Wednesday, May 19, 2010

......ShOwBiZ iNdUsTrY......

Robin and Willie
(simula ng kaastigan at katapusan ng kayabangan)

Dahil sa power tripping ni Willie, Nabigyan ng pagkakataon na makapag host ng Wowowee si Binoy. Matatandaan na hinamon ni Revillame ang ABSCBN management na palayasin si Joebert Sucaldito sa istasyon dahil sa tinutuligsa nito ang show ni Willie. At sinabi nya na kapag hindi pinalayas ng dos si Sucaldito ay siya ang mag reresign. After the controversial statement of Willie di na siya muling bumalik sa wowowee kaya pansamantalang si Robin Padilla ang naging host nito at biglang namayagpag sa ere ang rating ng wowowee! Parang mas gusto ng madlang pipol si Robin na makasama sa tanghalian kaysa kay Willie.
Showbiz joins 2010 Election
(showbiz and politics are one)
Mga artistang wagi sa eleksyon sa Senatorial namayagpag sina Bong Revilla, Tito Sotto at Lito Lapid. Sa Governatorial naman ang nag iisang star of all season Vilma Santos. Sa Congressional race naman di patatalo sina Manny Paquiao, Lucy Torres, Dan Fernandez at Lani Mercado. Syempre si Isko Moreno sa Vice Mayor, Akalain mong maging Board Member tong si Teri Aunor, Gary Estrada at Boyet Deleon. Namayagpag naman sa councilors sina Yul Servo, Alfred Vargas, Roderick Paulate, Alma Moreno, Roselle Nava at Marjorie Baretto. Pag walang Career sa TV pumasok sa politika!
Claudine Baretto VS. Frenchie Dy
(MMK defeats again the self titled show of Claudine)
Ang self titled show ng optimum star na si Claudine last May 15 ay pinag isipan at pinaghandaan ng GMA7 dahil ilang beses na rin itong sumemplang sa katapat na long running drama anthology ng ABSCBN ang Maalaala mo Kaya. Pinagsama-sama na ng GMA7 ang mga talents nila para mag guest sa show ni Claudine ika nga todo na to! Sa MMK naman inulit ang isang episode na pinagbidahan ni Frenchie Dy at Janus Del Prado isang recycle episode! Totoong kwento ng contestants sa wowowee! at resulta ng ratings sa AGB Nielsen Claudine (GMA-7) 15.4% Vs. Maalaala Mo Kaya (ABS-CBN) 20.8%! Panibagong sampal sa Optimum star! At tuloy tuloy lang ang pag lugmok ng kanyang show.
ABSCBN2 at GMA7
(May pataas ng pataas at May pababa ng pababa)
Sa ratings bagsak na ang GMA7 pati ba naman sa stock exchange? Saan na lang sila nangunguna? Akala ko ba sila ang number one? bat parang masyadong malinaw tong nakikita ko sa picture at kahit grade one na bata ay maiintindihan to. Sige nga GMA7 sabihin nyo ngang number one kayo? na itong picture na ito ang backround....
ASAP ng ABSCBN and Party Pilipinas ng GMA
(Lugmok to the maxx sa ratings ang PArty ng pinas)
Dahil nagiging habit na ang pagkatalo ng Party Pilipinas sa TV ratings laban sa kompetensiya nito on ABS-CBN ang ASAP XV, hindi na nila pinag iisipan ang kanilang gagawin sa show. As what I have observed bahala na system ang pinapairal ng kapuso network! ok lang na panget ok lang na maganda wala naman kasing nanunuod! Expected na ng lahat na matatalo talaga ng ASAP ang Sunday musical variety show ng GMA-7. Anuman ang ginawa at gagawin ng Kapuso network, mukhang hindi talaga matitinag ang pagiging numero uno ng Kapamilya network show tuwing Linggo. Hay, pinag-expect kasi ng GMA-7 na matatalo nila ang kalaban.
Kris Aquino Vs. Cristy Fermin
(anung pinagdadaanan ni Cristy Fermin?)
Bakit sobra sobra ang galit ni cristy Fermin kay kris Aquino? Ano nga ba ang pinagdadaanan ng kilalang kolumnista? Sa TV5 sa show na Paparazi na interview si Willie Revillame at si Cristy Fermin mismo ang dumayo sa bahay nila para sa nasabing interview. At sa katapusan ng interview na pag usapan nila si Kris Aquino at halata sa mga binibitawang salita ni Fermin na talagang may galit siya kay Kris. At kung anu man yun? Wala na tayong pakialam doon since di naman interesting ang taong nakikipag away sa Queen of all Media!
Vice Ganda
(Ultimate star na! Biglang sikat)

Before the concert of Vice Ganda I received a call from a client which is very familiar ang pangalan niya sa akin. Ang nanay ni Vice Ganda tumawag at ako ang nakasagot pinapayos niya ang linya ng phone line nya dahil concert na ni Vice Ganda and I got the chance to talk to her Ate Emma. Akalain mo yon nakausap ko ang dalawang importanteng tao sa buhay ni Vice Ganda! At syempre after the concert laman ng dyaryo at pahayagan ang nasabing concert ni Vice dahil napuno niya ang Araneta! Ang galing ni Vice Ganda!
Eula, Jean, Jolens, Heart and Angel
(Palpak na pag lipat)
Ang mga artistang ito ay pinasikat ng dos sa ibat ibang karakter. Kinilala ang kanilang mga teleserye sa Pilipinas at kahit sa ibang bansa. Ngunit, Subalit, Datapwat nang mag desisyon silang lumipat ng GMA7 parang nag desisyon na rin silang ilugmok ang kanilang karera bilang artista. Jean at Eula halos di nawawalan ng proyekto sa GMA pero ni isang karakter sa teleserye ay di nakilala. Jolina, Heart at Angelica sabay sabay ding na lugmok ang karera! simula ng lumipat sa GMA7.
Halili - Kho - Belo
(Scandal Revival)
Muling nabubuhay ang eskandalong kinasasangkutan ni Dr. hayden Kho, Starlet Katrina Halili at Dra. Vicki Belo. Halos ilang taon na ang lumipas at halos nabura na rin siguro sa lahat ng cellphone ang ma eskandalong video ni Hayden at Katrina. Makikita sa Video kung paano binaboy este kinabayo ni Hayden si Katrina. Ang Video ay ebidensya ng pagtataksil ni Hayden sa Girlfriend na si Belo at Ang pagtataksil ng alaga ni Belo na si Katrina. Ngayon muling nabubuhay ito dahil patuloy na dinidinig ang kaso nila at ngayon balitang nagkabalikan na si Kho at Belo.