Sunday, May 9, 2010

.....A dAy BeFoRe ELeCtiOn....

isang tulog na lang! Eleksiyon na! sa wakas matatapos na lahat ng kaplastikan na commercial add sa TV! Bago naman ang ating presidente! sana hindi na pumalpak ang mga automated voting machines! Sana magiging totoo ang maging resulta ng election. Sana walang mangyayaring gulo. At sa mga tumatakbong politikona hindi papalarin, sana tanggapin na maluwag sa kalooban ang magiging hatol ng bayan! sabi ko nga election is one way of people power. Dahil sa election nabibigyan ng karapatan ang bawat tao na pumili ng kanilang presidente.
Election 2010, sobrang kakaiba talaga ito. malaki ang pinagkaiba sa mga nagdaang election.
  • Ito ang pinakaunang election na gagamitan ng automated voting machines, Ito ba ay isang hudyat na umaangat na ang pilipinas dahil makabago na ang paraan ng ating pagboto? O magiging kahihiyan nanaman sa ibang bansa dahil sa disaster na idudulot nito sa election?
  • Magkakaibigan at magkakamag anak ang naglalaban-laban ngayon sa National election, Noynoy Aquino at pinsan niyang si Gibo teodoro, Gordon at ang pamangkin niyang si JC delos Reyes, Manny Villar na sinusuportahan ni Dolphy na kaibigan ni Erap, Brother Eddie at Jamby na parehong nagdadasal para sa tahimik na election. At kung sino sino pa!
  • At eto pa! Dito lang talaga to sa Pinas! Presidente ngayon after election Congresswoman na sa Pampangga!, Boxing Icon Lumipat ng bahay sa Saranggani para tumakbong Congressman!,
  • Dito naman sa Baclaran, Baclaran lang to ha! nagkalat an g mga artistang tumatakbo! Rossele Nava Councilor, Alma Moreno Councilor, Dino Guevara Ross Councilor, Webb councilor, Anjo Yllana Vica Mayor Kalaban ang Partido ni Joey Marquez Mayor.
Hay naku! anu pa man ang Mangyari piliin natin yung mga taong nararapat sa posisyon! Sa atin nakasalalay ang pagkapanalo ng mga kandidato ngayon, Yan ay kung walang dayaang mangyayari! Ay! sa inyo lang pala. Di pala ako boboto dahil di naman ako pwedeng umuwi ng ILoilo para bumoto. NAsa kamay ninyong mga botante nakasalalay ang pag angat ng ating bansa. Since di naman ako makakaboto bukas, Tudo kumpanya ako kanina sa opisina bago ako umuwi. Ewan ko ba wala naman akong sahud para ikampanya si Reesa Hontiveros pero pinangangalandakan ko kanina sa mga ka opisina ko na dapat siyang iboto sa pagka senador! Dito ko na lang ihahayag sa blog ko ang mga dapat ko sanang iboto!

Noynoy Aquino (Liberal Party)
PRESIDENT

Mar Roxas (Liberal Party)
VICE PRESIDENT

SENATORS
Ana Theresia Baraquel (Liberal Party)
Miriam Defensor Santiago (People’s Reform Party)
Rozzano Rufino Biazon (Liberal Party)
Franklin Drilon (Liberal Party)
Teofisto Guingona III (Liberal Party)
Juan Ponce Enrile (PMP)
Joey De Venecia (PMP)
Alexander Lacson (Liberal Party)
Nereus Acosta Jr. (Liberal Party)
Kata Inocencio (Bangon Pilipinas)
Sonia Roco (Liberal Party)
Francisco Tatad (Grand Alliance For Democracy/Gabaybayan)

Kung makakaboto lang sana ako! Sila ang nasa listahan ko!
Good Luck!

No comments: