legislation". Sinubukan ni Noah na gamitin ang EO 464 para makaiwas sa hearing pero dahil hindi sya executive official, napilitan siyang tumistigo. Nang malaman ng senado na utos ng Diyos ang pagpapagawa ng barko, dineklara nila itong unconstitutional dahil hindi raw nito iginalang ang separation ng church at state .Nakialam na rin ang NBI at PNP at sinabi nilang meron silang impormasyon na ang barko raw na ito ay gagamitin ni Erap sa kanyang pagtakas. Sinabi naman ng ISAFP at DOJ na ito raw ay gagamitin ng grupong Magdalo sa binabalak nilang coup laban kay Arroyo. Nilapitan ni Noah si Mike Defensor para makipag-usap kay GMA. Payag daw si GMA na ituloy ang arko kung ipapaskil daw sa barko ang malaking mukha ni Arroyo na may slogan "Towards a Strong Republic". "Hindi po ako pumayag kaya hanggang ngayon po ay may TRO ang pag-gawa ng barko. Sa palagay ko po kailangan ko pa ng 10 taon para matapos ang inyong proyekto." Ang huling wika ni Noah. Napa-iling ang Diyos at sinabing, "Di ko na kailangang wasakin pa ang bansang ito. Hayaan ko na lang kayong sumira nito."


Registered nurse si Bebeng sa L.A. Kasama niya ang kanyang ina na nagpagamot doon. Namatay ang ina nito. Dahil sa kamahalan ng pamasahe pabalik sa Pilipinas, nagtipid si Bebeng. Pinauwi na lang niya ang kabaong ng kanyang ina na mag-isa.

Pagdating ng kabaong, napansin ng mga kapamilya niya na nakadikit ang mukha ng ina sa salamin ng ataul. Nagkomento tuloy ang isang anak, "Ay,naku! Tingnan mo 'yan... hindi sila marunong mag-ayos ng bangkay sa Amerika! Nakudrado tuloy ang mukha ng inay."

Upang ayusin ang itsura ng bangkay, binuksan ang kabaong. Aba ! May sulat na-nakastaple sa dibdib ng ina. Kinuha nila ito at binasa. Ang nilalaman ng liham na mula kay Bebeng:


Mahal kong tatay at mga kapatid:

Pasensya na kayo at hindi ko nasamahan ang nanay sa pag-uwi riyan sa Pilipinas dahil napakamahal ng pamasahe. "Ang gastos ko pa lang sa kanya ay mahigit $10,000 na. Ayoko nang isipin pa ang eksaktong halaga sa ating pera. Anyway, ipinadala ko kasama ni nanay ang mga sumusunod...

Nasa likod ni nanay ang dalawampu't apat na karnenorte at isang dosenang Ham. Ang adidas na suot ni nanay ay para kay tatay. Ang limang pares ng medyas na suot ni Inay ay para sa mga binatang pamangkin ko. Ang mga mamahaling lotion at pabango ay nasa loob ng asul na Jansport na backpack na inuunan ni nanay. Ikaw na Ate ang bahalang maghati sa mga dalaga nating pamangkin.

Ang iba't-ibang klase ng tsokolate at candy ay nasa puwetan ni nanay. Para sa mga bata ito. Bahala na kayong magparte-parte. Sana'y hindi natunaw. Ang pokemon stuffed toy na yapos-yapos ni nanay ay para sa bunso ni ate. Gift Ko sa first birthday ng bata. Ang suot ni Inay na kwintas ay para sayo Ate.


Ate, nasa loob ng panty ni inay ang kanyang mga pictures, japanese version ng pokemon trading cards at stickers. "Suot ni nanay ang tatlong Ralph Lauren, apat na Gap at dalawang Old Navy t-shirts. Ang isa ay para kay Kuya at tig-iisa ang mga pamangkin ko. Maisusuot ninyo ang mga iyan sa fiesta.

Suot din ni inay ang anim na panty hose at tatlong warmer para sa mga dalaga kong pamangkin. Isuot nyo sa party.May isang dosenang NBA caps sa may paanan ni nanay. Para sa inyo, itay, kuya, dikong, Tiyo Romy. Bigyan
nyo na rin ng tig-isa 'yung mga pamangkin ko at 'yong isa ay kay Pareng Tulume.

Ang tigdadalawang pares ng Nike wristband at knee caps na suot-suot din ni nanay ay para sa mga anak mo, Diko, na nagbabasketball. Tigdadalawang ream ng Marlboro lights at Winston red ang nasa pagitan ng mga hita ni nanay.

Apat na jar ng Skippy Peanut Butter, dalawang dishwashing liquid, isang Kiwi glass cleaner at tig-aanim na Colgate at Aqua Fresh ang nakasiksik sa kilikili ni nanay. Hati-hati na kayo, huwag mag-aagawan.

Isang dosenang Wonder bra ( Victoria 's Secret ata ang tatak) gustong-gusto ni Tiya Iskang, suot-suot din ni nanay. Alam kong inaasam-asam nyo 'yan, tiya. Anim na lipstick lang ang kasya sa bra. Ang Rolex na bilin-bilin mo tatay, suot-suot ni nanay. Nakatakip sa Nike na wristband. Kunin mo agad, Itay.

May isinisik akong zip-loc sa bunganga ni Inay na naglalaman ng $759 dollars. Hindi na ako nakatakbo sa ATM. Puede na siguro sa libing iyon.

Iyong tong na makokolekta, i-time deposit niyo Kuya para pag namatay si Tatay may pambili na ng ataul.Ang hikaw, singsing at kuwintas (na may nakakabit pang anim na nail cutters) nagustong-gusto mo, Ditse, ay suot-suot din ni nanay. Kunin mo na rin agad, ditse. Ibigay mo ang isang nailcutter kay Jay bakla sa kanto.

Tanggalin niyo ang bulak sa ilong ng inay, may isiniksik ako 3 diyamante sa bawat butas. Ibangon niyo lang si inay at tiyak na malalaglag na ang mga iyon. Konting alog lang siguro ng ulo.

Marami pa sana akong ipaglalalagay kaya lang, baka mag-excess at si nanay pa ang maiwan. Basta parte-parte kayo, tatay, kuya, ate, dikong, ditse. Para sa inyo lahat ito. Bahala na kayo kay nanay. Pamimisahan ko na lang siya rito.

Balitaan ninyo na lang ako pagkatapos ng libing. Alam ni ate ang email ko. Paki-double check ang lista kung walang nawala sa mga ipinadala ko.

Nagmamahal,
Bebeng

P.S.
Kayo na ang bahalang magpasuot ng damit kay Inay
pag nakuha nyo na lahat ng padala ko sa inyo....


Friday, November 16, 2007

.....bEiNg A wiTnEsS.....

“Ma, I love him.” retorted JaJa to Tita Monica (mother of JaJa).

“What do you know of love?” said Tita to JaJa, “, you’re fucking 16!” she continued.

“But Ma… I love him! I love Nestor!” snapped JaJa. Tita, just shook her head.

I watched them both from my room (im one of Tita's boarder), raising my eyebrows. JaJa stormed out of the house. I approached JaJa's mother, “Tita, what’s wrong with JaJa?” I asked.

“I don’t know. I don’t give a shit anymore.” answered JaJa's mother.

Later that day, Tita and I went at Robinsons Mall. We saw JaJa kissing Nestor by the Food Court. Tita was not happy.

“Jason Jaspher Tolentino!” yelled Tita.

That whole afternoon, I watched my Tita bash her older son in front of many people.

*sigh*

Thursday, November 15, 2007

.....Ex GiRLfRiEnD nAnAmAn.....



1. After 1 year of not seeing
each other, muli mong nakita ang ex mo.
Ano ang magiging reaction mo?
* aysus! kmusta? diin ka na sbung?

2 . Saan nakalagay ang picture ng ex
mo?
* sa karton upod na ang sss number ko, nbi clearance ko,
kag iban pa nga papeles!

3. Nakasalubong mo ang dati mong
bestfriend na GF/BF na ng ex mo
ngayon. Ano ang gagawin mo?
* anu tulok mo??? sinumbag ta ka karun!

4. Tinetext mo pa ba ang ex mo?
* nope!

5. May nagbalita sa yo na naaksidente
daw ang ex mo. How would you react?
* ha? diin sya subong??? (buhi pa?)

6. Ano ang naka-entry na name ng ex mo
sa cellphone mo?
* wala na!

7. Kailan ka huling dumaan sa favorite
restaurant nyo ng ex mo?
* dugay dugay na! ka layo bi sang port!

8. When was the last time you heard
news about your ex?
* dugay dugay na! kay gin isolate ko
self ko sa friends namun!

9. Nabalitaan mo na ikakasal na ang ex
mo. Ano reaksyon mu?
* tuod??? san-o??? okay lang ah! (pro
yudifota ma hibi ko akun ya naunahan ya ko!)

10. What's your usual reaction kapag
napapakinggan mo ang theme song nyo ng
ex mo?
* pabungol lang (kuno abi baduy pro sakit)!

11 . After your break-up, ano ang
ginawa mo to recover?
* wala lang! tambay sa port! inum red
horse! (ngita ka tawo nga ma tapungol sa
akun!)

12. Kung meron kang gustong ibigay sa
ex mo, ano yun?
* anu hay???? damu damu nga questions
gid gru! or test questions galin sa
akun! tani masabat ya tanan sakto!

13. Kung gagawing pelikula ang love
story nyo ng ex mo, ano ang gusto mong
maging title?
* Revenge, Ganti, Balus!?

14. Kapag nakipagbalikan ang ex mo,
tatanggapin mo ba sya uli?
* call me back some other time im busy
ryt now! joke! depende gru sa mga
answers ya sa test questions...

15. After nyong mag-break, how long
did it take bago ka makahanap ng iba?
* until now.... single man ghapon status
ko sa friendster! ambot san-o pa ni ma in a relationship ah.
di man ko ya mag
butang its complicated, masal-an naman
ko nga myembro ka federasyon!

1 6. You walk into a restaurant at
nakita mo ang ex mo dining out with a
date. Ano ang gagawin mo?
* ma walk out ko akun ya! take out lang
order ko miss damu langaw di sa place
nyo! di ko kasahu! ay ara da gali kmu???

17. Complete the sentence. "Ang
natutunan ko sa naging relationship namin..."
* TRUST and be HONEST in any kind of love.

18 . Kung bibigyan ka ng Fairy
Godmother mo ng chance to turn back
time, gugustuhin mo pa bang balikan
ang nakaraan nyo ng ex mo?
* yes! and correct all my mistake but i
guess too late na gid!

.....iLoNgGo AkO nGa TuNaY.....



Read this one to find out who you are. Those who laugh are guilty (kay tanan man nga ilonggo guilty). Mga friendz amu ni ang kinalain sang ilonggo sa iban nga lahi ka filipino!

1.Your one peso is pisos.

2. When you're saying "Baw daw
kanami sumbagon" in the sweetest and
most affable, mellifluous, carinoso
tone, confusing the object of your
anger whether to run or to smile.

3. When you go to the SM City or even
in MALL of Asia just to eat kadios, langka
and linaga kag kinilaw and go home after
eating, without bothering to shop.

4. When you look down on other
Ilonggos who use Tagalog or some
other language when speaking with
another Ilonggo.

5. When the first thing you do upon
arriving in Iloilo after being away
for a long time is not to go to some
historic monument but to look for the
nearest Chicken Inasal;batchoy; etc.

6.Your nanay used to make you drink
Mirinda or Royal Tru Orange when you
have a fever, which is supposed to
make you feel better.

7. When you recognize that there are
two main Ilonggo branches: the
ones in Negros Occidental who in the
1960's used spades and picks to
(ginapala kag ginapiko) to shovel
their money into their empty
swimming pools--the tikalon Ilonggos;
and the humble but no less-endowed
Panay Ilonggos who buy cars in cash,
which they carry inside their hats and
their native baskets;

8. Sinamak is a staple in your
dining table (the best Ilonggo
invention if you ask me,was even
banned on airplanes long before 9/11.

9. When you feel very protective of
other Ilonggos, especially when
they are being insulted by the
Cebuanos or Tagalogs.(bring in the old
school street fighter baby!)

10. When you go home to Iloilo and
the first thing you look for is where
to eat the best "Kansi" at the
Shopping area, the most delicious sour
beef stew in the world!

11. When you are able to change the
meaning of a very indecent
word, "iyot" into something far
harmless, just by changing the
intonation or by using "iyog" instead.

12. Your bathroom has at least one
lugod (or one for every family
member


13. Your toyo is patis and your
patis is toyo.

14. Your childhood games include
tumba patis, taksi, panagu-ay, balay-
balay, ins-ins, tin-tin baka, etc.

15. gina snack kon hapon ya datiles,
santol, garangan kag lomboy..

16.............


May idugang kamu??? add sa post comment!

Monday, September 24, 2007

.....eViDeNcE......




Nakita ko ni sa banyo ng isa ka building diri sa iloilo. Ano ayhan ang ginamin nila sang “Don’t leave any evidence behind”? Ahahaha ang naisip ko eh, gin panami lang nanda ang gusto gid nila hambalon... kag amo ini ang...

“di pag bayaan nga ga lutaw ang ebz sa toilet bowl!”

......Si DoCtOr. LuTz.......

maybe he want to be a nurse someday... but what if he change his mind.. and he want to be a doctor???? LUTZ, balus lang ko ha....

Margarita: ka-Bastos man ni ya kay dok man. Nagpakuha lang ko sang blood pressure, ay abaw pina-uba nya gid ko akon ya... !

Inday Timbang: Ako man gani pina-uba ya man, bisan nagkuha lang ko ya sang payong nga nalipatan sang amo ko kahapon...


hahahahhahahahah!

Monday, September 17, 2007

...PaRa Sa NaWaWaLaNg Ex Ko....





supeman! pinatay si captain barbel! hahhahahhahhah! Nanood kami kahapon ang favorite kong superhero (si Superman). Bata pa lang ako eh, idol ko nay un, ginagaya ko nga lagi yun noong bata pa ako, lalambitin ako sa sanga ng puno ng mangga sa may amin tapos feel na feel ko ang paglipad. habang pinapanood ko itong si superman na alala ko tuloy ang X-gf ko (pareho kasi kaming fan i\ni superman). Kasi noong kami, pinaggagastusan namin yang mga collectibles na magazine ni superman!.Kamusta ka na kaya? Ako? Hmn… paano ko ba sasabihin… kontento naman ako, minsan masaya, minsan malungkot, minsan hyper at madalas walang pera at gaya ng inaasahan wala pa din syota, oo.. hindi naman kasi ako katulad ng iba na isang iglap lang eh may kapuluputan na.

Hanggang ngayon eh, “just looking around” pa din ang status sa friendster ko. Nabubwiset na nga ako eh, di ko alam kung kelan magiging, “In a relationship” ang status na yan. Hay, ayoko naman ilagay yung “It’s complicated” at baka mapagkamalan na naman akong isa sa mga federasyon. Kaylan kaya ulit maging “In a relationship” ang friendster ko??? Pag nangyari yun, magpapakatay ako ng manok sa probinsiya at magcecebrate, tapos ililibre ko din sa andoks ang lahat ng tao sa opisina namin, pramis!

Wag mo sanang isipin na di pa ako nakaka-move on, tapos na yun sa akin, kita mo nga at nagagawa ko ng tumawa at muli ay mabaho na naman ako, nagagawa ko na ding kumanta sa CR habang naka-upo sa trono, dati kasi eh kahit sa pag-ebak eh na-iisip kita (ha ha ha, grabe talaga ang kakornihan ko pag inlab, pati ebak nadadamay).

Alam mo maswerte ka kasi nga isa ka sa tinatawag kong “Good ones”, kaya eto ako, si “Better One” naiwan. Alam ko din na malabong mabasa mo itong entry na ito he he he, ala lang, malay mo, may kakilala yung kakilala ng kakilala mo tapos sabihin sa iyo, eh at least magka-usap at magkita ulet tayo.

Pero wag kang mag-alala dahil ala na sa akin yung past, naisip lang naman kita at ako’y nangungumusta.....



Prens pa din naman tayo di ba?

...aNg BLoG nG TaOnG gRaSa.....

This is my new blog. Ito ang Blog ng isang taong grasa na walng kamuwang muwang sa larangan ng kompyoter at may malaking katangahan sa mundo ng pag-ibig.
Iniluwal sa earth sa taong 1981,
tama ka kaibigan,
26 na ako at hindi ako katulad ng iba na kelangan itago ang edad,
wala akong asawa, walang anak (qeustion mark),
walang gerlprend,
at madalas napapagkamalang bading,
hindi ako 'taken',
at palaging galit sa mundo!
Pwede kang mag-tag, at mag-iwan ng komento,
pag maganda ang comment,
approve ko sya pero kung hindi maganda comment mo,
alangan namang i-approve ko di ba?
Syempre reject ko yun,
fair kasi akong tao.
You may find this blog funny most of the times,
sad,
in and out of love,
naughty,
yucky or even brutal but that's just me.
Some say,
I'm too exposed....
but the thing is...
i'm not,
I still have some secrets buried within me...
and I don't intend to write it here...
I prefer to keep it.
Iba ako sa personal sa totoo lang..
mas pogi daw ako sabi ni inay...

...BaKiT kA LuMiPaT?....

Nag-resign na nga ako sa IV call center at ngayon nasa ibang dimesyon na ako ng world may bago na agad akong trabaho, looking back from IV ilang months na rin ako dito sa GMCIUSA. I really miss some of my friends doon, pramis! Syempre excluded dyan yung mga dirty little creatures (ipis). Mami-miss ko din ang mga iba ko pang opismate na nag-resign din haha, wakanangyan.. sabay sabay kami ah.

Kaya last saturday nag get together kami sa apartment ni miss laisa... ang saya sobrang saya ko doon...kasama namin si vangie, veron, mika, glen and some of the pipz.. i cant explain it, ewan kung bakit sobrang saya ko... maybe its because im with the persons na talagang malapit sa akin and they will never turn me down... Naykz! but anyway we talk a lot of thing mga funny memories namin sa IV and ang bonding ng group...

We told them some info's about GMCI, Medyo strict yung nilipatan namin. Entry level lang kami pero mas maganda ang package, offeran ka ba naman ng higher salary (koreng kag ido ga tambling), tapos stable ang company compare sa inalisan ko, American Company (main office sa passaic new jersey) at nagpapamudmod daw ng picture ni Tita Nora Aunor every Christmas hahahahaha!. Yez, tama kayo nawalan ako ng room kung saan sa IV may room ako na may cr dito naman nakahanap na rin ako ng bagong boarding hause, andaming banned na Webcites, ala ng porn! Mahigpit sya dahil ala din daw yahoo mail at gmail. Pero ok lang, malaki naman ang sahod ko eh, pera pera lang yan hahahaha! At oo nga pala, may umiikot na camera overlooking at nag papamudmud ng violation ticket heheheheh! sobrang higpit nga.. kaya kung mangati ang pwet mo.. kakahiya yun kasi kakamutin mo sa harapan ng camerang umiikot hahaha...

Friday, September 7, 2007

...MaGaRbO GiD mAn BaLa?...




ahay...Sa moderno nga pa-nyimpo sbung.. Daw naga mahal na gid ang tanan... Tanan-tanan naga saka na (pante nalang naga panaug)! Ay abaw! bisan pamayo sang pamatan-on naga mahal na gid, di ka kabakal sang isa ka pantalon kung wala ka sais syentos! Isa manlang ako ka pobre nga mangunguma nga nag eskwela sa universidad sang san agustin kag nag ubra sa isa ka call center dri sa iloilo. Sang una, wala gid ko gana mag bakal ukon bisan mag tan-aw manlang sang mga bayu sa ukay-ukay ukon sa mga baratuhon nga mga pamayo sa mercado ukon sa kilid kilid in short indi ko gid hilig ang mga wala tatak nga bayu.. Bisan mag pa upod pa sa akun ang bespren ko nga si tyay leslie wala gid ko gana mag sulod okun mang ukay sa sulod ka magarbo (isa ka klase nga baligyaan sang mga ukay-ukay nga pamayo, may mga branch ini sa marymart mall). kuntra ko gid mag ukay sang mga bayu nga ini kay daw nahigkuan gid ako, daw panilag ko sang mga bayu nga ini daw nagamit na kag kung dimalas ka basi makita ka pa sang tag-iya sang bayu nga gina suob mo iya bayu, ukon mas kalamidad pa gid kung ma jakpatan mo ang bayu sang patay nga gin baligya lang liwat kay nagkaliwan na ang tag-iya.. Pero isa kaadlaw nahagadan gid ako sang mga kaupod ko nga maglagaw kag wala gid ko naglaum nga masulod kami sa magarbo.. abi ko di ni sila kilala magarbo kay kabalo gid ni sila mag dala sang ila nga gina bayo... pag-abot namun sa magarbo kadamu sang tawo nga nagahulat sa pagbukas sang tindahan nga ini may mga estudyante, may mga tambay, may pulis, may majongera, may tigulang, kag na notisyaran ko may mga tawo man nga daw kasosyal gid tan-awon sa ila, indi ka gid mag laum nga masuob ni sila sang bayu nga halin sa ukay-ukay. sang nag bukas na ang magarbo, pamatyag ko daw ma stampede kay gulpi lang nag dinalagan ang mga tawo kag masig-ukay nalang, wala nako kita sang mga kaupod ko kay nagsipang-ukay man sila. ako ya samtang naga lagaw ko sa sulod nga daw tama gid ka saku ang tanan may nakita ko nga babayi nga ginahapo kag gina tabangan sang upod nya (siguro sa subra ka ukay sang mga mayab-uk nga bayu..) may naga binaisay (kuno sya una kita?)... nag palapit sa akun si rangely upod ko sa opisina dala ang isa ka pantalon siling nya baklun ko knu kay nami kag tag-syin (100 pesos) lang.. kanami sang pantalon daw bag-o pa kag nagulpihan gid ako sa presyo, pantalon tag syin???? kag nadugangan pa gid isa ka long sleves, kag nadugangan pa gid isa ka jacket, bale tressyentos tanan... napilitan ko baklun kay tama gid ka barato sa akun bilang isa ka pobre nga kubos nga imol nga patay gutom...
Sa malip-ot nga istorya nami gali ang mga bayu sa magarbo di man ni gali galin sa mga patay ukon kinawatan...mga bayu lang ni gali nga gin export halin sa korea mga may factory defect in short..Kag nag balik pa gid ako didto para magsid-ing ko may ato pa to nga mga manami nga bayu... daw na adik na ko sa magarbo,nami gali didto! next week sweldo didto nako dayun ma dretso!

Monday, September 3, 2007

...WhY dO pEoPLe DeLeTe ThEiR fRiEnDsTeR aCcOuNtS?...



Just some of the reasons I’ve come across over the years… of course they don’t actually admit the reason but it’s usually one of these:
1. They got pregnant or they got someone pregnant.
2. They cheated on someone.
3. They ran away with someone else’s money.
4. They broke up with someone and they’re totally shattered.

5. Public Scandal.

I can name at least three people for each of these reasons…
hehehe. Don’t have Friendster? WTF?!??
Sign Up
Here!