Sunday, May 2, 2010

.....KiLaLa NyO nGa Ba Ako.....

Sino nga ba ako para sa inyo? You might say i'm mayabang... and never naging seryoso! Dagdagan nyo pa, Di marunong tumupad sa pangako! Lalo na sa Month of May resolution ko 1st day palang, I break the rules na! Quit smoking daw oh! Pero hit hit pa rin ng hit hit ng marlboro! Question mark pa ang sunday obligation sa Church! mag aalas nuebe na di pa rin nakapag simba! Malay nyo mamayang hapon ako magsisimba! Sana nga mamayang hapon. Siguro, kung di lang nakapako sa krus ang imahe ng Panginoon sa Baclaran church, malamang nasampal na ako nun sa dami ng pangako ko sa kanya na napapako. Buti na lang lagi nya akong naiintindihan!
Well heto na, sasagutin ko ang sarili kong tanong. Dahil wala ng ibang nakakakilala sa akin, Kundi ang sarili ko. Simple lang ako, merong dalawang tenga, dalawang mata, ilong na maganda, Oist, kumakanta ka na yata ak! 'Lagi akong nagkakape kaya walang oras na hindi nininerbyos. Laging may daga sa puso ko! kunting kalabog lang sa opis at pag mag isa ako, Napapa Hail Mary na agad ako! Kaya trip na trip talaga ni Vinz na takutin ako sa oras ng trabaho! May oras ka rin sa kin na hayup ka! Tubong Iloilo, nilisan ko ang malayong lugar na ito at sa city nag-trabaho, naging supervisor sa isang call center, nagka girlfriend, nagka barkada, iniwan ng syota at nagkawindang windang ang buhay (para bang minasaker ni Ondoy ang buhay ko).Kaya di nakuntento, nag-migrate sa Manila at dito natuto sa buhay, nagkaruon ng mga bagong kaibigan at Bagong trabaho. Secret ang edad ko at mag bebertday na naman ako sa 27th ng Mayo! haaayz, tumatanda na nga ako! At ang vital statistics ko? Ito ang dapat na i-secret! Hanggang ngayon akoy isang Call Boy Pa rin, sa Call Center. Pero isa akong Guro na walang saysay. Mainitin ang ulo pero nasa lugar. May sariling opinyon pero 'di ipinipilit sa iba kumbaga eh kung ayaw mo, wag mo! Marunong kumanta pero hindi magaling (at hindi ko pinagpipilitan kumanta di tulad ni Vinz). Maraming kaaway pero mas maraming kaibigan. Motto ko in life: Walang pakialamanan! Kanya kanyang diskarte yan!
At alam ko may nagrereklamo! kulang daw! sige na nga sabihin ko na rin! Sabi nila malibog daw ako! hindi! hindi! totoo yun!
So.... Tama ba ang pagkakilala nyo sa akin????