Wala na akong maisip isulat ngayon. At sa pag-iisip ko ng isusulat ko na didistruct ako ng ingay ng mga agents sa likod ko na bumebenta sa mga kliyente nila. Kaya mabilis akong nakahanap ng magiging pangalawang entry ko today. Sila kaya ang isulat ko? Isa-isahin ko kaya sila? Sinu-sino ba ang mga telemarketers sa likod? Kilalanin natin sila. He! He! He! He!
Eunice
Pinka kwela sa grupo nila. Magaling bumenta, Maraming called in Customer at higit sa lahat "COOL"! Okay to eh, Si Annalyn ka tropa nya sa mga CSR. Sige na nga, Mabait rin sya. Laging masayahin at sa likod ng mukhang masayahin nararamdaman kong may problema rin itong pinagdadaanan. Hays, Buhay nga naman. Get to know her click this EUNICE.
Grace
Tweetums! Never na le-late kasi 3 hours before the shift sa office na siya. Ang aga di ba? She is from Bulacan kaya kaylangan maaga, kasi un-predictable doon ang traffic. Siya yata ang kilala kung merong account sa lahat ng social networking online tulad ng Friendster, Facebook, Twiter, YM, Skype, Multiply at kung anik-anik pa. Get to know her click this GRACE.
Orli
Ito naman ang lagi kong inuutangan dati nung mga time na nagsisimula pa lang ako sa office. Ewan ko ba, Simula ng lumayas ako ng Iloilo parang naging hampas lupa buhay ko. Kaya itong taong to ang mabilis kong mautangan. Buti na lang nandyan sya to save my ass in my financial crisis! Wala rin tong ka proble-problema sa office. Thank you Orli! Get to know him click this ORLI.
Christian
Ka same brand ko ng yosi (Marlboro lights)! kya pag sya naubusan sa akin sya lumalapit, At pag ako nawalan sya rin isa sa mga choice kong hingian. Dalawa sila ni Orli ang nakaupo sa likod ko talaga. At sa kanya ko naririnig ang How are you? Kumusta po?.But Christian is one of the finest person in the office. Likod nya palaging kinakalikot ko pag may gusto akong ikwento at work time. And the best thing willing naman siyang makinig. Get to know him click this CHRISTIAN.
Mel
Moody naman to. Naka depende sa Mood ang ugali. She is from the province of where almost of the Presidents came from "Pangasinan". I Never been to this place yet. What else I know about her pa ba? parang wala rin akong masyadong alam sa kanya. Basta She is one of the TM who sit near to me. And I dont have her facebook and even friendster. LOL!
Leah
Keri lang ng Keri, Parang Carenderia! Lahat ok lang walang ka proble-problema! Miss Friendship at sobrang sweet parang Iced tea na dinagdagan ng isang tabong asukal! Basta she is one of pinakamabait sa office. Di tulad ng iba sasabihin lang pa check ng account. Sa kanya marami tong explanation bago mag pa check ng account using nya. And that's make her different. Get to know her click this LEAH.
This are the person who sit behind me at work. Wala lang naisip ko lang isulat ang tungkol sa kanila. Ang ingay nilang bumenta eh. At wala na talaga akong maisip na isulat. Kaya sila na lang ang second entry ko sa blog for today. Thay are only few of the Telemarketers who make sales daily. Just to make the company survived. Dahil sa Client nila may Calls, Dahil may Calls may trabaho kami. Kaya Mabuhay Telemarketers!
No comments:
Post a Comment