Monday, April 5, 2010

.......MaHaL nA aRaW nA nAgDaAn........



Isang holy week na naman ang nagdaan sa buhay natin bilang mga Kristiyano. At sa taong ito inaamin ko na sobrang napalayo ako sa diyos, Masyado akong nakalimot at may malaking pagkakasala akong nagawa sa kanya. Isang taon at tatlong buwan na ang nakalipas. Naaalala ko pa... Sobra ang pananalig ko sa diyos, halos araw-araw at gabi-gabi akong dumadaan sa Baclaran Church. At mataimtim kong pinagdadasal na sana magkaruon na ako ng matinong trabaho. Sana makahanap na ako ng trabahong bubuhay sa akin dito sa Maynila. Sabi ko pa nga "ibigay mo ang trabahong nararapat sa akin at pinapangako ko sayo panginoon na hindi ako makakalimot sa pagpapasalamat sayo."

March 10,2009... Pumirma ako ng kontrata sa TeleAccess. Sabi ko sa sarili ko, sana Lord ito na nga... Sana ito na ang kompanyang sagot sa aking dasal. Sana ito na ang kompanyang bigay mo sa akin. Bilang baguhan sa kompanyang ito I easily get along with other employees, Masyadong masaya, madali akong naka adjust sa mga kasamahan ko, nakakilala ako ng mga bagong kaibigan ko at mabilis din akong tinanggap ng mga bago kong kasamahan sa Call center na ito. Masyadong mabilis ang pangyayari anim na buwan na ako sa Tele Access. Ibababa na ng kompanya ang hatol sa akin kung dapat nga ba akong maging regular employee. Sabik ako sa regularization, ewan ko kung bakit o para bang nananadya na natagalan ilabas ang resulta ng evaluation ko. Bigla akong natakot sa magiging desisyon nila. Muli kitang naalala, Muli akong lumapit sayo, Muli akong bumalik sa Baclaran Church para muling humingi ng tulong at dasal. Na sana ma regular nga ako! Sana ibigay na nga nila sa akin! At kasabay sa dasal na iyon, akoy nahihiyang humihingi ng tawad sayo dahil masyado akong nakalimot. Pagkatapos mo akong bigyan ng trabaho di na ako nakabalik ng Baclaran Church para magpasalamat. Nahihiya man ako sayo, Muli akong nagbalik at humingi ng tawad at para sa panibagong hiling kong dasal.

Siguro sadyang mahal mo ako! Sadyang malakas ako sayo! kaya akoy muling pinag-bigyan mo. Pagkatapos kung magdasal sa Baclaran Church ng sumunod na araw, Nagulat ako... Mabilis mong sinagot ang aking kahilingan. Pinatawag ako ng aking Boss Para pumirma ng panibagong kontrata bilang isang regular na empleyado ng Tele Access. Sa sobrang tuwa ko! nilibre ko ang mga kaibigan ko sa trabaho. Masyado kaming nag enjoy! at sa aking pag-uwi di ko manlang naisipan dumaan sa Baclaran church para magpasalamat sayo. Sadyang mahina ako sa mga pagsubok mo.

Dumaan pa ang ilang buwan. At akoy masyadong naging abala sa aking trabaho, Masyado kong na enjoy ang trabaho. At ni minsan di ko naisipan na muling dumaan sayo para magsimba o di kayay magpasalamat manlang. Sabi ko, " pagod kasi ako palagi kaya di ako nakakadalaw, may pasok kasi ako pag Sunday kaya di ako makapag simba. Sa mga sumunod na schedule ko para bang sinasadya, binigay sa akin ang Sunday bilang isa sa mga Day off ko. Ngunit marami pa ring humahadlang sa aking pag simba! nandyang bigla akong aantukin, bigla akong tatamarin o di kayay may mas importante akong lakad. Kaya di ko pa rin nagawang mag simba.

December 15, 2009.... Pinangako ko sa sarili ko na bubuuhin ko ang siyam na simbang gabi para ialay bilang pasalamat ko sayo. Kahit pagod ako galing sa Trabaho deretso ako ng Baclaran Church para mag simba. Sa tulong mo natapos ko ang siyam na simbang gabi. Ngunit kulang pa rin ang pasasalamat na iyon kaya naisip ko na dapat pati misa de galyo ma simbahan ko para kompleto na! haaaaay... sa misa de galyo saka pa nagka aberya! nakatulog ako ng bonggang bonggadahil sa pagod, pag gising ko madaling araw na! natapos ang simbang gabi na di ako nakapunta.

Minsan naiisip ko at nararamdaman ko na nitong dalawang taong nagdaan, maraming mga obligasyong pangrelihiyon ang hindi ko nagagampanan. Nagkukulang na ako sa pagpapakita ng aking pananampalataya, Nanghihina ang aking pang ispiritwal na kamalayan.

Ngayong mahal na araw na nagdaan, naisip ko lang balikan lahat ng magagandang nakaraan ko bilang isang masugid na taga sunod sa ating simbahan. Nakakamiss din lahat ng mga yun.

Kapag mahal na araw, Sa Iloilo kasama ko ang kuya ko at nanay ko palagi kaming nag way of the cross. Taun taon yun walang paltos! Ang alam ko lang e kelangan naming sumama sa prusisyon para ipakita ang aming pagsisisi sa mga nagawang kasalanan sa buong taon. Hindi kami umaabsent kapag Biyernes Santo kasama kami sa mga nagpuprusisyon.

Kaya ngayonn katatapos lang ng Mahal na araw. Pinapangako kung magbabalik ako sayo. Hindi na para humingi ng tulong, hindi na para dumaing Kungdi lagi na akong magpapasalamat.

Salamat sa lahat ng tulong mo
Salamat sa pag alalay mo sa kin kahit akoy nakalimot
Salamat sa mga kaibigang binigay mo sa akin
Salamat sa mga mabubuti at mapagmahal na magulang na binigay mo
Salamat sa pagsagot sa lahat ng aking dasal
At Salamat sa buhay na ibinigay mo para kaming lahat ay mabuhay.

Maraming maraming salamat Panginoon...

No comments: