Monday, July 23, 2007

Kawawang mga Magulang


Hindi ako taga city, in short taga bundok ako... nagkataong dito sa city ako nakahanap ng trabaho at wala din naman akong plano na mag trabahi sa bundok... kaya pinagpilitan kong maka pasok sa call center at mag tatatlong taon na akong call center employee..ika nga kina career ko na..sa gabi ang aking shift at nagbabayad ako ng buwanang bayad sa boarding house ko... halos lahat ng boardmates ko ay estudyante..wala naman akong problema sa kanila. kaso lang naiinis ako in the way na gumastos sila ng too much! may pa sulat sulat pa ang mga hinayupak sa parents, hihingi ng pera na kesyo para sa tuition fee, project, field trip, laboratory, boardinghouse at kung anu-ano pang kagaguhan..fuckshit!!sa kabalbalan lang pala mapupunta.. inaamin ko nung college ako gago din ako pero di ganun ka gago...slight lang ang pagka-gago ko ika nga medya-medya lang... alam nga ng pinsan ko ang kagaguhan ko sa pera kaya minsan na pag tripan nya akong sulatan at sinabi nyang sa nanay ko daw galing.....natatawa nalang ako at na realize ko malaki-laki na rin pala ang ginagasto ko.. tama na sobra na...i just want to share with you my cousins letter to me...hahhahahahha!!! enjoy reading it.....



Dear Anak,

Naipadala ko na seven thousand pesos na tuition fee mo, pinagbili na namin ang mga kalabaw natin. Ang mahal pala ng kursong COUNTER STRIKE, wala na din pala tayong baboy naibenta na din para dun sa sinasabi mo na project nyo na NOKIA N75, ang mahal naman ng project nayun. kasama din ang 12 thousand dun para sa field trip nyo sa MALL OF ASIA, anak malayo ba yun mag ingat ka sa pagbibiyahe mo, isasanla pala namin ang palayan natin para mabili mo na yung instrumentong MP3 na kinakailangan mo sa laboratory nyo. Anak komportable kaba jan sa boarding house mo san ba kamu yan… sa DRAGON LOUNGE - maganda ba dyan di ba mainit jan. Anak kamusta na pala yung group project nyo na SANMIG LIGHT napailaw nyo na ba? mataas ba nakuha nyo na grado dun.Anak sana bago pa maubos ang lahat lahat ng ari-arian natin ay maka gradweyt kana, walong taon ba talaga ang kurso mo sa SECRETARIAL, sana pag gradweyt mo makakuha ka ng trabaho kaagad kagaya ng manager ng kumpanya para mabawi natin ang mga ari arian nating sa sanglaan. ay cya nga pala anak diba sabi mo sa JOLLIBEE / MAK DONALD ka palagi kumakain ok ba naman sayo ang mga ulam dyan baka hindi masarap kawawa ka naman.Eh yung school bus nyo na TAXI sabihin mo sa driver mag ingat cya sa pag da-drive.Anak hanggang dito nalang at sa susunod ay ipapadala ko sayo ang pera na pambili mo ng ALTIS na gagamitin mo sa VACANT SUBJECT mo.


Ang nagmamahal

Itang at Inang


P.S. Anak mag aral ka ng mabuti.

No comments: