Tuesday, May 18, 2010

...NoW Na......

Naks! Ang lakas ko pala! Kaya ko palang manipulahin ang sarili ko! mag iisang linggo ng no smoking ako! Sana tuloy tuloy na ito! akala ko nga makakamura ako dahil di na ako nag yoyosi! parang naiba yata! Mas mahal pala ang Orbit Candy ng Mini stop compare sa marlboro lighyts, tapos lagi pa akong napapabili ng coke nila! coke yata ang pinalit ko sa yosi! Pero okay na rin to atlist quit smoking na ako! (sandali lang ha ma check ko nga itong CP ko kung may mga bagong pasok na message) anak ng kabayo! 5 messages received! dalawa kay maam janize at tatlo kay nathan! yong kay Nathan tinatanong na ako kung kukunin ko ang super cute na cute na tutang binebenta nya sa akin! yung kay madz naman pinapaalam nya na sa bahay na sya! under time kasi sya dahil may swimming daw silang mag anak! kaya ako ang Nag OT ng bonggang bongga! alas dyiz na ang uwi ko na supposed to be ay alas syete! Ang masama pa, itong pwet ko parang inuubo na! na buti na lang walang amoy! At ang pinaka worst pinagpapawisan na ako ng malamig na parang gusto ko nang mag CR! Ang problema nga lang hindi ako sanay umebak sa opisina! namamahay tong ass ko or the right term is nangungubeta tong pwet ko! nabababoy na ang blog ko wala na akong maisulat eh! kaya stop na! at uuwi na ako after few minutes! Asus! nakalimutan ko naman ang pinapagawa sa akin ni sir Andre! Lagot naman ako nito mamyang gabi! haaaay! NEws Letter! News Letter! ang article na pinapagawa sa akin ni sir Andre...

No comments: