Sunday, May 23, 2010

.....ToP iSsUe Sa PiNaS....



Willie Revillame
Naintindihan ko si Willlie sa pagtatanggol nya sa mga guest ng Wowowee, Hindi naman tama talaga ang ginagawa ni Mr. Sucaldito na tirahin nito ang kapamilya nya. Pero may malaking pagkakamali talagang nasabi si Willie na nagpapatunay lang na mayabang talaga sya. Hindi nya dapat hinamun ang ABS management sa ere! Isang pagmamayabang talaga ang ginawa nya at sobra sobra na itong power tripping! dapat na talagang mawala siya sa Wowowee! Loyalista ako ng ABS, dati lagi akong nanunuod ng Wowowee pero nang marami ng lumalabas na kayabangan si Willie nawalan na ako ng gana manuod at mas gusto ko pang mag internet kaysa manuod sa show nya. Sa totoo lang namamayagpag na ngayon ang rating ng wowowee simula ng si robin ang nag host. Base from the ratings of TNS and AGB Nielsen. Sana wag na nga siyang bumalik sa dos gumawa na lang siya ng sarili nyang istasyon!



Marian Rivera
Isa daw siyang psychology??? anu daw??? tama ba yun??? Di ba dapat Psychologist??? Bat ganun sinabi nya? Natural lang naman na nagkakamali ang tao pero artista siya di ba? dapat ayusin nya ang mga ginagamit nyang terms. Pag nurse ka at tinanong ka kung anu trabaho mo sasabihin mo bang Nursing ako? ganun din ba pag engineer ka? engineering ako? Mali kasi yung pagkakasabi nya.Okay lang sana kung sinabi niya na "Isa po akong Psychology GRADUATE." or "Psychology po ang tinapos ko." Kaya lang mali talaga yung usage niya ng words. Kahit sino matatawa pag narinig yung ganung pagkakasabi niya.



Jejomar Binay
Ang statement ni Binay na "pag ako natalo ay siguradong dinaya ako". Parang atat na atat na yata siyang maupo bilang bise at masyado siyang depensive. Let the all votes be counted first. Di ba? Di ka pa sigurado kung mananalo ka tapos yan na ang sinasabi nya. Ang mga statement ni Mayor Binay ay di bagay para sa isang lider ng bansa. Dapat walang nang patutsadahan kung gusto nya talaga ng pagbabago. Ang panget kasi talagang pakinggan ang sinabi nya na pag natalo ako tiyak dinaya ako! its not the exact word but its the point of his sentence.



Magkaribal
Ito na ang teleserye ng ABSCBN na pinaka aabangan ngayon. Pagsasama samahin ang mga dekalidad na artista ng ABSCBN at tinitiyak na dos na malulugmok nanaman ang katapat na serye ng Magkaribal. Ibang iba ang kwento at tiyak na mapapanuod din ito sa ibang bansa tulad ng achievements ng PAngako Sayo nina eulah at jean. Kakaiba ang teaser! tiyak pagsisihan ni Claudine ang pag tanggi sa seryeng ito.



Heres come the bride
Grabe nakakabaliw tong pelikulang to! you should watch this! Sa dami ng problema ng ating bansa at sa sobra ng init ng panahon, kaylangan talaga natin ang mga pelikulang tulad nito! pang patranggal ng stress at problema! para kahit dalawang oras lang na panuod nito atlist nakalimutan mo ang problema mo! try it guys!