Wednesday, September 16, 2009

.....is true love blind?.......


Guys, Im so stupid to do such things like this.... Sa totoo lang it is none of my bussiness anymore but for the sake of concern, I ask some of my friends regarding your probz. Sana makapulot kayo ng maayos ayos na sagot dito sa post kong ito. If you dont want your pics to be posted text me asap. para madelete ko at sa kapakanan ng mga nasa larawan. Ito ang nag iisang tanong ko sa kanila...

is true love blind? r u willing to overlook all the flaws & faults of the person u love? hanggang saan ang kaya nyong gawin para sa taong mahal nyo?

ito ang mga opinion ng mga kaibigan ko....


  • ikaw hanggang anu ba ang kaya pagdating sa love?u go over na nagmumukha ka ng tanga just for the love?that's not right,yan ang pagiging blind sa love.i cant explain more ganito na lang dapat u have to think first for good or worst in every action or movement u will make.cyempre natural lang naman na na mag overlook ka sa flaws and faults nya but do something to change that and let her know that things,ok!
  • blind?? nah i dont think so cguro un lovers mismo nagiging blind pero un love..it sees all things..kaya nga love appreciate all things din di ba....cguro kind'a disable lang ang love that sometimes hindi nggawa un mga dpat gwin..and love is hardly TRUE...u just have to work on it..try ur best to make it LOVE and not obsession or something worst than that teka ano bang sinasabi ko?? may sense ba????
  • hmmm.. sinabi na n issa.. di ako naniniwala na love is blind or true love is blind rather love can make the lovers blind, deaf and mute. but it can make your life more meaningful although some at the end di maiiwasan na masaktan ka, lalo na pag totoong nagmahal ka. twice n ko n nvlve sa opposite sex, dun ko nkilala ang srili ko kng pano tlga ako mgmahal.. i'll do everything to mke him happy and to work the relationship. kya dn cgro my frst rltnshp 2mgal ng 2 yrs.pero my best wasn't good enough.. hehehe
  • tulad nga ng cnabi sa movie ni julia roberts.. the mexican yata yun..IF TWO PERSON ARE SO DEEPLY INLOVE WITH EACHOTHER.. WHEN CAN U SAY ENOUGH IS ENOUGH?answer? -- NEVER!!yun ang po.. so para saken, lahat gagawin ko.. lahat ibibigay ko IN THE NAME OF LOVE.. hanggang sa makakaya ko lang hanggang san? habang may buhay
  • I don't know if you call it blinded by LOVE pero ayun sa akin experience (naks)... If we fall inlove kadalasan tanggap natin ang imperfections ng ating minamahal. Kung ano yung kulang ating pinupunuan, yung pagkakamali ating iniintindi, yung lahat lahat na nakakasakit na minsan ay ating pilit na inuunawa at pinagbibigyan.. dahil mahal mo yung tao.... If you call that LOVE is BLIND then I think it is....!!!
  • this only my point of view,kasi di pa naman me na inlove talaga, if ever happens to me na inlove, maybe i will overlook some flaws and faults but not to the extent that,i will loose my respect and love for myself, every relationship has a different situation to deal with, its how you handle the love you have to a person...
  • hmmm pra po sakin thats not true..kc kung tatalugin mo ha.ang pagibig daw ay bulag..well pra skin thats not true..dahil pra skin sa pagibig marami kng makikita..hal inibig mo cia dhl sa pogi cia o maganda..o kya ay mayaman..inibig mo dhl kht my mga kapintasan cia..but then inibig mo cia kc un ung nakita mo sa knya db???n madami ka pang makikita..na dun mo masusubok kung hanggng san ang kya ibigy ng tunay na pagibig :-D :-D "opinion ko lng po ha"...
  • LOVE... nagawa kuna lahat eh naging martir, tanga, bobo, gago, tega salo, panakip butas lahat-lahat pero ang mahalin ako ng uncodionally hindi pa kailan ko kaya matagpoan ang true love ko .... sabi nga ni mhean "kung gusto pwede, kung ayaw maraming dahilan". tama ba Mhean???? Mhean, Next posting ka sa blog ko after elaine's birthday... lets see...

Tuesday, September 15, 2009

......FaRmViLLe AdiK.....


Marami ngayun ang pwedeng pagka abalahan!
Maraming bagay ang pwedeng kaadikan ng isang tao.
Ilan lamang ito sa kinaaadikan ng mga kasamahan ko ngayon.

Adik magbasa ng blog....
Adik magbasa ng comment sa friendster....
Adik maglaro ng mafia wars...
Adik sa pet society...
Adik sa Farmpals...
Adik sa Fish world...
Adik sa Zyngapoker....
Adik sa facebook...

bat ganun nakakaadik?


ito naman! di nakakaadik! ngunit nakakabaliw! ang kinababaliwang farmville.....
Meron ba ditong nalululong sa farm ville ng facebook!?
hahaha! or adik na rin in a sense na kahit madaling araw gumigising para mag harvest ng tanim nya, ito ang mas astig sa office! mga ka officemate ko pinag uusapan presyo ng Cherry tree, Apple Tree, Plum tree, Peach Tree, lemon Tree at ibat iba pang puno na nabibili sa market ng farmville sa Facebook. Nakakaloka din tuwing break! nagmamadali sa pagpunta sa internet para maka harvest takot mabulukan!adiktus sa FARM TOWN. 31 Exp with 2.8M!!!. wheww... puyat at pagod sa kakapunta sa market for harvesting and plowing.....Ito pang hanep! kaibigan ko sa kabilang center na-addict sa Farmville. Na-suspend nga friendster account niya kasi ang shootout niya "Add me sa facebook!".Meron ding tila nagkakarerahan sa level.

Mhean: ako level 7
Grace: Ako naman level 9
Marcus: Ako nga level 9 na! may small pond pa!
Mark: ngek! sa akin level 14 na! talo kayo.
Papet: level 15 palang naman ako.
Janize: pwede na bang pag mayabang yang mga level nyo??? ako level 17!
Vince: Marurunong ba kayoung mag farmville? ako nga kakaumpisa ko palang level 23 na!

Marami na rin ang mga baguhang nahumaling sa larong ito.. Di ba che? elaine?
nakaka aliw nga nmn ang larung ito, at marami n talagang adik dito.
Sana di mapansin ng management at baka ipagbawal pa!

hahahahhahahah!

Adios ka farmville!

Sunday, August 30, 2009

Inarte sa likod ng pangarap

2004 for me is the worst year ever of my life. I don’t know why. Maybe its because all the worst event and regrets happens on this year. Pero lahat yata ng nangyari sa buhay ko puro panget. kasi ng umulan ng kapangetan, katangahan, kagaguhan at kaabnormalan last 2004, feeling ko lahat ng tao tulog ako lang ata ang gising kaya drum-drum talaga ang nakuha ko…`Puro nalang depressions. Ewan ko kung bakit ganito. Five years ago na! Whow!
Five years na nga pala
... pero ngayon ko lang to aaminin sa buhay, sa sarili ko na naging tanga nga ako that year
…Napa-amin ako sa di ko dapat aminin.? (tungkol sa ultim8 crush ko)
…Nasira ang buhay ko sa taong di ko dapat nakilala.
…Nawalan ng direksyon ang buhay ko.
…Dumami tigyawat ko.
…Wala pa kong trabaho after graduation that year,.


Haaaaay…buhay nga naman!! Minsan lahat against sayo.!!
Meron namang magagandang nangyari… pero ewan ko kung dapat ko bang i-consider yun…kasi puro naman KASINUNGALINGAN lahat. Masaktan na ang dapat masaktan!!! Pero yun talaga nararamdaman ko… Yung taong pinag-ukulan ko ng buong buhay ko… ni katiting, wala namang naidulot na maganda para sakin.. Nag iwan lang sa akin ng sama ng loob at pinakilala sa akin kung paano magalit sa salitang PAG-IBIG, LOVE, GUGMA, PALANGGA at kung anu pang terms sa pesteng feelings na yan, masakit talaga magmahal minsan, lalo na, kapag ikaw lang ang nagmamahal…. (katangahan di ba???)

ubo!!!ubo!!!ubo!!!!! Haaay,…gusto ko nang ibaon sa limot lahat..pero mahirap!! mahirap kalabanin ang nararamdaman, Pero kakayanin!!! for 5 years, naging gago ako… kahit iniwan na ako umasa ako sa loob ng limang taon na maayos din ang lahat. Pero wala! walang nangyari sa loob ng limang taon...Umasa at nag tangatangahan lang ako...ngayong papalapit na ang 2010, di na ako papayag na mag aanim na taon ang kaabnormalan ko...Nasimulan ko nang ayusin buhay ko…madami pang naghihintay para sakin…sana meron nga…. Di ko dapat hayaang masira buhay ko dahil lang sa isang tao!!

Mga DAPAT kong gawin:
☻–Bawasan ang kalibugan sa buhay!!! (keylan kaya ako mag iistart?)
☻–Seryosohin ko na ang trabaho ko!!! (sana mapansin na nila)
☻–Mag pa-nose lift treatment!!hehe… ( ambisyoso masyado)

Humanda kayo sa king pagbabalik!!! ibabangon ko ang aking paghihiganti!!!! Nyahaha…joke lang!! Im happy with Tele Access right now... Ang saya ng buhay ko.... maraming kaibigan ang nakilala ko... maraming magandang pangyayari dumarating sa buhay ko...

Sunday, August 9, 2009

Top 5 Questions to Ask Yourself Before Voting for Manny Pacquiao For Congressman


5: What the hell is his problem?

4: Can I just leave the ballot blank?

3: Congress today, would it be Senate in 2016?

2: Am I this stupid?

1: What if he wins?

......wOrSt AnD bEsT tHiNg To StAy In A cALL cEnTeR.......

  • 1. dahil halos di na kayo nagkikita ng insan mo kasama mo sa apartment, ang tawag nya sayo ay "boarder" at sinisingil ka na sa upa mo.

    2. pag sasagot ka ng telepono, lagi na lang may opening spiel…example:*toot* …. Customer Service! my name is Anthony, How may I help you???

    3. eksperto ka na sa power taguan! kailangan mag tago pag natutulog dahil bawal! sa Kotse ni Tyrone... Pwede!

    4. di mo na alam bumiyahe pag may araw, nalilito ka bakit andaming tao,at bakit di na dumadaan ang dyip dun sa mga kalsada na 1 way.

    5. marami ka nang naiipong supot ng Mini stop. dahil gabi gabi dun ka bumibili ng food mo...

    6. sanay kang maglakad-lakad ng nakamedyas na butas.

    7. ang tawag mo sa mga friends mo…bhe....

    8. di na dugo ang dumadaloy sayo… kape! yung brewed...yung di na nagagalaw ng mga agent dahil nakakasawa na......

    9.kabalahuraan na ang masarap pag usapan!

    10. tadaaaaa! nagsasalita ka sa pagtulog mo, pati work order at mga request ng client mo napapanaginipan mo.

    11. pumuputi ka na dahil di ka na naaarawan.

    12. sanay ka nang matulog kahit maingay sa loob at labas ng bahay nyo.

    13. kinalimutan ka na ng mga kaibigan mo dahil existing ka lang pag tulog na sila.

    14. sanay ka na sa mga prank callers at mga death treats na nakasulat lang… *sa dami ba naman ng ma-encounter mong ganito gabi-gabi sa trabaho eh**

    15. di ka na sanay sa traffic. papasok at pauwi sa trabaho walangtraffic.

    16. di na tama ang oras ng pagkain mo. breeakfast mo ay hapunan na. lunch mo sa madaling araw. dinner mo pag uwi mo sa umaga.

    17. lahat ng kasabay mo sa jeep pag papasok ka, pagod na. ikaw lang ang bagong ligo at bagong gel.

    18. maski sa bahay, mabilis kang kumain.

    19. hindi ka na kilala ng aso nyo

    20. ayaw mo na mag-jeep. kailangan taxi or kaya aircon na bus.

    21. wala ka nang alam na balita. di ka na updated sa mga himala ni santino.

    22. ina away ka na ng mga ka batch mo sa skul kasi kaaway na nila ang mga mayayabang na call center agents.

    23. isa ka na sa kanilang kinaiinisan.

    24. nasusuka ka na pag nakita mo ang mga noodles cup sa tindahan..

    25. sasabihin mong call center agent ka na, pero trainee ka pa lang d ka pa sure kung papasa ka..

    26. pag payday… waldas ka ng waldas!!!

    27. pag day off mo na lang ikaw nakakapaanood ng wowowee!

    28. hindi mo na kilala ang mga bagong artista.

    29. hindi mo na alam itsura ng mall…

    30. di ka na maebs sa bahay, sanay ka na sa cr ng opisina nyo or ibang floor.

    31. madalas kulang gamit mo sa bahay dahil nasa office na lahat...

    32. kailangan updated blog mo!

    33. alam mo kung anu ang dnc, cb, ni, CL at NLD

    34. sanay ka nang pumasok ng bagong gising… kakabangon lang galing kotse ni Tyron.

    35. saulado mo na ang mga diskarte sa excell sa mga short cut.

    36. sanay ka ng kumain na wala sa oras kahit nsa bahay.

    37. papasok ka sa ofc na nka-jeans, tshirt and cap astig! walang pakialaman! lalo na pag weekends..

    38. mas malaki sweldo mo sa mga ka-batch mo, nagkakanda-kuba na sila sa trabaho nila

    39. puro ka-age mo mga ka-opisina mo, walang old maids and DOMs!!

    40. madalas ka ng mag pabili ng chippy at chicharon sa ka office mate mo na mag bebreak…

    41. aware ka sa ibat ibang balita sa U.S.

    42. pag nakakarinig ka ng ring ng pabx na papraning ka! hehe

    43. alam mo na lahat ng problema sa long distance service

    44. dito sa opisina mo nararanasan na napakabagal ng oras!

    45. lahat na ng rason para umabsent nagawa mo na

    46. sanay ka na makarinig ng napakalakas na pag singa ng sipon.

    47. marami ka ng naipon na noodles cup at nakakautang ka na sa ministop dahil kulang minsan dala mong barya. kaya dadaanan mo nalang pag uwi mo.

    48. marami kang kaha ng marlboro as in marami na…

    49. pag nagkukwento ka sa mga barkada nose bleed lahat. di nila maintindihan ang ibig sabihin ng mga pinagsasabi mo..

    50. hindi ka na sanay matulog sa gabi

    51. gusto mo ng matulog ng may araw

    52. sawa ka na sa ring ng phone kahit cp mo tinatamad ka ng sagutin..

    53. during office hours, hindi ka lalabas ng building ng walang dalang relo. baka ma-late.

    54. akala mo may sarili kang locker sa bahay nyo.

    55. marunong ka na makipagsagutan at makipagbarahan ng english

    56. sanay ka ng magyosi o manghiram ng susi ng kotse para may matulogan ka

    57. dito ka na makakakita ng gf, bf, or asawa. wala ka ng time maghanap sa labas.

    58. pag may problema ka sa pc mo, una mong ginagawa ay hanapin si mark o che.

    59. nanghihingi ka pa ng baon sa nanay mo kahit mas malaki sweldo mo sa kanya..

    60. nang napaptimpla ka na rin ng kape sa bahay kahit dati di ka nag kakape

    61. kala mo libre ang kape sa coffee shop…

    62. wala ka ng ka text pg ikaw ang mag tetxt.

    63. hindi mo na alam kung anu trabaho ng mga pinsan mo…

    64. nakaipon ka na ng filter ng sigarilyo sa bahay

    65. nagulat ka ng masabi mo ang opening spiel mo habang nagbabayad sa jeep

    66. naka pikit ka pa kahit nasa jeep

    67. kaya mong tiisin na hindi palitan ang damit mo ng 16 hours sa ngalan ng overtime...

    68. pagtinanong ng mga ka tropa mo kung ano ang trabaho sa call center... sabihin mo wala lang tambay tambay lang, englisan (hahahaha!) kasi pag sinabi mo lahat di sila maka relate, hindi nila alam yun.

    69. mas sanay ka na mag Ctrl+C & Ctrl+V at nahihiya ka na ngayon mo lang nalaman yun.

    70. madalas mong harangin ang mga calls

    71. Nasanay ka nang may katabing TL na hindi umuuwi. pagpasok mo nandun na. pag-uwi mo nandun pa rin.

    72. kahit may malaki kayong speaker sa bahay gusto mo pa din naka-earphones!

    73. gusto mo nang lumipat sa makati bahay nyo.

    74. nung pinasok ng akyat bahay ang bahay nyo, nagsisigaw ka ng IRATE CLIENT!!! IRATE CLIENT!!!

    75. minumura mo pag nakatalikod kahit sinong amerikano na makita mo. *yan ung kausap ko kanina!!!**

    76. pag tinatamad kang mag pabulyaw, matapang ka na at alam mo na ang gagawin: thank you so much for the compliment!

    77. puro kalyo na ang wrist at daliri mo

    78. sanay ka nang makipag-usap sa telepono sa bahay kahit malakas ang TV. sa office parang limang TV ang nakatapat sayo habang may kausap.

    79. pumasok ka na ng puyat,

    80. may picture ka ng nakasuot ng headset

    81. sanay ka nang matulog ng dilat ang mata. hindi pwede pahuli.

    82. lahat ng style ng pagtulog maiisip mo.

    83. lahat ng kaibigan mo may christmas vacation ikaw wala. holy week sa trabaho ka pa rin..

    84. mas gusto mo na mag CR para makaiwas sa mga iritabling client

    85. yung ex mo may kasama ng iba

    86. lahat ng holiday pumapasok ka kasi double pay malaki ang bayad.

    87. d2 ka na sa opisina nakakabili lahat ng gamit mo: kwintas, sabon, shampoo, tocino, longganisa, hikaw, magazine, aso, libro, tshirt, prepaid card, eload, dvd, vcd, yema, corn bits…

    88. d2 ka na nasanay kumain ng pagkain na luto sa microwave

    89. palaging matabang ang kape sa office

    90. imposibleng hindi ka pa nakatanggap ng memo

    91. gusto mo na din bumili ng water dispenser kasi pitsel lang ang nasa bahay nyo.

    92. nakakausap ka na ng pilipino sa ibang bansa

    93. dami mo na naiipon na stirrer (red) galing

    94. nasanay ka nang mgpadeliver ng pagkain.

    95. nakikilala na ng mga kasama mo ugali mo.

    96. dito ka lang makakakita ng pinagsama-samang tinda na: medyas, vitamins, christmas lights, cologne. yosi, siomai at lahat ng klase ng pagkain, relos, kalendaryo, stuff toys, make up, kikay kit, deodorant, kwintas, sasakyan, camera, video, audio, foot spa , milk spa, bags wallet, sinturon, mamon, hamon…

    97. d2 ka na expose sa tapa king, zuppa, yellow cab, jugnos, bermuda hotel’s pancit canton, wendy’s. north park, starbucks

    98. di mo maenjoy christmas party kasi kaylangan mo bumalik sa office dahil may pasok ka pa ng night shift.

    99. ice tea ka lang, mga kasama mo.. beer!!!

    100. may bago kang damit kada sweldo dahil takot ka makarinig nanaman na paulit-ulit ang suot mo.

Wednesday, June 24, 2009

Pangalan ko

Wala akong maisip na isusulat sa blog ko! Dahil nag iisip pa talaga ako ng ipopost ko sa blog site ko… Aha!! Ito na lang ang mga pangalan ko nalang pag usapan natin, at dahil sa pinag isipan kong mabuti ito… this post is for me talaga hahahaha!!! dedicated sa sarili ko…Dahil mga katawagan sa akin ang isusulat ko…

“Papet” -

tawag sakin ng mga ka office mate ko sa call center…
actually bigay yan ng nanay at tatay ko na nickname at nakasanayan na ng lahat na tawagin ako sa aking palayaw, barkada, kalaro, hayskul, college at sa lahat ng mga pinag trabahuhan ko. Ewan ko ba, siguro dahil mukha akong puppet!

“Sir” -

tawag sakin ng aking best friend… AT ng mga boardmates ko dati sa iloilo…

“Anthony” -

tawag sakin ng mga one time meeting friend ko!!! ang pinaka common sa lahat ng name ko….

“Sir Santillana”

ayt!!! eto tawag sakin ng mga estudyante ko nung college…sa mga tinituruan ko sa skul,.. at sa pag blo blog!!!!

“Delfin” -

Yan ang ang name ko na naninindig ang balahibo ko pag tinatawag ako ng pinsan ko si toots..

“Ado”-
Aray!… jejeje tawag sakin ni mam janice…

“Untoy” -

SI lola ko ang tumatawag sakin nyan lalo na pag galit… lola wag mo na akong tawagin ha u'r dead na!


“Mauk”-
tawag sakin ng mga pinsan ko…. Mauk another term for mauy!

“DElfin anthony” -

tawag kadalasan ng mga bago kong kakilala at mga nging boss ko sa university at sa mga opisina trabaho na pina sukan ko…

“Tito dudz” – ayan lang naman ang taguri sakin ng mga pamangkin ko…

” Toto” – ayan ang tawag sa akin ng paborito kong tiyahin si nene patring... taga advise sa akin kakampi ko.


“Piolo”- ayan ang pangalan na tawag sakin ng batang kapitbahay namin sa san juan si mickey...

“Mr. pasaway”- tawag sakin ng mga kakilala kong education student hanngang ngayun… dahil sa ako kadalasan ang simuno ng rayut sa iskul… kadalasan nakikita nila akong nag yuyusi sa skul kahit bawal… nagkikipag away sa mga working student…nag susulat ng kung anu anu sa cr… nag wo walk out sa klase on the spot… weeee hindi pa ko normal noon… undirected life kumbaga…

at ipapasa ko ang mga tag na ito kina… tantantanrararantan…!!! charan!!! parang tanga lang ako pero ok lang lang hehehe!!! lahat sila nasa list ko para gumawa na rin sila ng sariling blog…


"The Tele Access CSR"

......aLaMaT nG dAy OfF......

day off!! natapos nanaman ang isang linggo… nung isang araw… halili and kho day… ayun kanya kanya ng pasahan ng kontrobersyal na video… mga kalibugan sa cp… hahahaha!! lahat busy… sa blu tut!!! at nun isang araw sa Aling deonisia naman kami naabala… Kasi laging pinag uusapan! at ngayun Tuesday? re touch ng life day!!! para fresh… eto lang naman yung ginawa namin pag malapit na ang uwian after daldalan ng walang kapaguran… hay parang hindi puyat noh??? kailangan energo energo yan ang gustung gustu kow!!! hahaha!!!
day off!!!

day off!!!
day off!!!
day off!!!
day off!!!
day off!!!
saya saya!!!
;lahat fresh!!!
pagkatapos ng shift hindi ka na pagod kasi night off na mamyang gabi!!!Basta ako matutulog lang ako ng matutulog!

Wednesday, June 17, 2009

100 ways to change this napkin culture

Mga kapatid… tulungan nyo ang hari na baguhin ang kulturang pilipino. Isang bagay lang, ‘to lang talaga. Eye pramis. Da rest, Wala akong pakialam. Di ko talaga to masikmura. Wla na akong pakialam sa kung ano pa man. Mag-baboyan man kayo, tumakbo man kayong nakahubad sa SM mall of asia, Wala talaga akong pekealma. To lang talaga…TO LANGGGG!!!Hu Hu Hu… Wa…. Wa…. HUWAAAAAAAA!!!!Kelangan pa bang ime-morize to? LOOK!


Paki-explain nyo nga nito?! Lord naman! Bakit mga pinoy pa! Bakit sa dinami dami nang internet cafe, sandamakal na kasosyalan dito sa Manila, pa-inglis inglis pa, yet etoooo! ETOOOOO!!! ETOOOOOOOOOOOOOOOO! ANG KINA-IINISAN koooo! Siguro naman di ko na dapat i-explain yang picture na yan no?!
Sa sobrang sarap nang kinakain mo, den, ilalabas ang table napkin. EKKKKKKKKKKKK!!!!! Kelangan siguro sa mga pinoy, powerpoint presenteyshun on how to use dat wan… to something down below behind your ass…
I think we need to do something… Mag-organize ka Mhean, momnibochok, bromsmo, Che, asan ka, mag tayo kayo nang NGO, on how to teach pinoy sa tamang gamit nang twalet peyper.
Plis lang… eto suggestion ko:100 Ways to change diz NAPKIN culture1 ipag-seminar ninyo mga kapwa aboridyinis natin…
2 O kaya, gawing isang semester na subject to sa lahat nang unibersidad nang pinas…
3 O kaya, isama sa sermon nang mga pari at obispo tuwing sunday…
4 O kaya, ibandilyo sa lahat nang kanto nang pinas…
5 Manawagan na rin kayo sa wawawiiii…..
6 I-advertise - frontpage sa manila bulletin…
7 Ilagay sa prendster - andun lahat nang pinoy eh…
8 Isaksak mo na rin sa lahat nang porn site… mas madaming pinoy dun…
9 Maglagay nang karatula sa POEA…
10 Gawing WELCOME SIGN sa Manila International Airport
11 Tatanggalin din lang lahat nang billboards sa Menila, palitan na lang nito!
12 Gawing cover page sa lahat nang notebuk nang mga estudyante
13 Ilagay sa gilid nang diploma nang mga gu-gradweyt
14 Ilagay sa PRC certificate. Unahin natin sa mga nurses!
15 Magtayo nang booth sa SM city on how to properly use twalet peyper
16 Dun na rin sa Robinsons at gaisano
17 Sya, sya magtayo rin nang isa sa Public market!
18 O kaya, lahat nang mga driver sa dyip pangaralan lahat nang sasakay.
19 Bigyan nang test ang mga sasakay sa trysikel at dyip. Yong di makasagot, di isasakay.
20 Kausapin lahat nang accounting firm. Gawing pers page to nang financial report.
21. ilagay sa lahat ng mga dyalibi products ang reminder kung paano at saan ginagamit ang tissue na ‘yan. maraming kumakain na bata sa dyalibi. para bata pa lang sila, alam na nila paano at saan ‘yan gagamitin.
22. gawing reminders mula sa mga cellular networks, imbes na kung anu-anong promo ang ipinadadala nila sa mga celfons, yan na lang ang ipadala nila: a reminder on how and where to use that thing.
23. ilagay sa crimes punishable with lethal injection ang hindi tamang paggamit nito hahahaha
24. isama sa state of the nation address ng bawat pangulo ang paraan kung paano at saan ito gagamitin
25. kunin din ang coopereyshun ng mga extremists at leftists, ang hindi marunong gumamit ng tissue na yan ay chuchugihin nila hehehehe
26. kung sino ang mahuling ginagamit ito sa hapag-kainan, pagbawasin sa plato at paihiin sa baso para malaman nila kung gaano kadiri diri ang paglagay nito sa hapag kainan
27. Magpamudmod ng plyers na kasama ang larawan ng toilet paper at maglagay ng *caution: for poet-s only*–imimoris na lang kaya!
28. Dapat sa production pa lang may nakatatak na “For toilet use only!” Mas konti gastos ng ganon. Anyway, product nila yun, e di sila ang gumastos.
29. request si mike velarde na mag organize ng malaking prayer rally tungkol dito.
30. Gawin syang REFRAIN nang bayang magiliw para alam kagad nang mga bata.
31. Kumuha ng corporate account sa Vista Media at Clear Channel para sila ang gagawa ng mga billboards na ilalagay sa bawat poste ng kanto sa ka-Maynilaan., Ipapalit sa advertisment ng mga lipat bahay chenes chenes..eto ang nakasulat…muka bang pwet ang bibig mo?pwes ilagay mo ang toylet peper sa dapat nyang paglagyan,orelse isusumbong namin kayo kay Tulfo.
32. Pakiusapan si Willy sa wawawi na i-plug ang anomalyang ito tutal lahat naman ng pinoy nanunuod ng wawawi twing tanghalian eh!
33. Ang mahuling gumagamit nito sa hapag kainan ay mapaparusahan….katulad na lang ng “Stoning To Death” — Mga gagah alam ko na naiisip nyo hindi Stoning as in read: Paka banggag.,stoning as in batuhin!– batuhin ng sandamakmak na toyley peyper he he
34. Ang mahuhuling sangkot sa anomalyang ito ay tatalian sa kamay at paa tapos walang tigil na kikilitiin..at kikilitiin..at kikilitiin….
35 hanggang 100 bahala na kayong mag dagdag!!!!!

Monday, June 15, 2009

.....LiFe Or SoMeThiNg LiKe ThAt......

ang tao nga naman,
hindi marunong makuntento sa kung ano man ang meron sya…
ewan ko kung ako lang ba ang ganito pero nakakatawang isipin.
dito na ako sa pang pitong call Center na trabaho ko. ika nga kina-career ko na..ok naman dito so far.. masaya ang mga kasama, madali na mahirap ang trabaho… sa sobrang dali minsan, halos nakakabagot na! sa sobra namang hirap nakakangawit na..yun na nga eh! Mas more ang madali lang ang trabaho… pero bakit meron parin akong nairereklamo? wala nang ibang gagawin kung di sumagot ng mga tawag sa telepono, maghanap ng nararapat na sagot o rebutalls sa mga engot na customer na nagmamarunong…
UN LANG!!!
ganon kasimple…
HA! HA! HA!
NOT!!!
ang mahirap nito, ang hirap mka timing ng kausap na normal na kliyente. kahit bulyawan sana ako, walang problema ma aapreciate ko pa..papano ba naman, ang mga h*n*y*p*k na kliyante na yan, ang tipid mag sagot sa telepono…
siguro akala nila mahuhulaan mo ang problema nila kung babagsakan ka lang ng telepono, marami namang pwedeng isagot sa aming mga telemarketer "I’m not interested" "take me off of your list" "I’m happy with what i have" "dont call me again"
POTA!!! basta-basta nalang nag hahung -up…
ni ha ni ho,,, wala!!!!
ano kami, manghuhula?
at ito pa ang isang problema ko…
akala ko noon, ang hirap mag in bound…
pag humirit na ang mga AB-normal mong kliyente ng "I have a bad experience with your company before" "i cannot contact your toll free number" "I cant call using your service", GOODLUCK!!!
alam kong may problema… KAYA NGA ako tumataTAWAG EH DIBA?!?!?!
ang kaibahan nun, sa totoong ugali mo di ka pwedeng rumesbak sa mga abnormal mong kliyente…minsan nga kung ma bulyawan ka ng "GO TO HELL" parang ang sarap sagutin ng "You know what sir?, your so sweet….i wish i could tell you that also…."
HANEP!!!
kaso di tlaga pwede..
pota di talaga pwedeng rumesbak!!!!
akala mo lang meron…
PERO WALA!!!
WALA!!!
WALA!!!
wala kang ibang masabi kungdi ang mala anghel mong boses na "im sorry" "i do apologize for the inconvinience"
HAAAAAY!
nakakatawang isipin. ang dali na nang ginagawa namin bilang inbound agent pero nagawa paring magreklamo…
HAHAHA!!!
hindi naman talaga ako nagrereklamo. sino ba naman ako para magreklamo sa buhay na to?
walang lang siguro akong magawa…
alam mo na…
Nakakantok eh sarap gumawa ng entry sa blog!!!

Monday, June 8, 2009

....AnG pAgBaBaLiK.....

Haaaaaayyyyyy….

Finally, I got a chance to write on my blog again. After long long years of resting.. Matagal ko ng gustong sumulat pero dahil sa dami ng ginagawa pilit kong kinakalimutan ang mga bagay na nadarama ko. Ngayong mga panahon na to, magulo ang mundo ko as in medyo disaster. Masayang masaya ako pero malungkot na malungkot din. Masaya ako kasi maraming magagandang bagay ang nangyayari sa kin. Careerwise ok naman, challenging work, challenging responsibilities, being able to take calls again, talking to irate clients and a very challenging job dito sa TELE Access (naksss...I'm sorounded of briliant and beautifull people of this company). Kaya ok naman ako, and siyempre, nice co-workers din. In terms of lovelife/social life naman, hmmmm… nuh, we’re doing worst na siguro. Hindi na Madalas ang aming pag uusap at pagsasama. Kahit umalis or let say lumayas siya (ok I’m spilling the beans) masaya ako kasi sulit naman yung times namin together at kahit papanu naging mag ok naman kami. And I feel na she’s having fun din naman ngayong I’m around sa buhay nya. So far so great! Kaya lang… what’s making me sad is that, kung kelan naman things like these are happening, saka naman siya nag mumulto ulit, sori nagpaparamdam ulit. text text kuwari, kuwari wroNg seNt, Anak ng teteng! luma na yan eh! Bilang na lang ang mga nararamdaman ko sa kanya… actually, sa ngayon, isang bagay na lang talaga yun. at saka ayoko na rin… Nalulungkot talaga ko… And dati ang tagal kong iiyaka to. Pero I’m definitely happy na talaga. Alam ko naman na this is something good for my own career and everything (selfish na kung selfish). Pero yun, siyempre, malungkot ako kasi sobrang nasaktan talaga ako dati. O God, sinasabi ko pa lang yun, nafifeel ko ng nagbebreak yung heart ko (belaysing ga kinorni ako!!! wheeew!!!). Pero I have a feeling naman na makakabuti rin to sa amin. Sana mamiss niya ko as much as I’ll miss her. Sana makapag usap pa rin kami pa minsan minsan despite the difference in timezones. hindi ko sure kung gano ka-constant ang communication namin. And sabi ko nga, sana bigla niyang marealize na kaibigan pala niya ako. that’s life. Malay mo nga, this is God’s will! And the good times will never end… till we meet again..

And I know that it won’t be long… until we meet again…

So ayun… Until we meet again… I know we’ll have more fun times together! And baka pagbalik mo, we have taken our kanya kanyang relationship to the next level… wish… (libre naman mangarap)*wink*