Saturday, May 1, 2010

......MoNtH oF MaY.......

Finally month of May na! Lots of things to do! Meron akong resolution for month of May sana matupad ko! Unang araw pa lang ng mayo nag yosi na ako kaagad kanina! HAhahaahah! Sana kahit yung iba na lang ang masusunod. Since May na ngayon, Here's some few events for May.

Labor Day……
Ipinagdiriwang tuwing Mayo 1 ang Araw ng Manggagawa. Pinahahalagahan ang mga manggagawa dahil sa kanilang mga paglilingkod sa lipunan. Sila ang tumutulong sa atin sa pagtugon sa ating mga pangangailangan. Tumutulong sila upang tayo'y may pagkain araw-araw, maayos na tirahan, iba-ibang kagamitan, at iba pang bagay.

Linggo ng Pag Iwas sa Sunog…...
Ipinagdiriwang ang Linggo ng pag-iwas sa Sunog sa buwan ng Mayo. Binibigyang-diin ang mga paraan kung paano tayo mag-iingat sa sunog. Tinuturuan din tayo sa pag-iwas sa sunog. Natututuhan pa natin ang nararapat na gagawin kung may sunog. Kapag may sunog sa ating lugar, nagtutulungan tayo upang mapatay ito. May mga programa pa ang mga barangay na nagpapakita ng mga paraan ng pag-iwas sa sunog.

Pahiyas…..
Isang tradisyon din ito. Pinararangalan dito ang santo ng mga magsasaka na si San Isidro de Labrador. Nagkakaisang nagsasabit ang mga taga-Quezon ng mga produktong-bukid at katutubong pagkain sa pintuan at mga bintana ng kanilang bahay. Isang Bahagi ng pagdiriwang ng San Isidro ang pagbasbas sa mga kalabaw. Ipinaparada ng mga magsasaka ang kani-kanilang mga kalabaw patungo sa simbahan upang mabasbasan ng pari. Naniniwala sila na malalayo sila at ang kanilang mga kalabaw sa mga sakit at aksidente sa pagbasbas na ito. Isang makulay na pagdiriwang ito na kinalulugdan ng lahat sa Quezon tuwing buwan ng Mayo.

Santa Cruzan…..
Ito ang isa pa ring kasayahan. Ang santakrusan ay isinasagawa kung Mayo. Isang prusisyon ito na nagpapakita at isinasadula ang paghahanap ni Santa Elena sa Banal na Krus. Maraming naggagandahang kababaihan sa prusisyong ito na kumakatawan kay Birheng Maria at iba pang mga babaing tauhan sa Bibliya at mga akadang kaugnay nito.


Mothers Day....
Syempre araw ng mga ina tuwing ika-9 ng Mayo! Isa sa pinaka importanteng tao sa buhay natin. Nakadepende daw ang pang uugali ng isang tao sa kanyang ina. Depende daw sa pagpalaki ng kanyang ina o magulang. Bat ako? ang babait ng magulang ko... Tapos ako mainitin ang ulo? pinaglihi ba ako sa pinakuluang utak??? Anyway.. Happy Mothers Day Nanay! I love you! mwaaah!

No comments: