Sa Call Center napakaraming personalidad na makikilala at makakasalamuha.
Mga Bakla. Nangunguna sila sa listahan dahil halos half ng bumubuo sa industriyang ito ay mga katulad nila , berde ang dugo.makulay, animated, pampagulo at pampasaya ng buhay.iba’t ibang klase rin ang mga bading. May old fashioned (yung mga crossdressers na babaeng babae kung kumilos at manamit. Minsan nga, mas maganda pa sila sa tunay na mga babae. Kumbaga, lantaran kung lantaran ang labanan), new generation (yung mga pa-men na tipong nung first day ng training e hindi mo aakalaing bakla. Sayang! Pinagnasaan pa naman ng mga kababaihan at kabadingan, hehe) at yung forever closet queens (so ibig sabihin hindi lang half ng call center ang nacover na nila? Hmm…) Naalala ko tuloy sabi ng isang bading kung kasama dito sa work, na kapag lumubog daw yung Ciudad ng iloilo o kaya’y boracay, isama pa ang bayan ng oton, 90% ng lalaki sa Pilipinas, mawawala, hehehe.
Mga Babaeng Bakla. Marami rin nito sa call center. Kasi nga, maraming bakla kaya dumarami rin ang mga babaeng bakla. Sila yung mga babaeng hindi pa kuntento sa pagiging babae at gusto pang maging bakla. Hay! Buhay nga naman.
Mga Tunay Na Lalaki. Ewan ko nga ba kung bakit may scarcity nito, hindi lang sa call center kundi in general na rin. Sabi nga nila, dito raw sa iloilo 1:10 na ang ratio ng babae at lalaki. Kaya naman kahit pangit, basta single, pwede na. Sayang e. Lamang tyan din. Bihira na kasi ang gwapo na single. Kung hindi bakla, o kaya pari, taken na. Swerte na lang nung iba na nakatyempo ng jackpot. For the rest, good luck.
Mga Babaeng Lalaki. Ang gulo no?! Ang ibig kong sabihin yung mga nagsasabing “i’m a man trapped in a woman’s body”. Marami din dito ang cute. Panalangin nga ng mga jowa nila “okay na sana. Masaya na sana ako. Kaya lang, sana binigyan na lang sila ng **** para kumpleto na.” di bale, there are other ways. Konti lang sila compared sa volume ng mga bakla. Kaya kung ayaw na makihati ng ibang girls sa mga lalaki, e di pila na dito.
Mga Virgin. Konti na lang sila. Dito pa sa iloilo, at saka sa dami ng malilibog na tao sa call center, mauubos na rin to eventually. Eh sino rin ba namang matinong babaeng aamin na virgin pa sila sa edad na 30 (ay sorry po, opinyon ko lang)
Mga Pa-Virgin. Hay! Mapagkunwari!!! Kung umasta demure na demure. Pero sa sleep room o kaya sa cr, malulupit. Akala mo walang experience, as in stop na ako!!!. Kapag usapang kahalayan na ang topic (na talaga namang favorite topic ng call center culture), “yuck”, “gross”, “ang bababoy nyo”, “ang sagwa, kadiri” ang maririnig mo.
Mga Pang Tourism (Giwald) . As in very accommodating. Open sa publiko. Parang carinderia. Lahat ng gustong kumain, carry lang. Pang masa talaga. Presyong abot kaya. (yan bawi ‘yan)
Mga Weird, Schizophrenic At Slightly Psychotic. Di ba? Pinaganda ko pa ang tawag sa kanila. In short, may katok, may topak, may toyo o kaya may sayad lang naman ang ibig sabihin non. Eto yung mga taong kinakausap ang sarili, bigla na lang tumatawa ng malakas, wala namang nakakatawa, at sumasagot sa telepono ng “hello, my name is___. Do you call long distance?”. Siguro, epekto na rin to ng mga irate clients na naiincounter nila at sa inaraw-araw na lack of sleep. Yearly, nag iincrease ang number nila. Kaya, beware. Hehehe!
Mga Malilibog. No need to elaborate. 90% ng mga peeps e malilibog. Totoo yan. Yung iba lang kasing hindi lantad e hindi aminado, pinipigilan, hindi pa naexcercise o nagkukunwari. I rest my case.
Mga Maangas. Asus! Marami rami din yung mga ganito.di naman lahat e masama ang ugali.meron lang mangilan ngilan na saksakan ng yabang.kala mo ba e sobrang all knowing, sobrang galing, sobrang gwapo at maganda. Hoy!!! Feeling nyo lang yun!!
Mga Pasaway (Kasama ako dito). Yung mga nagpe-personal windows, naglalaro ng online games, hindi sumusunod sa rules at nuknukan ng tigas ng ulo. Yung lahat na ng puwedeng i-rason para umabsent gagawin na. Sila yung mga agent na nagiipon ng memo (tanong niyo kay Ms. Faith kung sino sila, sino nga ba sila Leslie?)
Mga Sipsip. Ito yung mga agent na tipong mahilig tumulong sa mga officer pero di naman bukal sa loob. Gusto lang tsumismis o kaya nama’y magpalakas. Kahit saan naman meron talagang gan’to..
At marami pang iba.Iba talaga ang kulturang call center. Lahat ng pwedeng pag-usapan nadadaanan. Lalo na kung saksakan ng dami ng down time sa account. Politics, fashion, showbiz, marriage, friendship, sex (na favorite topic ng lahat, kunwari ka pa aminin mo na!), extramarital affairs, murahan, kalaswaan, babuyan, migration process, kaperahan, mga utang, pakikipagdaotan, mga problema, at shempre chismis…of course, hindi nawawala yan. It adds spice to the boredom of everyday living. Ang daming issues, drama, comedy, love story, at action sa buhay ng isang call center agent. Kaya naman buhay na buhay ang dugo naming lahat..hindi lang dahil may free coffee kay sir. Hindi lang dahil iba’t ibang kwento ng buhay ang naririnig mo gabi-gabi. Hindi lang dahil may kina career kang boylet o girlet na newbie. Kung hindi, dahil marami ka ng kaibigan, kabarkada, kakwentuhan, gimik buddies, ka close– kahit yung iba friends friends-an lang, plastikan o kaya feeling “friends” kayo.Ayos lang kahit bangag madalas ang mga kasama ko (ay!kasama rin pala ako) kasi wala kaming tulog halos araw araw. Ayos lang kahit tanghaling tapat na madalas ang inuman, pagkatapos ng shift. Okay lang kahit wala ng night life. Masaya naman hindi ba?! Masaya naman tayo. San ka pa?**********And that tells it all. A round of applause
No comments:
Post a Comment