Friday, April 23, 2010

.....MiSs Ko Na ULiT SiLa....

HAys!
Parang gusto ko na lang mag blog ng mag blog!
Akalain mo yun pangatlong entry ko na to sa araw na ito.
HIndi ako ngayon inaatake ng antok,
Kahit wala pa akong tulog!
Pero baka mamaya sa trabaho magpapakandong naman sa akin si Antok!
Hay bahala na!
Basta gusto ko mag blog ngayon.
Ganito talaga pag Day off,
Tapos wala ka sa tototong bahay nyo.
Dito lang ako sa apartment at bestfriend ko lang palagi ang kaharap ko si Laptop!
At ito Blog lang ng blog!
Di katulad sa bahay sa ILoilo nadoon si MArielle na makulit,
Si Bubbles na malambing (aso yan ni popoy at PAt)
at si Nanay namimis ko na ring kakwentuhan.
At si Rita pa pala na kwentuhan ko rin doon sa amin.
Kaya ang pinagkaiba dito sa Manila ay wala akong kakwentuhan,
alangan naman dadayo pa ako sa San Juan sa mga pinsan ko para makipag kwentuhan. Nakakapagod din kasi pumunta doon ang hirap makipagsiksikan sa MRT!
Ayaw kong maranasan ulit ang sumakay sa MRT na nakadikit ang mukha ko sa slamin,
sa sobrang puno!
Paksyet!
Nakakahiya!
Mamaya pala maaga akong papasok hindi alas dyiz kungdi alas syete!
Sobrang early ng in ko ngayong araw na ito.
Pero ok lang sulit naman ang overtime fee.
heheheheh!
Kaya sige heto na lang muna,
wala na akong maisip na isulat eh!
sige tulog na muna ako,
sana makatulog na nga ako.
Sige next time ulit!

..... HaLaLaN nAnAmAn......

17 days to go election is fast approaching.
Sinu-sino na nga ba ulit ang nangunguna sa presidential race? at sa senatorial? isama na rin natin ang mga local polotician. Trip ko pa ring pag usapan ang presidential race. Syempre dahil sa kanila tayo pipili ng susunod na mamumuno sa ating bansa! Kailangan din nating malaman kung sinu ang susunod na mangungurakot sa Pilipinas. Hayz! Syempre pag may hihilingin ako sa magiging bagong Presidente para sa Pinas ay yong posibleng matupad, Hindi yung Wish mo lang! Tulad ng wag mangurakot, maging pantay sa lahat at Huwag gamitin ang posisyon sa sariling interes! Maniniwala ba kayung matupad nila ito pag ito ang hiniling natin??? Hello??? Okay ka lang??? Milyon po ang ginastos ng mga iyan sa pangangampanya! Kaya given na, na babawi ang mga iyan pag nakaupo na! Kaya ang wish ko na lang sana sa susunod na Presidente, Sana.... Sana lang ha walang pilitan... Sana pag nangurakot kayo pakunti kunti lang! huwag yong tipong uubusin nyo ang pera ng Pinas bago makababa sa Pwesto! Hay Wish lang po ito!

Si Noynoy Aquino ang numero uno sa lahat ng survey. Lets admit the fact na sa lahat na ito ng survey. At kahit sabihin pa ng mga kapartido ni Gibo na may sarili silang survey at si Gibo at Erap ang tunay na naglalaban sa survey. Joke lang kaya ito!? Noynoy Aquino is number one in all the reliable surveys in the Philippines Because He is the son of Ninoy Aquino the person who fight for his Country and Corazon Aquino who is the icon of democracy. Syempre, Aminin na ninyo malaking tulong Din ang bunsong kapatid ni Noynoy na Queen of all Media no other than Miss Kris Aquino. Ito yong mga taong nag lagay kay Noynoy Aquino sa number one in all the surveys.

Si Manny Villar ito naman ang pinakamalakas na kalaban ni Aquino. Ito ang pinakamayaman sa lahat ng Presidentiables. Sa mga Commercial ad siya naman ang nangunguna! Nauso ang Villar fever sa mga bata at kahit sa anak ni Tetay na si baby James. Pag alam mo kung sinu sino ang nag eendorse kay Mr Villar, Masasabi mong mahal maging Presidente! I-endorse ka ba naman ni Willie Revillame pinaka maimplowensyang tao sa Noontime show, Manny Paquiao kinikilala ng lahat ng tao kahit di pilipino at Comedy King Dolphy! magkanu kaya ang tatlong ito?

Si former President Erap sila papunta pa lang ito pabalik na sa Malacanang, Sabi nga ng kaibigan ko kung mahal niyo si erap huwag ninyong iboto para di na muli makulong at pag di nyo siya mahal or may galit kayo sa kanya sige iboto ninyo para makulong ulit! naks naman! At ayaw kong maniwala dito dahil marami pa rin ang nagmamahal sa kanya at iboboto pa rin nila si pareng erap! Pero itong si pareng erap, Hit pa rin ito sa taong bayan! Aba! number 3 siya sa survey ha! Malakas pa rin ito sa mga mahihirap na siya ang inaasahan sa pag bangon nila.

Si Gibo, Ito sana ang iboboto ko talaga eh! Kaso I dont want to risk my vote! Mabuti na yung sigurado. Alam nyo yung pag binuto ko siya tapos si Swimmer ng basura mananalo di ba parang sayang lang kaya I go for the yellow team for sure! and to make it sure! But wag ka! nangunguna pa rin itong si Gibo when it comes sa Talino! marami pa rin ang maka Gibo! Ito ang gusto kung manalo kung di ang kapatid ni Kris ang magiging presidente natin! ika nga my second choice. Pero totoo bang ayaw sa kanya ng tito niyang mayaman? May ilalaban kaya siya sa insan nyang si Noynoy?

Dick Gordon the transformer, Una nanungkulan bilang Mayor sa Olonggapo city, Olongapo soon became a highly urbanized city by the year 1983. Under his leadership, at ngayon sobrang layo na nga ang narating nya. Okay din itong si Pareng Gordon! yun nga lang na turn off lang ako sa comercial ad nya, Yung Holy night? Ewan ko ba kong bakit ako na turn off doon. Natural lang naman yon na ipakita mo ang mga magagandang nagawa mo if you want to be a president. di ba? Sige na enaf of gordon.

Brother Eddie Villanueva, Edi Ako! Malakas din ito sa mga kristyano! Ito yata ang kauna-unahang pastor na tatakbo sa presidente. Im not sure kong pastor o religious leader. Ewan ko kung anu tawag nila doon. Basta siya ang founnder ng JIL o Jesus is Lord Movement. Sorry ha ito lang talaga ang alam ko sa kanya.

Nicanor Perlas as in sino siya? Pero wag ismolin ang taong to. Mataas din ang lebel nito when it comes to education. Nag elementary sa Ateneo de Manila at nag college sa Xavier University sa Cagayan de Oro. Magaling din itong taong to sa larangan ng agriculture. Ito siguro ang magbibigay pag asa sa mga magsasaka. Yun nga lang, Malalakas ang kalaban nya ngayon sa Presidential siguro better luck next time.

JC Delos Reyes ang pamangkin ni Gordon na isa sa kaagaw nya ngayon sa pwesto ng Pangulo. Hay! Ito na ata ang pinakabatang presidentiables. Iba ito from councilor to president! Bago to!

Jamby, balita ko galit sa kanya si Juday... Jamby is running for president thats all!

Handa na kaya ang mga pinoy sa pagpili ng bagong presidente? Handa na ba tayong lahat sa automated election? Automated alection? Magiging disaster ba ito o new era?

.....MaGdAmAg Sa InTeRnEt.....

At syempre dahil Day off ko ngayon!
Grabe! alas sais na pala nang umaga! inumaga ako sa kakaupgrade ng blog ko, panonood ng movie sa internet, pagbabasa ng ibat ibang blog ng ibang tao at kakaedit ng pix! alas syete pala mamyang gabi pasok ko dahil naka leave ang kaibigan kong gangster (si vinz)! May pupuntahan daw eh! Bohol yata, doon magcecelebrate ng burtdey nya kasama mga kaibigan nya! hapi burtday nga pala! Sige regalo ko na syo itong OT ko kahit sabog ako sa antok! Ay bepor ay porget pers taym mo pala mag pleyn! Goodluck! enjoy your vacation!
Back to the topic.... Kahit inumaga ako may time pa rin syempre akong mag blog! Lalo na ngayong upgraded na blog ko. May makabagbag damdaming music na habang binabasa ang mga entry at may mga label na ang bawat entry na ipopost ko!
What I learned nga ba sa pagpupuyat ko ngayon???
  • Alam ko nang mag lagay ng mga kung anu anong anik-anik sa blog ko!
  • Mas ginaganahan pala akong mag post ng entry sa blog pag may bago akong diskobre.
  • Sa napanuod kong movie natutunan kung bawasan ang mga drama sa buhay para mabilis makapagpatawad. try nyo kaya?
  • Aaminin ko marami akong nabasang blog na nakakuha rin ako ng mga idea.
  • Im still learning on photoshop for editing pictures but for now im happy with paint. Doon ko naeedit ang mga pix for now.
Ito lang muna sa ngayon kaylangan ko pang matulog para ready to work ulit mamyang gabi!

Wednesday, April 21, 2010

......cLaUdiNe'S fAiLuRe......



NILAMPASO
.... is not enough word for Claudine Baretto's Failure on her self titled Show "Claudine" on GMA7. Nilampaso, Pinlorwaks, pinataub or pinakain ng alikabok sa ratings ng MMK ni Gretchen Baretto her sister! Mas naniniwala na ako ngayon na kahit gaanu kagaling ang isang aktres ay pwedeng sumemplang kapag lumipat sa walang kwentang network. Sorry! This is my blog and my opinion should be post!

Ito rin siguro ang gustong ma experience ni Mark Bautista and Rachelle Anne Go na kalilipat lang rin. Speaking of lipatan.... Naalala nyo ba ang kilalang karakter ni Miss Eula Valdez na Amor Powers at Jean Garcia na Madam Claudia Buenavista? Hindi bat halos lahat ng pinoy ay kilala sila sa teleserye nilang Pangako sayo? Na ngayon ay namamayagpag sa ratings sa ibang bansa... When they transfered to GMA7, Marami silang nagawang series pero ni isang karakter nila ay di nakilala... Poor Claudine! Maaring ganito rin ang mangyayari sa karera nya!


Gretchen is preparing for her new series on ABSCBN with Derek Ramsy and Bea Alonzo Titled "Magkaribal" interesting to! Dahil ang nakikita nyong picture sa itaas ay workshop nilang dalawa ni Bea kay derek Laurice G. Iba talaga ang gawang ABS pinaghihirapan di tulad sa iba jan basta meron lang wala ng workshop workshop! mas focus sila sa pangongopya ng show sa ABSCBN! Sana itapat nila ulit si Claudine sa series ni Gretchen para langawin ulit sa ratings si Claudine... Kaso baka ayaw nya na, Takot lang nya! hahahahahah!

....AnTok Na AnToK.....


Matagal na sa akin ang anim na oras na tulog sa isang araw kapag may trabaho ako. Madalas kasi tatlo hanggang limang oras lang ang tulog ko sa isang araw. Kaya naman di maiiwasan na antukin ako sa oras ng trabaho (Wich is Mortal sin sa office ang maantok).. Naalala ko pa nung nasa high school ako ng Marillac Academy, Mga malapit isang oras din ang biyahe mula sa bahay hanggang sa school ng walang traffic. Madalas akong natutulog habang nasa byahe lalo na pagpapunta ng skul sa umaga dahil sobrang aga naming nagigising at naghahanda papuntang skul, Syempre sa sasakyan na kami natutulog ng kuya ko at insan ko.

Pero yung di ko malilimutan noong nakatulog ako pauwi sa bahay, siguro dala na rin ng sobrang pagod. At ang nakakatawa nagising na lamang akong lumagpas ng apat na baranggay mula sa lugar kung saan ako dapat bumaba para sumakay ulit ng traysikel papunta sa baranggay namin.At para naman di masyadong nakakahiya at di mahalata ng iba ding pasahero, pasimple akong pumara at nagmamadaling bumaba ng jeep. Talagang na praning ako at ma lukring lukring sa takot sa mga oras na iyon. Sobrang kinabahan ako kasi madilim na, siguro mag aalas dyis na ng gabi yun at dapat sa edad kong yun at sa oras na yun ay tulog na ako. At ang pinaka worst! apat na piso nalang ang laman ng pitaka ko! Ibig sabihin yun nalang ang natira kong pera, Anak ng teteng naman oh! Kulang na kulang para pamasahe ko pauwi. Wala pa akong cellphone nun kaya ang ginawa ko eh pumara na lang ng traysikel, At ang lakas pa ng loob ko ha! inakupa ko ang traysekel pauwi ng bahay kahit wala na akong pera! Sa bahay nalang ako magbabayad yun lang nasa isip ko. Malayo pa sa bahay pero nakikita ko na ang nanay ko na naghihintay sa akin, nakikita ko rin sa kanya ang pangamba! at nang bumaba ako ng traysekel napawi ang kanyang pangamba. Syempre nag sinungaling ako, Sinabi ko na lang na may ginawa kami sa skul kaya sobrang ginabi ako sa pag uwi. Dahil pag sinabi ko ang totoo na nakatulog ako sa Jeep. Tiyak sandamakmak na award makukuha ko kay nanay. Hahahahaha!


Kahit ngaun marami pa rin akong katangahang nagagawa dala ng antok lalo na sa trabaho. Buti nalang kamo at marami nang naglipana na energy drink sa ministop! Halos lahat ng mga ito pinirwisyo ang trabaho ko nang sinubukan ko! Ang Bachus ito ang nag papabukas ng mata ko kahit tulog na ang utak ko! Ito namang
Explode sobrang na explode buhay ko dahil nagkasakit ako sa ilang araw na laklak nito! Meron ding Cobra, ang epekto naman nito mas malala, Para akong natuklaw ng Cobra. Tulala ako sa trabaho, iba iba sagot ko sa called in client! Kaya ng marinig ng Boss ko ang mga katangahan ko sa Client pinag yosi nya ako ng bonggang bongga sa lobby!

At syempre ngayong week lang na ito. Kababalik lang pinsan ko sa ILoilo after ng limang araw nyang bakasyon dito sa Manila. At ako naman limang araw din akong walang tulog kaya hindi lang ako dinalaw ng antok... nakipag kwentuhan pa sa akin ang antok!

Habang nasa trabaho ako at naghihintay ng Calls. Para iwasan si Antok na feeling ko nakakandong na sa akin. Pinagkaabalahan kong iedit ang mga pictures ng officemate ko at pinag tripan ko pang paghaluhaluin ang mga mukha nila. Ngunit talagang malakas si Antok! Dala na marahil ng sobrang antok at aking tangahan, nag log out ang PC ko at tama ba namang hindi na save ang lahat ng transaction ko sa mga clients ko? Tulad ng Payments na kailangan kong tawagan ang mga client ko paisa isa at i verify ang mga credit card details. Dahil pag hindi walang payments sa kanilang ma popost! basta ang hirap ipaliwanag its a call center thing!
Kaya pagkataapos kung gawin ang pinahaba kong trabaho kahit inaantok pa ako,Naisipan ko pa ring magsulat. Nature ko na yata ang magsulat! Kayo? Anong mga nakakalurking na katangahan ang naencounter nyo sa sobrang antok?

Sunday, April 18, 2010

......ApO nEnA rEpUbLiC iN mAniLa......



Sang una kung naluyahan ukon nasubuan ako, Ang gina ubra ko lang para batuan ang mga amo sini nga mga balatyagon ga basa ko blog ukon masulat ko bag-o nga entry sa akun blog. Pero pila na ka adlaw nga wala ko diri ka update sa akun blog. Di man sa indi ko na gusto mag blog ukon untaton ko na ini. Nangin saku lang ko kay nag hatag gid ko tyimpo sa akun mga pakaisa. Kis-a lang man kami ga get together. Haaay! nalipay gid ko kay kis-a malang ni gakatabo kay tama man kami kasako tanan sa amun nga mga ubra! pero sang Abril trese asta deysi syete nag bonding gid kami! Tani maliwat naman ini! salamat mga insan! Tama gid ka raku nga lugar amun gin kadtuan! ara da sa babaw and mga pix namun! hahahahah!

Thursday, April 15, 2010

....UmAgAnG kAy GaNdA sA mAkaTi....

Sabi nga ng isa sa pinakamagaling na Mayor ng Pilipinas, "Ganito kami sa Makati"!

Nag mag desisyon akong magtrabaho dito sa Capital City of the Philippines ang MANILA. Hindi pumasok sa utak ko na makapag trabaho sa Makati. Noong unang araw ko dito sinabi ko sa sarili ko na mag tatrabaho ako sa Ortigas. Dahil sabi nila sa Iloilo. Ito ang pinakasentro ng trabaho. Lots of Call Center na kumalat sa Ortigas at kung anu-ano pang kasosyalan at hanged out place doon! Pero siguro nga talagang para sa Makati ako! Halos sinuyod ko na lahat ng Call Center dyan sa Ortigas! Oo! aminin na nating di nila ako nagustuhan kaya tsinutsugi ako, Pero meron din namang mga Call center na napag applyan ko at when I get there parang ayaw ko sa kanila kaya nawawala ako na parang bula sa Office! One time, Niyaya ako ni Vince na mag pa interbyu sa isang Call Center sa Makati. I am about to give up na and I have plans of going back to Iloilo for good. Siguro mahal lang talaga ako ng Dyos kaya naka pasa ako dito sa TeleAccess! Yup! Isang taon na ako dito! And ngayon ko lang to sasabihin, Ni minsan sa mga dati kong trabaho di ko nasabing "LIFE IS WORK".

Masaya na ako ngayon dito trabaho ko! with my new office mates, new friends, new kakulitan, new Big Boss, New place and halos lahat new! Yung mga pictures sa taas???

I-relevance sa entry na ito! at kung walang kinalaman ang mga pix sa kwento, mas walang kinalaman ang Title nito! wala lang para maiba naman!

Monday, April 12, 2010

...mAiiNiT nA iSyU sA BaYan Ni JuAn.....



MAGITING
: Maria Venus Raj dethroned. Once again and again! Another Bb Pilipinas Universe winner na binawian ng korona. Hay naku! Anak ng teteng naman oh! Bakit nga ba dumarami ang kaso na ganito sa pinakamataas at pinakapristehisong Beauty Pageant sa Pinas? Walang kadala dala itong mga taga Bb. Pilipinas organizer! We cant blame Pilipina who want to be one of the Bb Pilipinas winners. Of course! Sabihin na nating isang pirasong korona lang yan! Pero naman mga kabagang! ayos-ayusin nyo naman ang pag iimbistiga sa bawat sasali... Trabaho nyo yan! Di yung nakoronahan na ska babawian pa! Pinapahiya nyo ang Pilipinas sa ibang bansa! Dayaan na nga sa sugal, eleksyon, mga star awards pati ba naman sa Bb. Pilipinas??? Anak ng kabayo naman! Ilang beses na bang nangyari to! Ayan ngayon sasakyan nanaman ng mga Politiko! Syempre May 10 na eleksyon!






MAGITING: Baby James’ innocence. Para sa akin hindi kabawasan ng boto kay Noynoy Aquino ang ginawa ni Baby James. Hindi dapat mag worry si Miss Kriss Aquino. Oo nga naman! Sino ba mag aakala na pati din si baby James ay napasama na rin sa Villar fever! Ganito kasi ang ginawa ng pinaka batang talent ng Star Magic, Mismong ang cute na cute na si baby James bumanat ng Villar with matching V sign sa isang campaign sortie nila down South! Cute at nakakatawa dahil ang akala nilang Alas sa kanilang kampo turns out to be an angel of Villar! But what will you do to something as cute as that angel? Baka nga malakas na tawanan din ang ginawa ng magkakapatid na Aquino. But one thing is for sure… siguradong lagot ang mga yaya at kasambahay ni Kris. Siguradong maiimbistigahan kung anong pinapanood nila at na-pik-ap ni baby James ang Villar fever.





MAGITING: Gibo Teodoro, the presidential bet of Lakas Kampi CMD has highlighted the call for Government to put up a righteous, political “zone of peace” in the next administration that would unite leaders from across the political partition to a conformity on the smooth and immediate execution of improvements in education, healthcare, other main concerns and plans valuable to the huge majority of Filipinos. According to Gibo, while politicians can deliberate as much as they want, there should be particular areas that they are in agreement to leave “untouched,” as well as foreign guidelines, where Filipinos are likely, and must, speak with one voice.This is a preview of Gibo to Assemble ‘Political Zone of Peace’ to Urge! Hay sayang ka! Ikaw na sana, Kaso Noynoy na ako eh!





MAGITING: Action star Robin Padilla said, “Kapag maraming gumaya sa Tipid Sulit! mawawala ang tambay. Marami na ngayon house husband sa mga kalalakihan. Dapat dumidiskarte rin sila. Iba ang feeling ng padre de pamilya na kumikita. (If they get into Tipid Sulit people will be productive. House husbands are more prevalent now. There’s nothing like earning money as head of the family).” Okey naman yo! at least mumura ang text pababaan ng presyo!






MAGITING: LIBERAL Party standard bearer Senator Noynoy Aquino opens up his lead against closest pursuer Nacionalista Party bet Senator Manny Villar in the latest Pulse Asia survey released Tuesday. Aquino, who earlier topped the March survey of Social Weather Stations (SWS), is way ahead with 37% voter preference against Villar’s 25%, who suffered a four percentage-point drop in the survey conducted between March 21 and 28. Pwersa ng Masang Pilipino (PMP) presidential candidate former President Joseph Estrada placed 3rd with 18%.,Lakas-Kampi-CMD bet Gilbert Teodoro 7% and in 4th place. Sharing 5th and 6th are Senator Richard Gordon of Bagumbayan and Bro. Eddie Villanueva of Bangon Pilipinas, with 2% percent each. The rest of the candidates received less than one percent voter preference, namely: Independent bet Nicanor Perlas (0.3%), Ang Kapatiran standard bearer John Carlos “JC” De los Reyes (0.2%), independent candidate Senator Jamby Madrigal (0.1%), and disqualified Kilusang Bagong Lipunan (KBL) candidate Vetallano Acosta (0.08%). Go! Go! Go! Noynoy!





MAGITING: Ngayon ang araw na magkakaalaman kung alin sa mga show nina Claudine at Gretchen Barretto ang nag-rate noong Sabado. Maingay na maingay ang pagtatapatan ng MMK ni Gretchen at ng Claudine noong Sabado. Malalaman ngayon kung alin ang mas pinanood ng televiewers dahil tuwing Lunes lumalabas ang mga rating ng mga show noong Biyernes, Sabado at Linggo. Malamang ang MMK dahil basta gawang MMK Dekalidad!



....BaCk To WoRk....


Pagkatapos ng dalawang araw bakasyon, Balik trabaho na ako dito ca Manila. Syempre na miss ko mga kasama ko! Kaya sandamakmak na pictures ang ginawa namin! Bago ako bumalik nong Friday eh naki enjoy muna ako sa mga taga Iloilo sa San Joaquin!

At ngayon kasama ko naman mga ka opizmate kong makukulit! Ang saya..naalala ko yung dati! Tuwing Sunday shift namin dito parang fiesta! Luto ng kung ano anong maisipan..Tsismisang walang humpay tuwing Linggo...May maririnig ka pang kanta na wala sa tono at kwentong kalibugan na walang katapisan (pero syempre malalaman mo pag may calls kasi biglang tatahimik lahat! Talagang may unity at focus pa rin sa trabaho). Masaya kasi walang masyadong call or sabihin na nating walang masyadong trabaho. Kami kami ang magkakaharap sa opisina. Noon ang sunday eh laging parang may burtdey farty sa dami ng pagkain na dala ni Iyang, Vinz at madam janize! (mga lugaw..mga bicol express..at kung anu ano pang malalamon)!

Walang masyadong pressure at kliyenteng engot na tumatawag! Fiestang fiesta talaga! Kami ang mga Sunday barkada ng opisina! Sina Mheann, Mark, Chery, Vinz, Janize, Paul at syempre ako ang blogger ng Sunday barkada!

....What I've got In Iloilo.....


Last April seven Wednesday seven o'clock in the morning, I am in rushed going home to Baclaran. Ang tagal kong hinitay to! When I reach home, Barber Shop is my next destination. After my hair cut, I’m ready going home to Iloilo. WOW! My two days vacation in Iloilo was so short but I enjoy it! Picture Caption
  1. April 7, I arrived in Iloilo after lunch time. I’m waiting for my father to arrived and while waiting I decided to stay in coffee break (a popular coffee shop in Iloilo city like Starbucks here in Manila) Its just a piece of bread and a cup of coffee and it cost me 80 Pesos! Ang mahal! Anak ng Kabayo!
  2. This is the Title! This is what I’ve got when I went home to Iloilo. Two perfumes (Adidas and Charlie), A pair of Shoes (Adidas), A lock and lock (lalagyan ng iced tea sa opis na!) and new shirt from tatay!
  3. Going Back to Manila! Mga Bagahe! Yung karton na kulay white Wiwins na biscocho yan! Pasalubong ko sa mga ka opisina ko. Yung kulay orange! Linxak! Ang laman nito sangkatutak na ulam! Puro baboy! Ibat ibang uri ng luto ng Baboy! Nakaka praning hirap hanapan ng pwesto sa eroplano.
  4. Hmmmm! I’m waiting for my flight going back to manila. Ito naman ang trip ko first Kape, Second Yosi my precious, and my plane ticket!
That's What I've got sulit ang pamasahe!

Sunday, April 11, 2010

...My TwO dAyZ iN iLoiLo....

I'm home from my two day vacation with my parents and Marielle in Iloilo. There was food na lalong nagpalobo ng katawan ko!. Lots of it. ... It's my parent's house heheheheheh! Bahay ko na rin yon.

My two days vacation was so short. Last April Seven, I hastily decided to go on a very short vacation. Admittedly, after the distress I got myself through, I needed a breather. A vacation totally uncalled for, I was invited by nanay and tatay to go on a trip or a visit to Iloilo. Iloilo is also the family’s hometown. Tatay was born in the town of san Joaquin. And nanay is a native of Igcphang one of the barangays in San Joaquin, They both spent thier younger days in San Joaquin and in Iloilo City. HAhahahaha! ang tagal ko na palang nawala sa sirkulasyon ng Iloilo... Maraming pinagbago ang syudad ng iloilo. Amazing! this is my native land and i am very proud of it compare to some cities here in phil…i am realy proud to be “malambing’.. Kakaiba talaga ang Iloilo,

I’ve just come from vacation in SAn Joaquin and I saw the influx of tourists, foriegn and local as well. It’s really impressive that San Joaquin with its clean environment and peaceful surroundings and most of all ,accommodating people of all sorts, are attracting these tourists. I don’t know exactly if it is getting some profit from tourism. I would rather invite investors to visit my town San joaquin and study the possibility of investing in bussiness and commercial center where tourists can have easy access and comfort. Madamo gid nga salamat.

Ma-ayo gid ang pagplastar…….Iloilo is a beautiful place to have a vacation……

Monday, April 5, 2010

.......MaHaL nA aRaW nA nAgDaAn........



Isang holy week na naman ang nagdaan sa buhay natin bilang mga Kristiyano. At sa taong ito inaamin ko na sobrang napalayo ako sa diyos, Masyado akong nakalimot at may malaking pagkakasala akong nagawa sa kanya. Isang taon at tatlong buwan na ang nakalipas. Naaalala ko pa... Sobra ang pananalig ko sa diyos, halos araw-araw at gabi-gabi akong dumadaan sa Baclaran Church. At mataimtim kong pinagdadasal na sana magkaruon na ako ng matinong trabaho. Sana makahanap na ako ng trabahong bubuhay sa akin dito sa Maynila. Sabi ko pa nga "ibigay mo ang trabahong nararapat sa akin at pinapangako ko sayo panginoon na hindi ako makakalimot sa pagpapasalamat sayo."

March 10,2009... Pumirma ako ng kontrata sa TeleAccess. Sabi ko sa sarili ko, sana Lord ito na nga... Sana ito na ang kompanyang sagot sa aking dasal. Sana ito na ang kompanyang bigay mo sa akin. Bilang baguhan sa kompanyang ito I easily get along with other employees, Masyadong masaya, madali akong naka adjust sa mga kasamahan ko, nakakilala ako ng mga bagong kaibigan ko at mabilis din akong tinanggap ng mga bago kong kasamahan sa Call center na ito. Masyadong mabilis ang pangyayari anim na buwan na ako sa Tele Access. Ibababa na ng kompanya ang hatol sa akin kung dapat nga ba akong maging regular employee. Sabik ako sa regularization, ewan ko kung bakit o para bang nananadya na natagalan ilabas ang resulta ng evaluation ko. Bigla akong natakot sa magiging desisyon nila. Muli kitang naalala, Muli akong lumapit sayo, Muli akong bumalik sa Baclaran Church para muling humingi ng tulong at dasal. Na sana ma regular nga ako! Sana ibigay na nga nila sa akin! At kasabay sa dasal na iyon, akoy nahihiyang humihingi ng tawad sayo dahil masyado akong nakalimot. Pagkatapos mo akong bigyan ng trabaho di na ako nakabalik ng Baclaran Church para magpasalamat. Nahihiya man ako sayo, Muli akong nagbalik at humingi ng tawad at para sa panibagong hiling kong dasal.

Siguro sadyang mahal mo ako! Sadyang malakas ako sayo! kaya akoy muling pinag-bigyan mo. Pagkatapos kung magdasal sa Baclaran Church ng sumunod na araw, Nagulat ako... Mabilis mong sinagot ang aking kahilingan. Pinatawag ako ng aking Boss Para pumirma ng panibagong kontrata bilang isang regular na empleyado ng Tele Access. Sa sobrang tuwa ko! nilibre ko ang mga kaibigan ko sa trabaho. Masyado kaming nag enjoy! at sa aking pag-uwi di ko manlang naisipan dumaan sa Baclaran church para magpasalamat sayo. Sadyang mahina ako sa mga pagsubok mo.

Dumaan pa ang ilang buwan. At akoy masyadong naging abala sa aking trabaho, Masyado kong na enjoy ang trabaho. At ni minsan di ko naisipan na muling dumaan sayo para magsimba o di kayay magpasalamat manlang. Sabi ko, " pagod kasi ako palagi kaya di ako nakakadalaw, may pasok kasi ako pag Sunday kaya di ako makapag simba. Sa mga sumunod na schedule ko para bang sinasadya, binigay sa akin ang Sunday bilang isa sa mga Day off ko. Ngunit marami pa ring humahadlang sa aking pag simba! nandyang bigla akong aantukin, bigla akong tatamarin o di kayay may mas importante akong lakad. Kaya di ko pa rin nagawang mag simba.

December 15, 2009.... Pinangako ko sa sarili ko na bubuuhin ko ang siyam na simbang gabi para ialay bilang pasalamat ko sayo. Kahit pagod ako galing sa Trabaho deretso ako ng Baclaran Church para mag simba. Sa tulong mo natapos ko ang siyam na simbang gabi. Ngunit kulang pa rin ang pasasalamat na iyon kaya naisip ko na dapat pati misa de galyo ma simbahan ko para kompleto na! haaaaay... sa misa de galyo saka pa nagka aberya! nakatulog ako ng bonggang bonggadahil sa pagod, pag gising ko madaling araw na! natapos ang simbang gabi na di ako nakapunta.

Minsan naiisip ko at nararamdaman ko na nitong dalawang taong nagdaan, maraming mga obligasyong pangrelihiyon ang hindi ko nagagampanan. Nagkukulang na ako sa pagpapakita ng aking pananampalataya, Nanghihina ang aking pang ispiritwal na kamalayan.

Ngayong mahal na araw na nagdaan, naisip ko lang balikan lahat ng magagandang nakaraan ko bilang isang masugid na taga sunod sa ating simbahan. Nakakamiss din lahat ng mga yun.

Kapag mahal na araw, Sa Iloilo kasama ko ang kuya ko at nanay ko palagi kaming nag way of the cross. Taun taon yun walang paltos! Ang alam ko lang e kelangan naming sumama sa prusisyon para ipakita ang aming pagsisisi sa mga nagawang kasalanan sa buong taon. Hindi kami umaabsent kapag Biyernes Santo kasama kami sa mga nagpuprusisyon.

Kaya ngayonn katatapos lang ng Mahal na araw. Pinapangako kung magbabalik ako sayo. Hindi na para humingi ng tulong, hindi na para dumaing Kungdi lagi na akong magpapasalamat.

Salamat sa lahat ng tulong mo
Salamat sa pag alalay mo sa kin kahit akoy nakalimot
Salamat sa mga kaibigang binigay mo sa akin
Salamat sa mga mabubuti at mapagmahal na magulang na binigay mo
Salamat sa pagsagot sa lahat ng aking dasal
At Salamat sa buhay na ibinigay mo para kaming lahat ay mabuhay.

Maraming maraming salamat Panginoon...

Sunday, April 4, 2010

....WaLa LaNg, GuSto Ko LaNg MaGsuLat......


Wheeeeew! Yup! Totoo yun! Uwi naman ako ng Iloilo for a very very short vacation! Kahit two days lang okey na yun... Ayoko ko rin kasi magbakasyon ng two years sa ILOILO... As usual mabibitin nanaman ako sa bakasyong ito.. hmp! di man lang ako umabot ng limang araw.! Pero okey lang mag lilimang araw naman ako sa HongKong sa June eh! yun ang mas masaya! Ayos na ang two days basta walang Undoy na mangyayari para naman ma enjoy ko! Kasi minsan itong mga kapatid ni Undoy at Peping bumabanat pag nasa bakasyon ang maraming tao! Last time nga ang iba jan na kansel ang lakad dahil binalita na may signal no.3 ba naman sabi sa tv, tapos kinabukasan ang taas ng araw,kamusta naman un,nananadya yata eh.. mas malakas pa nga daw ang hangin pag may nakakausap akong mayabang! Heheheeh! At wala akong planong makinuod ng dvd sa bahay kasi iba yung trip nila doon! Kasi iba ang trip nilang panuorin, buti sana kung english o tagalog eh. pero hindi eh panay korean, japanese at taiwanese..pahirapan magbasa ng maliliit na subtitle.. Basta pag uwi ko hinding hindi ko sasayangin ang two days na yan! Baka pagbalik ko dito negro nanaman ako! Black is beautifull but too much black is charcoal! Hahahhaah! Bahala na kung malimas kaagad ung pera ko doon...Ganyan talaga ang buhay! pero buti na lang dito sa manila may sarili akong internet kaya malayo sa tukso na gumala (kahit sabihin pang malapit ako sa Nunal ng asya, di ba yun ang tagalog ng mall of asia??? Si Nora Aunor ba may ari ng mall na ito???) Pag dito sa manila wala ng masyadong gala dito lang ako sa bahay kaharap ng lap top at nag ba blog nalang palagi. Yun nga lang kawawa naman dito ang lap top di nanagpapahinga! Kaya nga Kuracha ang pangalan ng lap top ko! At higit na mas kawawa din yung kuryente namin na parang pang wan handred meter das ang takbo! hays! NA iinsecure na nga iba naming gamit kay Kuracha dahil di na sila napapansin! Si TV, Si DVD, Pati na rin si Cellphone! baka mag usap usap ang mga ito at pag tripan wasakin si Kuracha! Buti nalang kamo may bestfriend naman dito sa BAhay si Kuracha! Si electric pan! Syempre kaylangan mag electric pan habang kumakalikot ng Internet, Ang hirap kayang mag internet na kasing laki ng duhat ang pawis mo! Lalo na ngayong panahon na ito! Dyozko nakakasunog ng anit ang Init ngayon! AY! bat nga pala ang mga gamit sa bahay ang napapag usapan sa entry kong ito!??? Basta ang importante mamyang alas tres o kwatro ng hapon ang oras na hindi nakakasunog ng anit ang init! Pupunta na ako ng opisina ng Cebu pacific! kukuha na ako ng Ticket ko pauwing Iloilo! Hays! Ganito talaga ang buhay wala pa akong tulog simula ng magising ako alas dos ng madaling araw para lang mag harvest ng farmville ko di na ako nakatulog! Alas Otso ng umaga kanina naglaba naman ako ng sandamakmak na labada ko! napuno ko nga ang sampayan dito sa bahay at kinulang pa ng hanger! Alas onse kumain ng tanghalian! kaya heto ala una naka upo na sa harap ng lap top at nagsusulat nanaman! makatulog na nga at pagkatapos ko mamya sa cebu pacific eh magpapagupit pa ako! Hay ilang marlboro na kaya naubos ko sa araw na ito simula ng magising ako???? AT nakz! nakalimutan ko naman matulog may pasok na pala ako mamya sa trabaho alas diz ng gabi! sige na mga pipz tulog muna ako at may lakad pa ako mamyang alas kwatro! bye!

.....BuHaY sA sTaRtEc.....

My Startec Days. Kaya ko naisip na gawing entry ang Startec life life ko kasi gusto ko i-share sa inyo ang naging buhay ko nung nasa Pagtitiis, Paghihinagpis, Pagpapagutom, Pagsasakripisyo at Pagkilala sa mga naging tunay kong kaibigan. Syempre may mga away away ding nangyayari pero di naman talaga maiiwasan yan. Special silang lahat sa akin sa Startec dahil sabay sabay kaming nagutom, nag tiis, nag pasensya, nagsakripisyo. Sabay din kami sa hirap at ginhawa! kaya nga team song ko sa mga taga startec yung Station ID ng ABSCBN na Sabay Tayo!

Talagang naging masayang part ng buhay ko yun. Nakilala ko ang mga tunay kong kaibigan, na hanggang ngayon ay mga malalapit pa rin sa aking puso. Dati, muntik ko na i-give up ang Plano ko sa Buhay dahil napakahirap talaga ang mabuhay na parang undirected life at parang wala na... Parang hanggang dyan ka na lang... Pero sa tulong at suporta ng mga kaibigan ko, Mga naging Agents ko, At sa lahat ng naging ka trabaho ko sa startec, I was able to stand with my both feet on the ground! At lalong lumakas ang tiwala ko sa sarili. Salamat sa inyong lahat! Eto ang proof na iba talaga ang Startec Life ko.

PHOTO CAPTIONS:

  1. Ito yung time na kailangan natin magkaroon ng group picture. Tapos Kailangan nating maghanap ng napakagandang backround. Kaya Pumunta tayo sa Petron sakay ng startec bus para mag pa picture.
  2. Kasama ko sa Picture na to si Veron at Nicole, Nag iinuman yata tayo dito dahil libre ni Sir Nick. Lasing si Nicole sa oras na ito. At ito din yung time na tumatakbo si Perry na walang Tsinelas dahil Na hold up sa Dagat! hahahahahahahah!
  3. Si Leslie kasama ko dito. Wala tayong sahod nung time na to. lagi namang late eh! Punta kami ni Leslie ng dagat kuha sa Coop ng mga Chichirya at soft drinks para doon uminom sa tabi ng dagat para ilabas ang sama ng loob. I miss you Leslie! Akalain mo yon???? nakaka miss ka pala!
  4. Ito ang mga kasamahan ko sa Shift mga night shift! Bago to magsimula ang night shift, Syempre picturials muna!
  5. Ito naman sa Apartment to ni Miss Laisa, Na una na kaming mag resign kaya ng mabalitaan naming nag resign din siya pinuntahan namin ni Vangie para damayan!
  6. Birthday ko yata to O fiesta namin! Di lang ako sure! Pero masaya to kasi isang jeep tayo!
  7. Ito na yung picture natin na buo sa Petron! Minamadali natin ang Camera man Kasi umuulan na!
  8. Pagkatapos ng Group Picture kanya kanya ng grupo mag pa picture!
  9. Pareho din ito sa Number 5, Kaso nagulat tayo dahil dumating si Miss A! Di kapanipaniwala! Syempre!
  10. Si Miss Jaylo At Amie kasama ko dito birthday ito ng nag iisang anak ni Nicole na si Stacey na ngayon! ewan ko ba ano ba talaga pangalan niyan! basta anak niya si Klyde!
  11. AH! ito naman ang pinka masaya! Nawalan ng linya ang startec kaya stop calling! nag fiesta ang lahat sa labas ng opisina at tumambay sa Flying V gasoline station! hahahahahahah!
  12. Ito naman sa Guimbal to sa Bahay ni Miss Laisa Fiesta yata to sa kanila!
Haaaaaay! memoryadong memoryado ko pa! kaya nga lang kaylangan talaga nating maghiwawalay para harapin ang sarili nating Buhay! Ang sarap alalahanin ang buhay natin sa Startec! Sabay sabay mamalengke! sabay sabay mag simba! sabay sabay mag landi! Sabay sabay maligo sa Dagat! at kung anu ano pang dapat mag sabay!

The hardest part of any friendship is when it's time to say goodbye, Yun talaga ang mahirap!. As much as we might like things to stay the same, change is an inevitable part of life. and even though I wished I could stay, I know I need to myself to spread my wings and fly, syempre ganun din kayo!. The universe may seem huge and the rift between friends on opposite side of the world may seem a great distance. There are many tools available with which we can communicate, but even without these tools there is a secret that only real friends know, and it is this. All the mountains and valleys in the world cannot separate friends whose hearts are as one. Hay na mimis ko na talaga kayong lahat! Sanay magkita kita tayong muli!

Saturday, April 3, 2010

Popular American comedian and television host discriminates against Manny Pacquiao and Filipinos




This is bullshit... I want smash his head open and dismember his ugly face with my speedin corolla his filthy carolla... say it in front of me, not behind whatever you gay fuck!dam i kill people like this for a livin.. and its a pleasure!Lots of people hates america now bcoz of stupid americans like this!

adam + floyd= gay!!! these bitches are totally moron...im gonna behead this fuckin idiot adam,if gotta chance to meet this dickhead comedian,he wud have his last laugh...FAGGOT!!!!

Idiot? What a comment from a person who never even finished highschool, tag as the class clown and becomes popular by exposing and dishing his own family mishaps. Adam Carola wants to be popular, I suggest don´t ask for it, he may regret it later on. Don´t insult any countries not knowing the history, clearly shows how ignorant this man really is
.

Monday, March 29, 2010

......PaRa Sa KaNyA......


I missed you so much, Before I waited for three years to have my wish granted.. now I wasted another three years of trying to know myself better. I know I became so selfish that I didn't tell you anything about what's happening with me. I just wanted to find my soul. I found myself here in Manila. I learned a lot, I gained so much knowledge about life.. For so many times that I tried to send you message on your facebook account, I just don't understand that I couldn't make any good one to explain my side. I know I was so unfair, and I guess I've caused you so much pain. Sorry, I Just thought that what we were doing was wrong that's why I tried to find the best way to correct everything. While I was searching for that correction, I learned that I've been doing the biggest mistake of my life for almost three years. And just yesterday, I met my fault, I was so stupid to try to forget the best thing that happened in my life.. I love you. and it has never gone. I hope you will accept my apology.

Thursday, March 4, 2010

......SiNo NgA bA aNg SiSiMuLa!?.......


Few more weeks nalang, election nanaman. Dami nanaman mga streamers, banners, political commmercials. Ang iba ngang presidentiables binago ang ranking ng Advertising History. Hanggang ngayon hindi padin ako decided kung sino ang mga iboboto ko (d naman ako uuwi ng iloilo para boboto lang). Ni wala pa akong listahan ng mga iboboto ko. Ang alam ko lang botohan sa MAYO Dyiz at mukhang mangongopya nanaman ang ibang kababayan ni Juan. Aasa nalang sa kung sinu-sino ang sikat. Hay! buhay nga naman!

Oo, tama nga naman! Dati nung unang beses akong bumoto kinopya ko lang ang mga kandidato na isinulat ko sa balota ko. Magmula presidente hanggan sa mga konsehal. Ni wala akong ideya sa election. Ni wala akong paki sa politics. Sa totoo lang, Ngayon nagkaroon na akol ng pakialam! Unlike dati wla akong pakialam! Apektado lang kasi ako sa mga pinapataw na deduction sa sahud ko kaya nagkakaroon na ako ng pakialam sa election! Nakakapagod kasi itong mga nasa pulitika. Kung tutuusin para akong walang kwenta dating hindi ako nakikialam sa election. Sabihin ko man na wala akong pakelam pero kelangan. Nakaka praning kasi minsan. May problema ka na nga sa personal mong buhay pro2blemahin mo pa ang pesteng pulitika na yan. Pero syempre, kung hindi ko naman ieexpress ang pakabahala ko sa pulitika ng Pilipinas tinawag pa akong Pilipino.

Nakakasama lang kasi ng loob na kahit anong gawin mong hirap at payaman para sa sarili mo (sarili ko lang naman iniisip ko sabi ng iba) parang walang nangyayari dahil sa hirap ng buhay sa Pilipinas. Kung tutuusin nga din paanong mo sasabihin na mahirap ang Pinas e Millyones ang kinikita ng mga OFW natin. Ang mga nahahalal at nakaupo sa Gobyerno mayayaman at lalong yumayaman. Ni ultimong tatay ko na nasa Hongkong kanda kuba na sa trabaho mahirap pa rin. Pero bakit ang iba nating kababayan na nasa politka lalong yumayaman. Biruin mo may isang kandidato ngayon na tumatakbo ng Presidente e lumampas sa rate range ng Comelec. Sabihin pa nya na galing sa mga donors niya yun. Niloloko ba niya ang mga Pilipino. Sige sabihin natin galing sa mga Businessman yun, pero hindi pa pwedeng idonate nalang yun sa mga istutusyon ng Gobyerno na natutulungan ang mga mahihirap natin kapwa Pinoy. AND PINOY TAKE NOTE OF THIS! Etong mga tumatakbong pangulo ngayon alam nyo ba kung magkano ang ginagastos nila para sa pangangampanya??? humigit kumulang sampung milyong piso! Opo! Totoo yun! 10 MILLION PESOS! Isipin nyo nalang ang magiging sahud ng Presidente natin! 60,000 pesos a month! times natin sa 12 na buwan sa isang taon kikita siya ng 720,000 at sa loob ng anim na taong panunungkulan bilang Pangulo ng pinas ang Kikitain ng Presidente sa sahud nya ay 4.3 MILLION lang naman! San nya kukunin ang iba nyang ginasto sa pangungumpanya!!!? Sagot Presedentiables!!!!!

Ang hirap lang isipin na sila gastos ng gastos para lang maihalal sa Gobyerno pero once na makaupo sila wala na. Naglahong bigla ang mga perang ginamit nila na sana itinulong nalang nila sa mga ibang tao. Sa mga taong nanglilimos sa baclaran tuwing myerkules at quiapo tuwing linggo!

Nakakainis na minsan isipin na mahirap ang pilipinas na kung tutuusin hindi naman talaga. Ang mga nakaupo lang ang nagpapahirap sa mga Pilipino.

Hindi bat nakakaasar ang mga ganitong problema. Dahil kahit alam mo na may solusyon naman, hindi naman kayang solusyunan. Nakakapanghinayang, nakakapanghina, nakakapraning, nakakabaliw.

Sa totoo lang, wala akong tiwala sa sistema ng Pinas. Kahit pilitin ko na maniwala sa kanila, hindi ko magawa.

Pero ako? ano pa ba ang magagawa ko. Kundi ipahayag at ipakita na Pinoy ako. Hindi ko lang sinasabi na sa pagboto lang masasabing Pinoy ako. Napakaraming bagay. Hindi ko naman sasabihin na ako ang simula (base sa isang tv network ad ng isang istasyon). Baka sakali dito magsimula ang PAGBABAGO. Matagal pa yun. Sobrang matagal pa. Hindi ako nawawalan ng pagasa. Balang araw, magiging mayaman ulit ang Pilipinas. Hindi lang sa Pera, Kapangyarihan at Politika. Kundi sa Lahat ng bagay (mayaman na ang Pinas. Hindi lang yun nakikita ng iba).

Kaya sa MAYO DYIZ, Huwag na kayong mangopya ng mga kandidato. Alam ninyo ang kahalagahan ng BOTO ninyo. Huwag ninyong sasayangin ito. Para sa PILIPINas! Simulan ninyo ang pagbabago sa sarili ninyo! Huwag kayong maniwala na mayroong totoong President JUan Policarpio! kathang isip lamang yun! sana tularan siya ng mga tatakbong presidentiables... Sa nakikita ko 99.9% ng mga pulitiko ang maisasahalintulad kay manong Sol ng Tanging Yaman ng ABSCBN!

Friday, January 15, 2010

.....ShowTime Pang World Class......

Binago nila ang tanghali ng Pilipino
I am a call center agent who work at night and kahit puyat ako inaalarm ko ang cellphone ko pag 11:30 na ng umaga, Para lang makapanuod ng kakaibang palabas sa oras na ito. SHOWTIME na.... Ito ang dhow na nakakawala ang stress, nakakapag bigay saya sa bawat manunood. Sa opisina pinag uusapan ito. Mga deretsong komento ni vice ganda, mga info's ni kuya kim, mga tanong ni bong at syempre ang napakagandang mukha ng nag iisang Dyosa si Anne Curtis.
Ang nakakabad trip lang, Bakit Sinuspinde ang Showtime????? Si Miss Rossana Roces lang naman ang nag comment na medyo masakit ang dating sa mga Guro. Bakit pati ang show nadamay???? "Inpirniz" nman kay Osang sariling opinyon nya yon and di talaga maiwasan na masabi nya sa madlang pipol sarili nyang opinyon and walang kinalaman doon ang World Class show na showtime...It so happen lang na live ang show.... Dapat hindi sinuspinde ang show its unfair talaga.... Marami ang sumama ang loob sa pagkasuspindi ng show and i'm 1 of those filipino na may malaking tanong... Bakit pati ang show????????

Wednesday, September 16, 2009

.....is true love blind?.......


Guys, Im so stupid to do such things like this.... Sa totoo lang it is none of my bussiness anymore but for the sake of concern, I ask some of my friends regarding your probz. Sana makapulot kayo ng maayos ayos na sagot dito sa post kong ito. If you dont want your pics to be posted text me asap. para madelete ko at sa kapakanan ng mga nasa larawan. Ito ang nag iisang tanong ko sa kanila...

is true love blind? r u willing to overlook all the flaws & faults of the person u love? hanggang saan ang kaya nyong gawin para sa taong mahal nyo?

ito ang mga opinion ng mga kaibigan ko....


  • ikaw hanggang anu ba ang kaya pagdating sa love?u go over na nagmumukha ka ng tanga just for the love?that's not right,yan ang pagiging blind sa love.i cant explain more ganito na lang dapat u have to think first for good or worst in every action or movement u will make.cyempre natural lang naman na na mag overlook ka sa flaws and faults nya but do something to change that and let her know that things,ok!
  • blind?? nah i dont think so cguro un lovers mismo nagiging blind pero un love..it sees all things..kaya nga love appreciate all things din di ba....cguro kind'a disable lang ang love that sometimes hindi nggawa un mga dpat gwin..and love is hardly TRUE...u just have to work on it..try ur best to make it LOVE and not obsession or something worst than that teka ano bang sinasabi ko?? may sense ba????
  • hmmm.. sinabi na n issa.. di ako naniniwala na love is blind or true love is blind rather love can make the lovers blind, deaf and mute. but it can make your life more meaningful although some at the end di maiiwasan na masaktan ka, lalo na pag totoong nagmahal ka. twice n ko n nvlve sa opposite sex, dun ko nkilala ang srili ko kng pano tlga ako mgmahal.. i'll do everything to mke him happy and to work the relationship. kya dn cgro my frst rltnshp 2mgal ng 2 yrs.pero my best wasn't good enough.. hehehe
  • tulad nga ng cnabi sa movie ni julia roberts.. the mexican yata yun..IF TWO PERSON ARE SO DEEPLY INLOVE WITH EACHOTHER.. WHEN CAN U SAY ENOUGH IS ENOUGH?answer? -- NEVER!!yun ang po.. so para saken, lahat gagawin ko.. lahat ibibigay ko IN THE NAME OF LOVE.. hanggang sa makakaya ko lang hanggang san? habang may buhay
  • I don't know if you call it blinded by LOVE pero ayun sa akin experience (naks)... If we fall inlove kadalasan tanggap natin ang imperfections ng ating minamahal. Kung ano yung kulang ating pinupunuan, yung pagkakamali ating iniintindi, yung lahat lahat na nakakasakit na minsan ay ating pilit na inuunawa at pinagbibigyan.. dahil mahal mo yung tao.... If you call that LOVE is BLIND then I think it is....!!!
  • this only my point of view,kasi di pa naman me na inlove talaga, if ever happens to me na inlove, maybe i will overlook some flaws and faults but not to the extent that,i will loose my respect and love for myself, every relationship has a different situation to deal with, its how you handle the love you have to a person...
  • hmmm pra po sakin thats not true..kc kung tatalugin mo ha.ang pagibig daw ay bulag..well pra skin thats not true..dahil pra skin sa pagibig marami kng makikita..hal inibig mo cia dhl sa pogi cia o maganda..o kya ay mayaman..inibig mo dhl kht my mga kapintasan cia..but then inibig mo cia kc un ung nakita mo sa knya db???n madami ka pang makikita..na dun mo masusubok kung hanggng san ang kya ibigy ng tunay na pagibig :-D :-D "opinion ko lng po ha"...
  • LOVE... nagawa kuna lahat eh naging martir, tanga, bobo, gago, tega salo, panakip butas lahat-lahat pero ang mahalin ako ng uncodionally hindi pa kailan ko kaya matagpoan ang true love ko .... sabi nga ni mhean "kung gusto pwede, kung ayaw maraming dahilan". tama ba Mhean???? Mhean, Next posting ka sa blog ko after elaine's birthday... lets see...