Saturday, April 24, 2010

....NeW LaBeLs.....

Upgraded na nga ang blog ko. Anu nga ba ang bago sa Blog ko? Meron na siyang labels sa bawat entry na pinapasok ko araw-araw. Atleast pwede ko ng ma sort ang mga entry ko na gusto kong balikan at basahin muli. Easy access na ika nga. At syempre dahil wala na akong masulat, Pag usapan nalang natin ang mga labels ng blog ko. at ito ang mga yon:

ApO nEnA rEpUbLiC
- Ito yong mga entry ko na may kinalaman sa mga pinsan at pamangkin ko. Mga get together namin. Mga events kung saan magkakasama kami or mga pictures namin. Mga kwento ng pinsan ko at iba pa na may kinalaman sa mga kamag anak ko. Apo Nena Republic dahil apo kaming lahat ng lola namin na kasing kulit ko. Sumalangit nawa. Miss ko na kayo Nay Nena, Oooops! Pero ayaw kong dumalaw ka. Bad yan!

CaLL cEnTeR tHiNg
- Ito naman mga kwentong Call Center, Mga pangyayari sa trabaho. Mga kalokohan, kaharutan at kung anu-ano pang Events sa opisina na naging entry ko sa blog ko. Dito ko kinukwento ang mga katangahan ko sa Trabaho o di kayay katarantaduhan. Mga gusto kong sabuihin sa kliyente ko na hindi ko masabi sa telepono.

EnTrY fOr A fRiEnD
- Sa blog ko, sinusulat ko rin ang mga pwede kong i-advised sa mga kaibigan kong nangangailangan ng payo. Iba kasi mag payo sa sulat lahat masasabi mo without hesitation. Atleast mababasa nila lahat ng gusto mong sabihin. Masayahin akong tao pero masyado din akong emotional kaya madali akong makarelate sa mga friends ko. Kaya dito ko naman pinapasok ang mga entry ko na about sa mga kaibigan ko.

LaKwAtZa
- Title pa lang alam nyo na di ba? Ang mga kwento ko naman dito tungkol sa aking mga lakwatsa. Syempre mawala na ang lahat wag lang to! Lakwatsero yata ako. Lahat yata ng blog meron nito. Mga field trip, Byahe o Travel.

iM nOt MaD
- Ka plastikan naman ito. Title lang ang im not mad, pero ang totoong feeling ko dito sa mga sinulat kong ganito ang label ay galit ako! Dito ko nailalabas ang mga kinaiinisan ko, sama ng loob ko or mga bagay o happenings na sumira ng araw ko.

KwEnToNg LaBLaYf
- Di nyo pa ba alam to? eh, self-explainatory na to ah. Tungkol to sa lablayf ko! Alangan naman mag kwento ako tungkol sa lablayf ng kapitbahay namin o di kayay lablayf ng mga taong grasa. Di ba? Syempre yung tungkol to sa buhay pag ibig ko.

KwEnTo NgAyoN
- Ito ang totoong update. Dito ko sinusulat ang mga nagaganap sa buhay ko. Yung mga nangyayari sa paligi ko o kung anu ano pa na gusto kung isulat basta mga experience for the day.

LoOkiNg BaCk
- Balik tanaw sa mga nakaraan. Dito nagbabalik tanaw o nag mumuni muni sa mga nakalipas na pangyayari. Mahilig kasi akong mag flashback ng mga pangyayari. Kaya sinama ko rin ito sa mga labels ko.

OnLi iN dA PiLiPiNz
- Mga nakakatawang pangyayari sa Pilipinas na dito lang nangyayari at wala na sa ibang bansa. Mga isyung pinag uusapan, mga kwentong kinilala ang pinoy at mga kwentong nagbigay parangal sa Pilipinas. Syempre kailangan ko ring isulat yun.

PoLiTiCz My FaVoRiTe
- Ito talaga ang trip kong pag usapan since hayskul, Wala naman akong planong pasukin ang mundo ng Politika. Ewan ko ba kung bakit intresado ako dito. Siguro dahil nakadepende sa mga Politiko ang pag-unlad ng ating bansa. Syempre sino ba namang Pinoy ang ayaw umunlad ang Pinas Di ba? Kaya ito ang label ng mga isyung politiko.

SaMotSaRi
- Ito naman kung anu ano lang ang maisip kong isulat na hindi pasok sa ibang labels. Kaya dito ko pinapasok. Minsan kasi pag may naiisip ako ultimo daga o langgam nagagawan ko ng entry.

ShOwBiZ bUzZeR
- Maiiwasan ko bang isulat ang tungkol dito? Eh, Mas maraming mambabasa ang nagbabasa ng blog ko na hilig ay Showbiz tulad ni Pane, Lalane, Cindy at iba pang berks. Kaya ito ang label ng showbiz update ko.

ThAnK yOu LoRd
- Ito naman ang entry na puro pasasalamat, Syempre pasasalamat sa lahat nang binigay nya sa akin. Sa lahat lahat ng bagay. O ang mga religious entry na para sa kanya. Ito yon.

....BaCk To WoRk Na SaNa....

Hello! finally im at work na hindi ako na late! Kahit masarap pa sanang matulog. Alas syete daw kasi pasok ko, Dahil nga mag OT ako para sa shift ng gangster kong kaibigan. At ang nakakainis! Pagdating ko dito nag ask ng favor Boss ko kung pwede daw 8pm na lang ako papasok since hindi daw natuloy ang meeting nila. Syempre, likas talaga sa akin ang kabaitan (toinks). Kaya pumayag na rin ako dahil marami din akong gustong gawin before my shift starts.

* Gusto kong mag blog muna! Dahil upgraded na nga ang blog ko.
* Gusto kong mag yosi ng limpak limpak muna bago mag trabaho.
* Gusto ko munang maka idlip kahit konti lang.
* Gusto ko munang mag check ng facebook ko, Lalo na ang 365 project ni Ma'am Levz. Gusto ko kasi mga artistic design nya sa pics yung everyday pics nya.
* Gusto ko munang magluto ng Pancit Canton (yung bago, yung Pancit shanghai ni Kim at gerard).
* At higit sa lahat gusto ko munang makipag tsismisan sa office dahil nga naka day off ako kahapon! anung bago? anung meron? anung di ko pa alam? At kung anu ano pa na nais kong malaman. Hay blog talga, Nakaka adik!