Saturday, May 1, 2010

......MaY eYe PrObLeM kA bA......

Magandang Morning!
This morning marami akong hinahanap na gamit ko na di ko makita kita. Nakakainis talaga! Kung di mo hahanapin kusang nagpapakita sayo. Pero pag hinanap mo saka naman mawawala. May mga ganyan ba talagang bagay na nagtatago pag hinahanap? Tulad ng wallet ko kanina hinanap ko dahil bibili ako ng ariel na panglaba. Di ko makitakita eh nasa tabi lang pala ni kuratcha (laptop ko). tapos yung susi ng bahay hinanap ko rin bago umalis, kailangan kasi ma lock bago iwan (baka manakaw lahat ng gamit ko)! Anak ng teteng na susi yan! pinagpawisan na ako sa kahahanap, eh naka salpak lang pala sa door knob namin! Mata ba ang problema ko? O makalimutin na nga ako? Malalaman ko yan sa test na gagawin ko sa sarili ko. Eto, kailangan kong makita sa larawan sa baba kung saan ang ika 44th president ng United States!
Sabi ng kaibigan ko pag di ko pa daw nakita si Barack Obama sa picture ibig sabihin daw may problema nga ako sa paningin, Pero pag nakita ko daw ibig sabihin ulyanin na nga ako.

Eh! ang hirap-hirap kayang hanapin dito si Barack Obama, Ang liliit ng mga picture! Hay naku! Mabuti na lang di ko nakita ang 44th president na USA! Ibig sabihin may eye problem nga ako! Mabuti na yun! Ayokong maging ulyanin at the age of 28th. Kayo nahanap nyo ba si Barack????

No comments: