Monday, September 17, 2007

...PaRa Sa NaWaWaLaNg Ex Ko....





supeman! pinatay si captain barbel! hahhahahhahhah! Nanood kami kahapon ang favorite kong superhero (si Superman). Bata pa lang ako eh, idol ko nay un, ginagaya ko nga lagi yun noong bata pa ako, lalambitin ako sa sanga ng puno ng mangga sa may amin tapos feel na feel ko ang paglipad. habang pinapanood ko itong si superman na alala ko tuloy ang X-gf ko (pareho kasi kaming fan i\ni superman). Kasi noong kami, pinaggagastusan namin yang mga collectibles na magazine ni superman!.Kamusta ka na kaya? Ako? Hmn… paano ko ba sasabihin… kontento naman ako, minsan masaya, minsan malungkot, minsan hyper at madalas walang pera at gaya ng inaasahan wala pa din syota, oo.. hindi naman kasi ako katulad ng iba na isang iglap lang eh may kapuluputan na.

Hanggang ngayon eh, “just looking around” pa din ang status sa friendster ko. Nabubwiset na nga ako eh, di ko alam kung kelan magiging, “In a relationship” ang status na yan. Hay, ayoko naman ilagay yung “It’s complicated” at baka mapagkamalan na naman akong isa sa mga federasyon. Kaylan kaya ulit maging “In a relationship” ang friendster ko??? Pag nangyari yun, magpapakatay ako ng manok sa probinsiya at magcecebrate, tapos ililibre ko din sa andoks ang lahat ng tao sa opisina namin, pramis!

Wag mo sanang isipin na di pa ako nakaka-move on, tapos na yun sa akin, kita mo nga at nagagawa ko ng tumawa at muli ay mabaho na naman ako, nagagawa ko na ding kumanta sa CR habang naka-upo sa trono, dati kasi eh kahit sa pag-ebak eh na-iisip kita (ha ha ha, grabe talaga ang kakornihan ko pag inlab, pati ebak nadadamay).

Alam mo maswerte ka kasi nga isa ka sa tinatawag kong “Good ones”, kaya eto ako, si “Better One” naiwan. Alam ko din na malabong mabasa mo itong entry na ito he he he, ala lang, malay mo, may kakilala yung kakilala ng kakilala mo tapos sabihin sa iyo, eh at least magka-usap at magkita ulet tayo.

Pero wag kang mag-alala dahil ala na sa akin yung past, naisip lang naman kita at ako’y nangungumusta.....



Prens pa din naman tayo di ba?

...aNg BLoG nG TaOnG gRaSa.....

This is my new blog. Ito ang Blog ng isang taong grasa na walng kamuwang muwang sa larangan ng kompyoter at may malaking katangahan sa mundo ng pag-ibig.
Iniluwal sa earth sa taong 1981,
tama ka kaibigan,
26 na ako at hindi ako katulad ng iba na kelangan itago ang edad,
wala akong asawa, walang anak (qeustion mark),
walang gerlprend,
at madalas napapagkamalang bading,
hindi ako 'taken',
at palaging galit sa mundo!
Pwede kang mag-tag, at mag-iwan ng komento,
pag maganda ang comment,
approve ko sya pero kung hindi maganda comment mo,
alangan namang i-approve ko di ba?
Syempre reject ko yun,
fair kasi akong tao.
You may find this blog funny most of the times,
sad,
in and out of love,
naughty,
yucky or even brutal but that's just me.
Some say,
I'm too exposed....
but the thing is...
i'm not,
I still have some secrets buried within me...
and I don't intend to write it here...
I prefer to keep it.
Iba ako sa personal sa totoo lang..
mas pogi daw ako sabi ni inay...

...BaKiT kA LuMiPaT?....

Nag-resign na nga ako sa IV call center at ngayon nasa ibang dimesyon na ako ng world may bago na agad akong trabaho, looking back from IV ilang months na rin ako dito sa GMCIUSA. I really miss some of my friends doon, pramis! Syempre excluded dyan yung mga dirty little creatures (ipis). Mami-miss ko din ang mga iba ko pang opismate na nag-resign din haha, wakanangyan.. sabay sabay kami ah.

Kaya last saturday nag get together kami sa apartment ni miss laisa... ang saya sobrang saya ko doon...kasama namin si vangie, veron, mika, glen and some of the pipz.. i cant explain it, ewan kung bakit sobrang saya ko... maybe its because im with the persons na talagang malapit sa akin and they will never turn me down... Naykz! but anyway we talk a lot of thing mga funny memories namin sa IV and ang bonding ng group...

We told them some info's about GMCI, Medyo strict yung nilipatan namin. Entry level lang kami pero mas maganda ang package, offeran ka ba naman ng higher salary (koreng kag ido ga tambling), tapos stable ang company compare sa inalisan ko, American Company (main office sa passaic new jersey) at nagpapamudmod daw ng picture ni Tita Nora Aunor every Christmas hahahahaha!. Yez, tama kayo nawalan ako ng room kung saan sa IV may room ako na may cr dito naman nakahanap na rin ako ng bagong boarding hause, andaming banned na Webcites, ala ng porn! Mahigpit sya dahil ala din daw yahoo mail at gmail. Pero ok lang, malaki naman ang sahod ko eh, pera pera lang yan hahahaha! At oo nga pala, may umiikot na camera overlooking at nag papamudmud ng violation ticket heheheheh! sobrang higpit nga.. kaya kung mangati ang pwet mo.. kakahiya yun kasi kakamutin mo sa harapan ng camerang umiikot hahaha...